Hermes
Pagkaalis ng dalawang Royal ay napangiti na lamang ako. Sa oras na maisagawa ko ang spell, paniguradong mas lalakas si Red at mas lalakas na rin ang pwersa ko laban kela Hades.
"Hermes, gising." dinig kong sabi ni kuya Ophion. Dumilat naman ang mata ko at nakita ko si kuya na suot-suot ang kanyang korona.
Wala na ang aming magulang dahil namatay sila dulot ng katandaan kaya siya na ang hari.
Tinignan ko ang oras at nakitang nakatutok yung mahabang kamay sa six tas yung maliit naman ay sa two. Tas madilim pa sa labas.
"Kuya bat mo ako ginising ng 2:30 ng umaga?" takang tanong ko kay kuya. Ang gulo ng buhok niya at mukha siyang baliw.
"Nakagawa ng kasalanan si kuya eh. Kailangan kong magpaliwanag sayo, Hermes." nag-aalalang wika nito. Ano ba ang sinasabi niya?
"Hindi sinasadyang may nangyari sa amin ng kasintahan ni Hades. Lasing ako non at nagbunga yon. Hindi ko alam ang ginagawa ko noon!" nanggigigil niyang sabi. Huh? Ibig sabihin magiging tito ako? Tsaka yung kasintahan ni kuya Hades.... Si ate Persephone ba? Eh mas bata si ate Persephone ng anim na taon kay kuya ah!
"Kuya magiging tito na ako?" natutuwang sabi ko. Eh kasi magiging tito na ako eh! May aalagaan akong baby! Marami na nga sila eh. Kasi halos sabay-sabay nabuntis ang mga kasintahan nila kuya Zues! Medyo nauna lang talaga sila kuya Derson at ate Resana.
"Hermes, hindi mo naiintindihan. Malaking kasalanan ang nagawa ko kahit na sabihin pang hindi ko naman sinadya! Paniguradong pinaghahanap na ako ng ama ni Hades o kaya ama ni Zues ngayon para patayin. Dapat hindi ako nagtiwala roon sa babae na yon na hindi siya magsusumbong!" mahabang sabi niya. Eh? Bat papatayin nila si kuya?
"Hindi na bale. Ganito na lang Hermes ha? Kapag nawala ako, alagaan mo yung baby ni kuya ha?" pagkasabi niya non ay nagkaroon ng dalawang malakas na aura sa loob ng bahay namin.
"Lapastangan!" biglang sulpot ni tito Kronos sabay suntok kay kuya. Ama siya ni kuya Zues. Tumalsik si kuya.
"Kuya! Tito Ronos bat niyo po siya sinaktan?" paiyak kong sabi kay tito.
"Hermes, bata ka pa pero sana maintindihan mo. Nakagawa ng malaking kasalanan ang kuya mo sa anak ko at sa nobya nito. Nagbunga ang kasalanan na iyon at hindi ko ito palalampasin!" sulpot naman ni tito Coeus, yung ama ni kuya Hades, tapos may itim na liwanag na lumabas sa kamay niya tapos parang nagiging bola.
"Te-Teka! Sandali!" pigil ni kuya Ophion sa gagawin ni tito. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at ramdam ko ang panginginig ko dahil sa takot sa kung anong pwedeng gawin nila tito at sa pag-aalala kay kuya.
"May huling kahilingan ka ba!? Sabihin mo na!" nakakatakot na sigaw ni tito Kronos na sinabayan ng kulog at kidlat.
"Hayaan niyong mabuhay ang anak ko, pakiusap. Huwag niyo siyang papatayin. Hayaan niyong masilayan ng mga mata niya ang mundo. Pakiusap." pakiusap ni kuya sa kanila habang umiiyak. Napaiyak na rin ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Ang tungkol diyan ay sina Hades at Persephone ang makakapagdesisyon. Ngayon, magpaalam ka na!" sabi ni tito Coeus bago pakawalan yung itim na bagay papunta kay kuya.
"KUYAAAAAAAAA!!!!!" sigaw ko. Napaiyak ako ng sobrang lakas ng makitang naging abo na lamang siya pero ang korona niya... nandoon pa din.
Dahan-dahan na naglakad si tito Ronos papalapit sa korona at kinuha ito. Naglakad naman siya papalapit sa akin at ipinatong sa akin ang korona.
"Hermes, ikaw na ang bagong hari ng mga fallen. Ayaw kong makarating ang ginawa naming ito sa iba ha? Kung ayaw mong isunod ka namin sa iyong kuya." nakangiting sabi niya habang ako ay naiiyak na tumango lamang.
Wala akong nagawa dahil bata pa lamang ako noon at hindi nakakaintindi. At ngayong matanda na ako, naiintindihan ko na ang lahat.
Makapangyarihan naman si Persephone pero hindi niya nagawang pigilan si kuya? At nasaan naman si Hades nung mga panahon na yon at hindi niya naproktetahan si Persephone?
Kahit anong paliwanag ang gawin nila sa akin, hinding-hindi ako maniniwala. Ngayong makapangyarihan na ako, gaganti ako. Malas nga lang dahil namatay na sila sa katandaan kaya sila Hades at Zues na lamang ang gagantihan ko. Kukunin ko si Black pagkatapos ng digmaan pati na rin si Persephone. Kukunin ko ang mag-ina ng kuya ko.
Paniguradong may spell silang ini-cast kay Black para hindi maramdaman ng mga Aura and Power Detectors na may nananalaytay na aura ng isang fallen sa kanya. Baka nga sa isang taga-Higher Realm pa sila humingi ng tulong para i-cast ang kung ano mang spell na yon para makasigurado na hindi iyon madedetect ng kahit sino.
"Dad!" nabaling naman agad ang atensyon ko sa aking magandang anak. Alam ko na ang sasabihin nito.
"Bakit nakatira sila White at Black sa iisang bahay?" nakangusong sabi nito. Umiling lamang ako bilang sagot na ibig sabihin ay hindi ko rin alam.
Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang nararamdaman ni Black kay White. Kaya alam kong walang pag-asa ang anak ko dahil sa panlabas na anyo, talo na siya, sa panloob pa kaya?
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ibaling mo na lamang ang iyong pagkagusto sa ibang lalaki dahil wala kang pag-asa kay Black?" naiirita kong sabi dito. Nakita ko namang nag-salubong ang kilay nito. Mana sa ina ang ugali.
"Bakit naman? Hindi pa naman sila kasal kaya pwedeng-pwede pang maagaw. Kayang-kaya kong gawin yon kung aakitin ko siya-" nakakairita na ang paulit-ulit niyang sinasabi pero wala namang nangyayari.
"Hindi kayo pwede sa isa't isa dahil pinsan mo siya!" sigaw ko na nakapagpagulat sa lahat ng nandito sa bahay. Hindi ko naman kasi sinabi sa kanila ang tungkol sa ginawa ng kuya ko. Ang sabi ko lang ay pinatay ito sa hindi ko malamang dahilan.
Great. Mapapakwento pa ako.
"A-Ano?" gulat na gulat na saad nito. Malalim akong napabuntong hininga bago ikwento sa kanilang lahat ang nangyari.
"Pero ang sabi mo hindi mo alam ang dahilan?" tanong ng aking asawa.
"Ang nakaraan ay nakaraan na. Huwag mong balikan pa ang mga sinabi kong iyon. Ang importante ay magpalakas tayong lahat para matalo sila Zues at Hades. Ipangako niyo sa akin na mananatili kayong tapat sa akin at gagawin niyo ang lahat maipaghiganti lang ang namayapa niyong dating hari." seryosong saad ko. Yumuko naman silang lahat sa akin maliban sa aking mag-ina.
Napangisi ako nang maalala ang isang bagay. Hindi pa alam ni Black ang tungkol dito. Maaari ko itong gamitin sa kanya para sa amin siya sumama at labanan niya ang sarili niyang ama at kung suswertihin ay baka siya na rin ang makapatay rito at si Zues na lamang ang aasikasuhin ko. Tutal, ako naman talaga ang kadugo niya.
"Ihanda niyo ang sasakyan. May pupuntahan pa tayong pagpupulong ukol sa gagawin sa digmaan, hindi ba?" utos ko sa isa sa mga tauhan ko.
Siguradong magagalit si Black dahil halos dalawampung taon itinago ng kanyang magulang ang kanyang tunay na katauhan. Tignan nalang natin kung sino ang magwawagi sa digmaan.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...