Chapter 33

450 34 2
                                    

Third Person

Masayang nag-aabang ang lahat ng mga studyante sa pagsisimula ng pageant. Napakalma ni Black nang maayos si White. Ang ibang kalahok naman ay hindi rin maiwasang kabahan dahil dalawang Royal ang kasali. Ang iba ay napanghihinaan ng loob habang ay iba naman ay malakas pa rin ang loob at nagtitiwala lamang sa kanilang sarili. Ang iba naman, iniisip na posibleng kung saka-sakaling manalo sila Prince Black ay dahil lamang ito sa status na mayroon sila.

"Hello, students!" panimula ng mga master of ceremonies na sila King Zues at King Hades. Ang ibang Royalties ay nakaupo sa kanilang mga upuan. Ang tanging wala lamang ay si Red. Ang kanyang sinabi ay tinatamad daw siya.

"Handa na ba kayo!?" pasigaw ngunit masayang sabi ni King Zues. Sumagot naman ang mga studyante ng 'oo'.

"Kung ganoon, bakit pa natin patatagalin ito? Simulan na ang pageant!" sabi ni King Hades. Nagsigawan naman ang mga studyante.

"Let's start with the section red!" yan ang sinabi ni King Zues at nagpalakpakan naman ang mga studyante. Ang mga taga-section red ay nagsisihiyawan pa nga. And yes, mga kulay rin ang pangalan ng mga section nila. Masasabing talagang hilig nila ang pagbibigay ng pangalan na nagmula sa isang kulay. Sunud-sunod ang naging pagtawag hanggang sa,

"Now, for the last contestants but definitely not the least! From the Royal Section! Prince Black Deciel and Princess White Xyroneon!" excite na excite na sambit ni King Hades. Ang kaninang palakpakan at hiyawan ng mga estudyante ay mas lalo pang lumakas. May mga ilan pa ngang napatayo at binalak na mas lumapit pa sana sa stage pero pinigilan ito ng mga royal guards.

"What a wonderful couple." komento ni King Zues habang rumarampa sila Black. Ngumiti si White habang si Black ay blanko lamang ang tingin kahit sa kaloob-looban niya ay nakaramdam din siya ng kilig.

"Bagay na bagay talaga ang kasabihan na 'opposite attracts' sa kanila, hindi ba?" komento naman ni King Hades. Pagkatapos ng dalawang minuto ay natapos silang rumampa.

"Let's give our contestants twenty minutes to change into their swimwear." sambit ni King Hades. Habang naghihintay ay may kanya-kanya silang ginagawa. Ang mga Royalties ay nag-uusap kung ano ang kalalabasan ng pageant habang ang ibang estudyante naman ay nagbobotohan na kung sino ang mananalo.

"Sure win na sila Black!" sabi ni Yellow.

"Wait, first time lang nilang magpapakita ng katawan hindi ba? Baka hindi sila maging komportable." pag-aalala ni Orange.

"Si Black hindi na. Tsaka nandoon naman si Black para i-boost ang confidence ni White." sabi ni Violet.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Res na unang beses na piniling makasama naman ang Royals. Ayaw niya kasi ng atensyon kaya naman sa kabila ng pagiging maharlika ay mas pinipili niyang makisalamuha sa ibang mga estudyante. Pinili niya lang na maupo kasama sila Orange ngayon para makita niya nang malapitan ang stage.

"Nakuwento lang ni Wailey. Sabi niya nung nagbakasyon si Black sa Human Realm, nag beach sila tapos nagpakita raw ng abs yung si Black. Marami nga raw nagpakuha ng litrato sa kanya eh." sabi ni Yellow.

"Oh, so may abs siya?" tanong ni Blue.

"Hindi ko pa nakikita pero halata namang meron. Ikaw? Meron ba?" nakataas ang kaliwang kilay ni Violet na tinanong nito si Blue.

"Syempre naman! Pakita ko pa eh." sagot ni Blue sabay taas ng suot niyang pang-itaas na nagpahiyaw sa mga babae sa arena.

"Talaga itong isang to!" ang sabi ni Violet sa kanyang isip. Namula siya saglit pero agad din siyang umiwas ng tingin kay Blue.

"Settle down. Mag-uumpisa na ulit tayo!" pag-announce ni King Zues. Maya-maya naman ay nag-umpisa na rin sila. Kanya-kanyang tilian. Ngunit ang talagang pinakahinihintay talaga ay sila Black.

"Prince Black and Princess White Deciel!" sabi ni King Hades kaya mas lalo pang lumakas ang hiyawan. Unang lumabas si White.

'Corny ni tito.' sabi ni White sa kanyang isip.

Malakas ang naging hiyawan lalo na ng mga lalaki pero agad din silang tumahimik sa mabigat na presensyang naramdaman mula sa lalaking sumunod sa prinsesa.

'Katakot.' ang nasa isip ng mga Royals nang makita si Black. Tila masama kasi ang tingin nito sa mga manonood. Habang natatakot naman ang mga lalaki, nagsisihiyawan naman ang mga babae.

Natapos din ang kanilang pagrampa at kumalma naman na ang mga audience. Binigyan uli sila ng isa pang dalawampung minuto para makapagpalit para sa magiging pagpapakita nila ng talento.

May mga sumayaw, kumanta, at may ibang nagpakitang gilas gamit ang mga kapangyarihan nila. Pero tulad ng kanina, ang pinaka-inaabangan ay ang performance nila Black.

Lumabas na sila White at Black. Tanging microphone lang ang dala ni White habang dala-dala naman ni Black ang isang gitara.

Sa oras na sila ay natapos sa pagkanta ay siya ring hiyawan at palakpakan ng mga manonood. Si Orange, Yellow, Green at Blue ay nakikihiyaw at napatayo. Si Violet, Gold at Indigo naman ay tahimik lamang na nakangiti at pumapalakpak.

'Bagay talaga silang dalawa.' yan ang laman ng halos lahat ng mga nanonood sa kanila.

"Haha! As always. Talagang nagiging wild ang mga audience." napapatawang sabi ni King Zues.

"Oo nga eh. But this time, let's call all the contestants because we will now proceed, to the question and answer portion." sabi ni King Hades kaya tumahimik na rin naman na ang mga studyante. Hindi na nagpalit ng mga damit ang mga contestants dahil sasagot lang naman sila ng mga tanong at walang ibang gagawin.

"Question for the two of you."

Iba-iba ang tanong sa bawat magkaparehas pero dapat ay hindi sila parehas ng sagot.

"White, is love a choice?" tanong ng ama nito na si King Zues.

"Hm, I think that you make a choice concerning love everyday. Love or not to love. You either continue the process or you don't. Sometimes it is easy to love. Sometimes it is extremely difficult. In the end, it is up to you whether you will take the risk. However, I do believe that we fall in love with the right person by chance. Hindi natin basta-basta mapipili ang mamahalin natin. We can not order our feelings. We can not choose what to feel. Kaya sa oras na maramdaman mo na mahal mo siya, huwag mo na siyang papakawalan pa."

"I love you more."

"I love you most. Period. End of conversation. No erase. Locked. Tapon susi."

"Natulala ako sa sinabi mo anak." sabi ni King Zues at napatawa. Ang mga audience naman ay pumalakpak at may ilang comments.

"GO BES! I-PUSH MO YAN!" todong pag-cheer ni Yellow.

"SA MGA HINDI APPROVE SA RELASYON NILA, MAG-TAGO NA KAYO!" natatawang sigaw ni Orange.

"I LOVE YOU VIOLET-ARAY!!!" natabatukan naman ni Violet si Blue sa isinigaw nito.

"Ganda ng sagot ng girlfriend mo. Eto naman ang tanong namin para sa iyo. Ano ang kaya mong isakripisyo para sa taong mahal mo?" tanong ni King Hades.

'What? Akala ko ba parehong tanong lang kada magpartner?' tanong ni Black sa sarili. Halos lahat ay hinihintay ang magiging sagot ni Black.

"There are times that we must sacrifice some things in order to make the person we love happy. We have to be willing to give things up. As long as no one else will be affected by my actions, I can and I will sacrifice everything for Light." hindi katulad ng sagot ni Light, maikli lamang ang naging sagot ni Black.

"So, let's announce the winner! And obviously, the winner is none other than, the participants of the Royal Section-" hindi natapos ang sasabihin nila King Hades ng nagsalita ang mga studyante.

"PRINCE BLACK SHADOW DECIEL AND WHITE LIGHT XYRONEON! WOOOOOH!!!"

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon