Sa paghahanda namin, wala kaming dinalang kahit ano. Sinisiguro kong ito na ang huling araw namin dito. Akala ko matatagalan pa pero dahil sa tulong ni Wailey, mabilis ko nalang nalaman kung nasaan ang may pakana ng lahat ng ito.
Si Wailey kasi ay nasa bahay lang namin kasama si Zero. Bago ako bumangon kanina ay nagteleport ako pauwi. Kinausap ko siya at tinanong tapos ay bumalik agad ako. Noong unang beses kami nagtrain ay nasabi niya sa akin na parang kaya niya raw malaman ang mga impormasyon na gusto niyang malaman kung gugustuhin niya pero limitado lamang ang impormasyon na kaya niyang makuha.
Actually, malaki ang maitutulong ng ability niya na yon. Baka pwede niya rin malaman kung sino pa ang traydor sa mga Royals.
"Alis na tayo." maikling sabi ko bago tuluyang maglakad papasok sa kagubatan. Nalaman ko kay Wailey na nasa isang kweba ang salarin hindi masyadong malayo sa Aleyva.
"Nasaan siya, Black?" tanong ni Gold sa akin. Nakita ko namang napalingon sa akin ang lahat ng kasama namin dahil gusto rin nilang malaman ang sagot.
"Cave."
"So, kailangan po nating maghanap ng kweba?" tanong ni Alex. Tumango ako bilang sagot.
Hindi pa rin nawawala ang mga goblins na hindi na ata mauubos. Kung saan-saan na direksyon sila nagmumula.
Bago pa makalapit sa amin ang mga goblins ay pinapana na ni Blue ito. Ang mga nakakalagpas naman ay si Red at Indigo na ang bahala.
"Indigo, pakiramdaman mo kung nasaan ang isang kweba." utos ni Light kay Indigo. Huminto muna kami sa paglalakad dahil mahihirapan alamin ni Indigo kung nasaan ang kweba kung gumagalaw kami.
Nakita naming pumikit siya at nagsimula na sa paghahanap ng kweba. Wala namang kweba na nasa ere kaua siguradong mahahanap niya ang hinahanap namin.
"We're almost there." sabi ni Indigo matapos mahanap ang lokasyon ng kweba.
"Lead the way." siya ang pinauna ko tutal siya naman ang may alam. Nakasunod lang kaming lahat sakanya.
"Pansin ko lang, hindi na nagsalita pa si Red simula kanina." wika ni Light sa aking isip
"Do you want him to talk?" ani ko dito. Mas mabuti ngang di siya nagsasalita. Kung anu-ano ang pinagsasasabi.
"Hindi naman." mahina siyang tumawa na nakaagaw sa atensyon ng iba.
"Oy ano yan ha?" tanong ni Yellow. Hinawakan lang ni Light ang kamay ko tsaka nilingon si Yellow at kinindatan ito bago sumagot, "Secret. Sa amin na yon."
"Che. Arte nito. Halika dito Indigo hakawan mo rin kamay ko." sabi ni Yellow bago lapit kay Indigo dahil siya nga ang nauuna sa amin bago hawakan ang kamay niya.
"Violet, holding hands din tayo." nakangusong saad ni Blue. Inirapan siya ni Violet pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagblush nito bago hawakan ang kamay ni Blue.
Finocus ko na ang aking tingin sa aking harapan. Nagkuwe-kwentuhan sila Orange, Green, Gold at ang kambal sa likod namin.
"I saw that Violet."
"Saw what?"
"You blushed." saglit kong nilingon sila Violet tsaka siya nginisian nang bahagya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Huwag mong sasabihin kay Blue or else sisiraan kita kay White." after niyang sabihin yon ay tinigilan ko na siya. Baka kung anong paninira pa ang gawin niya sa akin. Mahirap na.
"Meron pong kweba don oh!" turo ni Alice. Sabay-sabay naman kami pumunta sa kweba na tinuro niya.
"Indigo, alamin mo kung ano or anu-anong klaseng nilalang ang nasa loob."
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...