Chapter 34

455 37 1
                                    

Kaunting panahon nalang at mangyayari na ang digmaan pero hindi ko rin naman isinasawalang bahala na may posibilidad na mas agahan ng mga fallen ang kanilang pagsugod. Basta sa oras ng pagsugod nila, ibig sabihin lang noon ay nagdedeklara na sila ng digmaan.

Birthday ni Light ngayon at sa Xyriel Academy ito gaganapin dahil hindi nakakapasok ang mga demons na katulad ko sa realm nila. Hindi rin naman sila nakakapasok sa realm namin. Katulad ng nabanggit ko noon ay kaya lang naman nakapasok sila King Zues at White nung meeting ay dahil sa isang spell ngunit may time limit ang epekto ng spell na iyon. Kaya naman talagang napakalaki ang naging epekto ng pagkatuklas namin sa Central Realm.

Ako lang mag-isa ngayon. Nandito ako sa Deciel Castle. Preparing for the night. Nauna na sila Dad at Mom doon kasi tumutulong sila sa pag-aayos. Gusto ko nga sanang tumulong pero mas ginusto ko munang mapag-isa. I sighed.

"Lalim non ah." and here I thought that I'm alone.

"What do you want, Uncle?"

"Don't make the birthday girl jealous." ang sabi niya.

"Why?"

"Baka makuha niya na ang first time niya sa pagpatay. Haha." sabi niya sabay tawa. It's not funny though. O hindi ko lang naintindihan?

And yes, hindi pa nakakapatay si Light. As much as possible, ayaw ko ring mangyari ang bagay na iyon.

"Sabi ko nga hindi nakakatawa. Oh sige, ingat ka." kumaway sa akin si tito habang naglalakad papalayo. Ingat saan?

--

I'm here at the hallway. Walking. Alone. I'm seven minutes late for Light's party. Sa arena mismo ginaganap ang birthday ni Light.

Habang palapit ako nang palapit sa arena, mas lumalakas ang mga boses ng mga kumakanta. Violet, Blue, Yellow and Indigo. Patapos na sila.

Saktong pagkatapos ng kanta ay ang pagpasok ko sa arena na naging dahilan ng pagtingin ng lahat sa akin. Wow. Grand entrance lang.

"NANDITO NA SI PRINCE!!!" medyo OA but okay.

Hindi ko pinansin ang mga pinagsasasabi nila at dumiretso nalang ako sa upuan naming mga Royals. Being the birthday girl, nakahiwalay sa amin si Light. Pagka-upo ko ay tinanong ako ni Gold. Tumahimik naman ang lahat para pakinggan kami.

"Why so late?" tanong ni Gold na nakataas ang isang kilay.

"Wh-What? I'm just asking here. Wala akong ginagawa." sabi niya sabay atras ng upuan niya nang kaunti. Muntik na ako matawa. Hindi ko lang naman sinagot ang tanong niya pero natakot na siya.

"Since my future son is here, mind if I request a song for my daughter?" tanong sa akin ni Daddy Zues. Dinig na dinig nga pala siya dahil sa microphone na hawak niya.

"Not at all."

Sigurado naman akong narinig niya ako dahil hindi siya magiging hari kung hindi matatalas ang mga senses niya.

"Can you sing together?"

"Sure po." sabi ko at nagteleport muna sa Music Room para kumuha ng gitara tsaka bumalik sa arena. May nakahanda ng mic doon para sa skin, may hawak ng mic si Light at bigla na lamang nagka-stage sa arena. Parang hindi ata sila handa?

Nagsimula na akong kumanta at hindi ko mapaiwasang mapangiti sa aking isipan dahil may ilan sa mga lyrics na tugma sa mga nais kong sabihin kay Light.

Matapos naman ang hindi lalagpas ng limang minuto ay natapos kami kumanta. May mga nakita pa nga kaming nagsasayawan sa gitna kanina.

Ibinaba ko ang hawak kong gitara at tinignan si Light. Itinabi naman niya ang mic na hawak niya. Lumapit kami sa isa't isa.

Itinuro ko ang aking daliri sa itaas tsaka gumamit ng dark fire upang buuin ang mga katagang,

'HAPPY BIRTHDAY LIGHT'

Lahat ng nandito ay nakatingin sa mga yon maski si Light kaya hinatak ko si Light at ninakawan siya ng halik sa labi. Nakita ko naman ang gulat sa kanyang mukha. Pinalo naman niya ako sa braso.

"Naughty prince." sabi niya habang nakanguso.

"Are you asking for one more?" nang nilalapit ko na ang mukha ko sa mukha niya ay agad niyang tinulak ang aking mukha at tinigil ang pagnguso. Sabay na lamang kaming napatawa sa mga pinaggagawa namin.

Pinawala ko na ang sulat kaya bumalik na sa amin ang tingin ng mga nandito. Biglang namatay ang lahat ng ilaw ng ilang segundo pero bumukas din. Ngayon ay may isang lalaking naka-itim na cloak na lumulutang sa gitna ng arena.

Saglit nga. Siya yung lalaking sumaksak sa akin sa gubat noon. Damn. I forgot about him.

"Ikaw nanaman!?" sigaw ni Dad. Nanaman?

"Noong mga oras na umalis ka para labanan ang Gagorno Dragon, lumitaw ang lalaking yan sa isang hologram na screen. Sinabi niyang hindi siya ang may pakana ng pagwawala ng Gagorno Dragon na kinalaban mo pero siya yung naglagay ng magic circle sa amin para walang makasunod sayo." ramdam ko ang galit ni Light sa lalaking yon.

"He's the one who stabbed me back in the forest." saad ko naman na nakapagdagdag ng galit kay Light.

"Hmm, enjoying the party?" tanong ng lumulutang na lalaki.

"Oo pero nung dumating ka, hindi na." sagot ko sa kanya. Yung iba ay hindi napigilang humagikgik dahil sa sinabi ko kasama na si Light. Ang iba naman ay nagka-ubo bigla.

"You really never fail to piss me off, Black." sabi niya na tila naiinis na talaga. Nagtaka ako. Tila hindi bagay sa kanyang itsura ang kanyang boses.

"Hindi... hindi 'yan ang boses na narinig namin noong mga panahon na iyon." sabi sa akin ni Light. What?

"You are not invited here. Bakit ka ba nandito? Makikikain?" tanong ko sa kanya. Baka makakuha ako ng impormasyon kung sakaling mainis siya.

"Ang prangka ng anak mo, Hades." dinig kong sabi ni tita Irene. Green's Mom.

"Dati na siyang prangka. Hindi niyo lang malaman dahil minsan lamang kayo napapadalaw sa palasyo." natatawang sagot ni Dad na sinang-ayunan ni Mom.

"Die." sambit ng lalaki bago magpalabas ng dark power mula sa kanyang mga kamay.

It was very easy to negate it. I didn't even have to move.

Nakita kong papatakas na ang nakacloak na lalaki kaya naglabas ako ng dagger na hinaluan ng sleeping spell at binato ito sa kanya. Tumama naman ito sa kaliwang hita niya.

But the truth is, ako mismo ang gumawa ng dagger na iyon using my metal power at hinaluan naman ng non-lethal poison na pampatulog lang na of course, nakuha ko sa training ko kayla Ivy.

That's it? Really? Something seems very off.

Kinuha siya ng mga Royal Demon Guards at sigurado akong sa dungeon ng Deciel Kingdom siya dadalhin. Nag-cast naman si Dad ng spell para malaya siyang makapasok sa realm namin kung sakaling hindi man siya demon.

Nang makaalis na sila, ngumiti ako at nagsabi ng mensahe kayla Light at Yellow through telepathy na gamitin ang kanilang mga kapangyarihan para makagawa ng fireworks.

"The party must go on!"

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon