Chapter 18

627 41 1
                                    

Umaga na pala. Umupo naman ako mula sa pagkakahiga ko. Komportable naman ang naging pagtulog ko sa couch nila.

"Gising ka na pala Black. Gusto mo na bang kumain?" bungad sa akin ni tita Harley na nasa kusina. Mula kasi dito sa living room ay kita na rin ang kusina.

"Sabay-sabay nalang po tayo." sagot ko naman pagka-upo ko.

"Alam mo, gusto kita para sa anak ko." biglang sabi ni tito Warren na nasa tabi na pala ni tita Harley.

"Ako po?"

"Alam mo kasi kung kailan ka magiging seryoso at kung kailan hindi. Magalang ka rin. Tapos gwapo pa. Alam ko ring mabait ka. Kasi kung hindi, hindi mo sana pinayagan si Wailey na isama kami sa bakasyon mo hindi ba? Gusto lang naman kita para sa anak ko at hindi ko sinasabing ligawan mo siya. Baka lumabas na pinilit lang kita." mahabang litanya ni tito Warren pero tumawa siya matapos sabihin ang mga salitang yon.

"Saan po ba tayo pupunta?" tanong ko habang tumutulong sa paghahanda ng mga plato para sa agahan.

"Pupunta tayo sa Defroysa's Beach and Resort na pagmamay-ari namin. Tatagal tayo doon ng isang linggo. Isang linggo naman talaga ang bakasyon mo, right?" pagpapaliwanag at tanong ni tito kaya tumango ako. Kanina habang tulog sila bumalik ako sa realm namin at kumuha ng mga damit.

Pero teka, kung owner sila ng isang beach at resort, sobrang yaman pala nila?

"Alam ko ang iniisip mo, Black. Yung kalahati kasi ng kinikita namin sa isang buwan ay dino-donate namin sa isang chosen charity na si Wailey mismo ang pumipili. Yung matitira naman, sa pag-aaral na ng magkapatid at sa expenses pa sa bahay at syempre ang sahod ng mga employees doon." sabi ni tito Warren. That is very impressive.

"Good evening, everyone!" bungad ni Wailey na sinusubukang magpatawa.

"Ehem, mais." sabi ko habang pakunwaring inuubo.

"Good morning po!" bati naman ni Hailey sa amin at hinalikan ang kanyang mga magulang sa pisngi.

"Nasaan yung kiss ko?" tanong ko sa kanya at bahagyang yumuko para magkapantay kami.

"Nasa Angel Realm pa po." banat niya kaya natawa kami.

"Joke lang. Eto na po, mwah!"

"Maduga kayo! Sa banat ni Hailey tumawa kayo tapos sa banat ko wala. May favoritism kayo ha." sabi ni Wailey samin habang naka pout.

"Bulok kasi yung banat mo." nakangising sabi ko.

"Oh sya, tama na yan. Mag-agahan na tayo para makaligo na tayo at mahaba-haba ang biyahe natin. Tsaka bago tayo umalis, ipapagupit natin yang buhok mo Black, ayos lang ba? Mainit kasi dito." tanong ni tita.

"Opo, medyo nahihirapan na din po kasi akong makakita kaso hindi po pumasok sa isip ko ang magpagupit. Tsaka, alam niyo naman po yung kondisyon ng kaliwang mata ko."

"Hmm, about don. Magko-contact lense ka nalang. Sakto! May extrang black contact lense si Wailey." sabi ni tito. Contact lense? Naka-contact lense si Wailey?

"Eto oh. Ako na ang maglalagay." bilis ah. Nandito na kasi agad si Wailey eh. Hinawi niya yung buhok ko kaya nakita nila yung pulang mata ko. Agad ko siyang pinigil.

"Kahit huwag na. Siguradong iisipin ng mga tao na contact lense to." sabi ko sabay tawa ng mahina.

"Sabi mo eh. Halika na! Papagupit na kita!" biglang hila sakin ni Wailey tsaka kami nag teleport. Hindi pa ako nakakakain.

Na-teleport kami sa isang likod ng bahay na barber shop din. Hinila niya uli ako.

"Manong Luis! Pagupit naman po tong kaibigan ko! Dapat yung bagay sa kanya ha?" sabi niya sa lalaking halos may katandaan na rin.

"Syenpre naman, Wailey. Dito ka iho." pinaupo ako ni Manong Luis. Kilala siya? Famous.

And after ten minutes, okay na. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Messy. Yun bang parang gulo gulo at hindi nagsuklay? And yeah, mas bagay sa akin yung ganitong gupit.

Nagsuggest si Manong Luis na pakulayan ang buhok ko dahil uso raw pero tumanggi ako. Baka mapasukan ng kung ano ang isip ko at masabi ko na rainbow ang gusto kong kulay ng buhok. Paniguradong magugulat ang iba kapag nagbalik ako.

"Kakaiba rin ang mata mo iho ah. Kasama ba yan sa latest fashion ng kabataan? Magkaiba ang kulay ng mata? Pero aaminin ko, bagay naman sayo." sabi ni Manong Luis tsaka ako nginitian. Ngumiti naman ako pabalik.

"Salamat po! Eto na po bayad. Uwi na tayo." excited siya noh?

Pumunta kami sa likod ng barber shop tapos nag-teleport uli pabalik sa bahay nila.

"Anak, bakit hinatak mo agad si Black? Hindi manlang kayo kumain. By the way, you look good." bungad sa amin ni tita.

"Thank you po. Nagugutom na nga po ako eh. Excited kasi masyado si Wailey." sabi ko.

"Kumain na kayo." lingon sa amin ni tito Warren na chinecheck ang mga gamit na dadalhin namin.

Kumain na kami ni Wailey. Pagkatapos ay naligo at nag-bihis. Sa van nila kami sasakay.

"Picture!" biglang sabi ni tita Harley. Tumingin naman kami sa cellphone na hawak niya tsaka ngumiti.

Si tito Warren ang nagmamaneho habang kasama niya naman si tita Harley sa harapan. Kaming tatlo nila Wailey at Hailey ay nasa likod nila at may natira pang bakante sa aming likuran.

"Mama! Picturan mo kami nila kuya, please!" sabi ni Hailey kay tita Harley.

"Ang cute mo talaga kang bata ka. Sige oh, smile!" sabi ni tita Harley tapos ay kinuhanan na kami.

"Kuya? Do you know how to sing?" biglang tanong ni Hailey na nakasandal sakin

"Of course." sagot ko. Huwag mo sabihing pakakantahin niya ako?

"Can you sing a song for us?" malambing na tanong niya.

"Sure, what song?" tanong ko. Baka naman kasi yung kantahin ko hindi pala nila gusto.

"Ate Wailey? What's your pick?" tanong ni Hailey kay Wailey.

"Hmm, kahit anong kanta ba?"

"Opo basta masarap pakinggan." sabi naman ni Hailey.

"Lonely ng 2ne1, alam mo?" tanong ni Wailey sa akin.

"Parang pamilyar sa akin. I'll try to remember it."

Nagsimula na akong kumanta noong tuluyan ko na siyang naalala. Sa bandang chorus ay sinabayan naman ako ni Wailey hanggang sa matapos kami. Nakakarelax talaga ang kantang 'yon.

"Feel na feel ang pagkanta ah." komento ni tito Warren

"Oo nga eh. Sa ganda ng boses niyong dalawa nakatulog na ang bata." sabi naman ni tita Harley. Tiningnan naman namin si Hailey at nakitang tulog na nga siya.

"Matulog na rin kayong dalawa. Medyo malayo-layo pa tayo." sabi ni tito Warren kaya sumunod kami.

Lonely, huh? Not for the meantime, I guess.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon