Pumunta na kami sa magiging kwarto namin. Bago ako umakyat ay sinipat ko muna ang orasan at nalaman na gabi na pala. Nakasara pa kasi ang lahat ng mga kurtina kanina. Mahaba-haba ang itinulog namin sa couch pero ito kami at matutulog na agad.
May isang kama, isang couch na hanggang tatlo ang maaaring umupo, bintana, study table, isang mini-bookshelf, isang walk-in closet, at dalawang banyo dito sa loob. The bed is enough to fit the two of us. But nope, I'll be sleeping on the couch.
Uumpisahan ko na ang pagtawag sa kanya ng Light. Halos wala rin naman kasing pinagkaiba. Parehas madaling sabihin.
"Talagang seryoso si Daddy sa sinabi niyang iisang kama lang tayo matutulog." sabi niya at nahiga. She left a space for me to fit in but I know that it will make her uncomfortable.
"Not a problem." sabi ko sa kanya at humiga sa couch. Hindi naman na nagsalita si Light. Wala talagang makakatalo sa kanya pagdating sa pabilisang makatulog.
--
Pagkaraan ng ilang oras ay naramdaman kong may gumigising sa akin.
"Shadow. Shadow, gising." dinig kong sabi ng isang babae habang niyuyugyog ako. Isang babae lang naman ang kasama ko ngayon at maaaring gumising sa akin.
"Hmm?" nang tuluyan kong makita na bakas sa mukha niya ang pag-aalala, bumangon na ako agad.
Pagkaupo ko ay nagconcentrate ako. Nakadama ako ng isang presensya ng Fallen.
"Garden." sabi ko at nagteleport sa nasabing lokasyon. May hardin dito pero hindi kalakihan. Nakita ko naman si Light na sumulpot sa harap ko.
"Please, come out wherever you are." pakikiusap ni Light pero dumaan na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagpapakita.
Huminga ako ng malalim at dinama ang presensya niya.
'I feel her presence behind that tree.'
Tama si Darko. Gumawa ako ng dark dagger na mabilis kong pinatama sa kung sino mang nasa likod ng punong yon.
"Ah!" daing niya. Mula sa likod ng puno, lumabas ang isang babae.
Susugurin ko na sana siya nang bigla akong binatukan ni Light. Makabatok, wagas! Parang gawa sa metal ang kamao.
"Ouch!" ang tanging nasabi ko sabay hawak sa batok. Nagawa pa niya talaga akong batukan?
"Ikaw naman kasi. Can't you see that she's harmless?" irap sa akin ni Light bago humarap sa babaeng fallen angel. May tinatago nga palang katarayan tong babaeng to.
"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa niya. Sino ka b-" pinutol nung babaeng yun ang sasabihin ni Light.
"I'm here to warn you." sabi nung babaeng Fallen. Nanatili kaming tahimik ni Light at hinintay ang susunod na sasabihin niya. Warn about... what?
"I'm Wailey Defroysa. I'm here to warn you about the upcoming war between the Fallen Angels and the united forces of the Angels and Demons." sabi ni Wailey sa amin.
A war. A war?
"War, you say? What do you mean?" ako na ang nagsalita dahil mukhang di makapaniwala si Light sa narinig niyang may paparating na digmaan.
"King Hermes wants to take revenge with the other Kings. Lahat ng Fallen Angels ay nasabihan niya na tungkol sa kanyang plano. Pinatay raw ng ama ni King Hades sa tulong ng ama ni King Zues ang nakakatanda niyang kapatid na si Ophion na dati naming hari. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kaya matagal na siyang nagpaplano kung paano makakaganti sa dalawa. Yun nga lang, hindi na umabot ang plano niya dahil namatay na ang mga ito dulot ng katandaan. Naisip niya na ang mga ama niyo na lamang ang paghigantihan. May isang taon pa kayo para maghanda." mahabang paliwanag niya samin. Hindi ba uso kay King Hermes ang salitang 'move on'? Pero sabagay, kamatayan ang pinag-uusapan natin dito.
Pero magagawa nga ba ni lolo yon? Alam kong hindi siya gagawa ng bagay na katulad ng pagpatay maliban nalang kung may mabigat na dahilan.
Lumapit ako kay Wailey at mukhang akala niya ay sasaktan ko siya dahil nagkaroon ng itim na aura sa paligid ng kamay ko. Tinapat ko ang kamay ko sa sugat na tinamaan ng dagger na ibinato ko kanina.
Bihira lang sa mga demons ang magkaroon ng kapangyarihan na magpagaling. Kadalasan kasi destruction power lang ang meron. Hybrid kasi si Mom. Half angel half vampire. Natural na ang pagkapula ng mata niya. My Mom's mother is an angel while her father is a vampire na nanggaling sa Cregocion Kingdom. It seems impossible but it happened.
The power of love, I guess.
Sa kanya ko namana ang pula kong mata. Yung kaliwang mata ko lang ang pula. Although some tell me that it looks cool, for me it is kind of weird.
"Bakit mo to sinasabi sa amin?" Light asked.
"Hindi kasi ako sang-ayon sa plano nila. Ayokong marami nanaman ang mamatay dahil sa isang digmaan. Huwag kayong mag-alala. Walang makakaalam na nakipagkita ako sa inyo." sabi niya. Pagkatapos ko siyang pagalingin, lumingon siya sa akin at ngumiti.
'Salamat.' ooh, she's a telepath. I nodded at her as a response.
"Let's meet here again at exactly eight in the morning tomorrow." sabi ko sa kanya. Papapuntahin ko dito sila Dad para malaman din nila ang tungkol dito.
Tinatamad ako magkwento kaya naman si Wailey nalang ang bahala na magpaliwanag.
"Sure thing. Bye. Goodnight. Sorry rin pala kung nakaistorbo ako sa pagtulog niyo. Kung natutulog lang nga kayo." nakangising sabi niya sabay laho. Teleportation. She's got quite the abilities.
Namula si Light at hindi ko agad nalaman kung bakit. Nang maalala ko yung huling sinabi ni Wailey ay muntik na akong mapahilamos ng mukha. Wild imaginations suddenly rushed through my mind.
Joke. As if.
"Pumasok na tayo. Sabihan mo rin si tito Zues at Dad na pumunta dito bukas." sabi ko sa kanya at nagteleport na sa kwarto. Bago ako mahiga sa couch, tinawag uli ako ni Light.
"Uhm, Shad?" tawag niya sakin. Nakahiga na siya sa kama niya at nakaharap siya sa akin. Bale, nakatagilid siya
"Oh?"
"Shad? May request sana ako." hindi na siya nagsalita pa. Mukhang nagdadalawang-isip. Babasahin ko nalang ang isip niya at swerte ko dahil hindi nahaharangan ng barrier. Napangiti ako dahil doon. That means she trusts me to the point that she can lower her guard when I'm around.
'I can't withstand the cold.'
Yun lang pala. Tumayo ako at naglakad patungong kama tsaka tumabi sa kanya. Kinumutan ko na rin siya dahil ayos lang naman ang pakiramdam ko.
"Pwede mo naman kasing diretsuhin. Papabasa mo pa isip mo." reklamo ko sa kanya. Bigla naman niya akong kinurot kaya napa-aray ako. Mahina siyang tumawa.
"Why are you laughing?"
"Nakakatawa lang kasi sa simpleng pagbatok at pagkurot uma-aray ka pero kapag nakikipaglaban ka hindi ka manlang nagpapakita ng ekspresyon." sabi niya sa akin. Tumagilid din ako tsaka siya niyakap at pinalapit sakin. Nakita ko ang gulat sa mukha niya maski ako nagulat din sa ginawa ko pero,
"Hm, true." bulong ko tsaka sumiksik sa leeg niya.
Hindi naman siya tumutol sa ginawa ko at niyakap nalang ako pabalik. I smiled. I almost thought that I made her uncomfortable because of my sudden action.
I don't like her at all. I can't believe my feelings ever since we were a child will develop into this... this kind of way.
I love her. I love this lady wrapped around my arms.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...