After a week, natapos ko na rin ang training. Sabi nila sa akin, kahit one week lang ang nakalipas dito, mas matagal pa sa isang linggo ang nakalipas sa ibang realms.
"Congrats, Black! Graduate ka na sa training!" masayang bati ni Sylph.
"Hasain mong mabuti yung light power na mayroon ka. Yes, nakakaheal gamit ang isang spell pero mas effective pa rin kung light ang gagamitin mo." paalala ni Gail.
Nahirapan ako sa training na pinagawa niya. Kinailangan kong sugatan ang sarili tapos ay pagagalingin din gamit ang light. Hindi kami naglaban dahil wala naman silang tinurong offensive spell sa akin.
Sa water training, nagtraining kami sa ilalim ng tubig at doon din kami naglaban. Medyo nahirapan. Hindi pa ako marunong lumangoy then isasabak agad nila agad ako sa ilalim ng tubig? Ilang beses rin akong muntik mawalan ng hininga.
Sa wind training naman, nasa ere kami. Nagkaroon din ng pakulo si Sylph. Nakatali ang kamay ko at dapat makontrol ko ang hangin gamit ang isip lang.
Simple lang sa earth training, naglaban kami habang lumilindol at nasa ibabaw ng burol. Naensayo talaga ang balance ko.
Naglaban kami sa madilim na lugar para daw sa reflexes ko at para mas mag-improve ang night vision ko sa dark training.
Uminom din ako ng iba't ibang klase ng lason para daw tumaas ang poison resistance ko. Kung hindi ba naman baliw si Vinyo. So far, hindi na ako tinatablan ng kahit anong kilalang lason.
Sa ice training, naglaban kami sa malamig na lugar. This training is one of the easiest and I am thankful for that.
Ang metal training ang pinakaboring para sa akin dahil walang ibang pinagawa sa akin. Inatake lang ako ng maraming daggers at ang kailangan ko lang ay gumawa ng ganoong kadaming daggers at tapatan ang mga 'yon.
I enjoyed the electric training the most. Naglaban kami sa lugar na kumikidlat sa buong lugar.
Magcast ng magic circle nang sabay-sabay ang training ko kayla Magiko.
Yung training ko kay Shina at Chaos, labanan silang dalawa gamit ang lahat ng natutunan ko. Walang nanalo sa amin ni Shina at pinakain naman ako ng alikabok ni Chaos. Sa tanda niyang iyon, inakala ko na may advantage ako.
Marami na rin akong accesories sa katawan. Isang hikaw sa kaliwang tenga, dalawang singsing sa kanang kamay, dalawang singsing sa kaliwa, tatlong bracelet kaliwang kamay at isang anklet. Wala akong partner na natanggap sa training sa magic circle since hindi naman siya connected sa elements. May isa pang bakante sa dragon necklace at hindi ko alam lung bakit. Hindi nalang ako nagtanong. Marami naman na rin akong mga dragon.
"Huwag ka ring masyadong gumamit ng Dark Magic Circles. Hindi ka nga mamamatay, mawawalan ka naman ng malay." paalala naman ni Kiga.
"Sige na na, gising na. Pupunta rin pala ang isa sa mga guardian sa school mo para bantayan ka. Magpapanggap siya bilang estudyante." sabi ni Wateria bago ako napapikit sa dahilan na may sumasalubong sa akin na malakas na hangin.
"And one more thing, makakaramdam ka ng matinding pagbabago sa iyong lakas. At kasamang magbabago ang Killiard Sword. Inirerekomenda kong huwag mo muna itong gamitin." sabi ni Chaos.
Maya-maya ay parang iba na ang pakiramdam ko. Para akong nakahiga. Sinubukan kong dumilat pero hindi ko nagawa. Ginalaw ko ang mga daliri ko pero isang daliri lang ang nagalaw ko. Inulit-ulit ko ito hanggang sa buong kamay ko na.
"Shadow?" boses ni Light ang una kong narinig.
Sinubukan ko muling imulat ang mata ko at nagawa ko na. Sa una malabo, pero makalipas ang ilang segundo na malinaw na.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...