White
Payapang natutulog si Shadow sa tabi ko. Umaga na rin. Matapos niyang mawalan ng malay kanina ay tineleport ko na agad siya sa kwartong kasaluyukan naming tinutuluyan dito sa Aleyva.
"Pst." tawag sa akin ng kung sino.
"Bes, mamaya mo na titigan si Black diyan okay? Labas ka dito. May paguusapan tayong mga Royals kasama ang mga mamamayan ng Aleyva." si Orange lang pala. Nakadungaw siya sa bintana. Pft. Gusto kong matawa.
"HAHAHAHAHAHA." at dahil gusto ko, tumawa nga ako. Nakita ko namang napakunot si Orange.
"Napatawa ka diyan? Para kang bruha."
"Wala lang. Nakakatawa kasi yung itsura mo. Para kang painting dahil nasa mismong gitna ka pa talaga ng bintana. Nagmumukha tuloy frame." sabi ko sabay tawa uli. Nakita ko namang napanguso siya.
"Mukha kang pato, Dalandan. Tigilan mo yan." sabi ko bago tayo at tuluyang lumabas tsaka pumunta sa lugar kung saan sila nagkukumpulan. Nakasimangot naman na nakasunod sa akin si Orange.
Nakaupo sa lupa ang mga taga-Aleyva habang nakatayo lahat ng Royals, syempre except kay Shad dahil nagpapahinga siya.
Pagkadating namin sakanila ay binati nila kami, bumati rin naman kami pabalik. Kinamusta rin nila si Shadow. Pumwesto sila Blaz, Atom at Kaito sa pinakaharapan.
"Tungkol saan ito?" seryosong tanong ko. Nag-angat naman ng tingin si Kaito bago ako sagutin.
"Tungkol po sa kung ano po ba ang mga gagawin nating hakbang para mahuli ang may pakana nito." medyo nagtataka na ako sa katauhan nitong si Kaito ah.
"Bakit parang ikaw ang pinakapinuno dito?" tanong ko. I didn't ask him with a sense of doubt because pinagkakatiwalaan naman siya ni Shad. Out of curiosity lang talaga ang tanong ko.
"Anak ako ng pinuno ng bayan na ito. Yun nga lang, patay na siya dahil nga sa biglaang pagsugod ng mga halimaw dito sa amin." oh. Nakakita ako ng hint of sadness sa mata niya kaya sigurado akong totoo ang sinabi niya.
"Oh. Sorry." hinging paumanhin ko.
"Don't worry, Princess White. Proud naman ako sa kanya kasi nawala naman siya na pinaglalaban ang bayan namin." sabi niya sabay ngiti. Tumango naman ako sa kanya tsaka ngumiti na rin.
"Teka teka, ang dinig ko kanina sa sinabi mo, 'gagawin nating hakbang', sasama kayo?" tanong ni Yellow.
"Kung pwede lang po pero kung sa tingin niyo po ay pabigat kami ay di na lang po kami sasa-"
"No. You'll come with us." napalingon naman kaming lahat sa bagong dating. Si Shadow.
Nang tuluyan siyang makalapit ay kinurot ko siya sa tagiliran na nagpa-aray at nagpatingin sakanya sa akin. Tignan mo tong lalaking to. Kapag nasusugatan ng kung anu-ano walang ekspresyon pero simpleng kurot, aray agad.
"Sino nagsabi sayong bumangon ka kaagad? Okay ka na ba?" tanong ko. Minsan talaga parang bata itong si Shadow.
"Walang nagsabi because it's my own decision. And yeah, I'm okay now." kibit-balikat nitong sagot. Tuluyan naman na siyang humarap sa mga nandito. Kaming mga Royals ay natahimik na rin. Kung si Kaito ang nagsisilbing leader nila, si Black ang sa amin.
"Kailangan namin ng limang sasama sa amin. Lima lang. Dahil hindi natin alam kung may susugod uli dito. Ang mga matitira ang bahalang lumaban sa mga yon. Kayong tatlo, maghanap pa kayo ng dalawa pang sasama sa atin." napatingin naman ang tatlo kay Shad.
"Isasama mo kami, Black?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Kaito.
"Ah hindi. Maiiwan kayo dito." ang cute niya mambara. Speaking of cute, nami-miss ko na si Zero.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...