"Gising na!"
"Shadow, we'll be late!"
"Mr. Deciel kapag hindi ka bumangon diyan hindi kita papakasalan!"
Ang huli niyang sinabi sa akin ang nakapagpabangon sa akin. Gawin ba namang panakot yon?
"Inaantok pa ako." I don't know what happened but parang ayaw ko bumangon. Masama ang pakiramdam ko ngayong araw.
"Hindi nga halata. Matulog ka nalang sa arena. Gigisingin kita kapag ikaw na o kaya ako na ang lalaban. Is that okay with you?" tanong niya. Iba talaga ang pakiramdam ko sa araw na ito.
"Hm. Thanks."
Tumayo na ako tsaka naghanap ng komportableng damit dahil paniguradong isa na ako sa mga lalaban mamaya. Nang makahanap na ako ng damit ay agad akong pumasok sa banyo at nagsimulang maligo. Narinig ko namang nagsisimula na ring maligo si Light. Dalawa naman kasi ang banyo rito.
Hindi rin ako nagtagal sa pagligo at lumabas na. Mukha namang nagbibihis pa lang si Light sa loob. Nauna na ako sa baba at magluluto na sana. Pero bahagya akong nagulat nang makarinig ako ng mga ingay mula sa kusina.
"Hoy, Blue! Masusunog na yung ham!"
"Alam ko, Violet! Eto na nga eh!"
"Hala ka! Pang-anim na plato na yang nabasag mo, Green!"
"Huwag ka ng magsalita, Yellow! Nagpapanic ako, shems. Tulungan mo ko dito, Orange!"
"Neknek mo. Kasalanan mo yan eh. Doon ka magpatulong kay Gold."
"Ayoko nga. Kay Red na."
"Wala naman akong balak na sumama dito."
Wala ba talaga ako sa focus para hindi ko maramdaman ang presensya nila? Pagpasok ko ng kusina ay agad akong nagsalita.
"What are you guys doing here?" agad naman silang napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa akin.
Marami akong nakitang mga basag na plato sa sahig, nagkalat ang mga ingredients, sunog na pagkain, at mga hindi inaasahang bisita.
"A-ah eh, hi?" bati ni Blue sakin pero rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
"Clean the whole school for one week. You will start after the competition. Disobey and a punishment will be waiting for you." sabay-sabay naman silang napalunok sa sinabi ko, kahit si Red.
"Shadow what's with the noise- What happened here!? Parang binagyo itong kusina!" biglang dating ni Light. Nalipat naman ang mga atensyon nila sakanya.
"Hehe, hi bes!" bati sa kanya ni Yellow pero binigyan siya nito ng malamig na titig. Well, that's new.
"I was asking." seryoso at may diin na tanong ni Light na muling nakapagpalunok sa kanila. Lunok sila nang lunok ngayong araw ah?
Mukhang walang balak magsalita ang mga ito kaya sinabi ko kay Light ang dahilan through telepathy.
"So, that's what happened huh? Hindi niyo ba alam na may mga batas ako dito sa bahay? Shadow, pakisabi nga sa kanila kung anu-ano yon." utos niya na sinunod ko naman.
That's right, she have her own rules at this house. Nangyari lang to nung naging girlfriend ko na siya. I kinda like the rules so, sumang-ayon nalang ako.
"The first rule is to not enter this house without any permission from the owners, which is the two of us. Rule number two, never let the food get burned. Maraming nagugutom sa ibang lugar tapos magsasayang lang ng pagkain? Rule three, do not damage any of the appliances. Hindi naman kasi kami ang gumastos para doon. Rule number four, only the owners and some people we allowed is the only one who can cook in the kitchen and last but not the least, do not mess with my girlfriend, which is, of course, Light." pagiisa-isa ko sa tinatawag niyang 'Five Golden Rules'.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasiaLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...