Chapter 5

1K 64 1
                                    

"Magic Circle: Pain!" pag-cast ko sa isa sa mga magic circle. Mukha namang nasaktan siya kaya sinundan ko agad ang pag-atakeng ginawa ko.

"Dark Beam!"

Aatake na uli sana ako pero nahampas niya ako ng buntot niya kaya tumilapon ako papalayo at tumama ang likod ko sa sunud-sunod na mga puno dahil sa impact.

Nakahiga ako ngayon at nahihirapan huminga. Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi sapat ang training na ginawa ko para kalabanin ang isang Gagorno.

Ayaw ko pang mamatay pero kapag oras na, oras na talaga.

"Yo kid, cast the spell of the dark god." dinig kong sabi ng isang lalaking sobrang lalim ng boses. Spell? He means the spell that only the gods and goddesses can allow a certain living to cast? I'd love to. I need the permission of the dark god though.

"The name is Shadow. And I, god of darkness, is giving you the permission to cast the spell. Sasabihin ko bang i-cast mo ang spell kung hindi kita bibigyan ng pahintulot? Hay nako kang bata ka." sabi niya ulit. Sa kanya ba sinunod ang second name ko o coincidence lang?

"In order to defeat that dragon, you have to use my power. Just do it." pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yon ay nakaramdam ako ng lakas na nagwawala sa loob ng katawan ko. At may pakiramdam akong kailangan kong pakawalan yon. Sinubukan kong tumayo.

"Dark God's Aura." ang Dark God's Aura ay isa sa mga pinakamalakas na S-Class Magic dahil pili lang ang nakakagawa nito. Ang Dark God's Aura ay binibigyan ka ng pahintulot gamitin ang kapangyarihan ng god of darkness.

Napalibutan ng itim na usok ang buong katawan ko.

"Spirit Mode." ayaw ko siyang madamay.

"Dark Flare."

"Dark God's Fist."

"Dark Ray."

"Dark Beam."

Sunud-sunod na S-Class Magic ang pinakawalan ko. Isang kasinlaki ng tatlong palapag na building na itim na apoy ang tumama sakanya. Nasundan naman ito ng malaking kamao na gawa rin sa itim na apoy. Isa namang malaking itim na palaso ang tumama sa kanyang dibdib. Sumunod don ay ang parang laser na dire-diretsong tumama sa kanyang mukha. Naghihingalo na ang dragon pero hindi pa ako tapos.

Nilabas ko ang aking pakpak at mataas na lumipad. Magkapantay na kami ngayon. Binugahan niya ako ng apoy pero hindi ako nag-abalang umiwas.

--

Third Person

Nagulat ang lahat nang hindi umiwas si Black. Walang makapagsalita sa pag-iisip na baka ang isa sa mga prinsipe ay pumanaw na.

Pero mas ikinagulat nila ng makita nila si Black na ganoon pa rin ang itsura. Walang paso, walang sugat. Walang palatandaan na binugahan siya ng apoy.

"Dark Magic Circle: Death!" sigaw ni Black.

"No, stop!" sigaw ni King Zues.

"Ikamamatay ni Black ang gagawin niya!" sigaw naman ng nag-aalalang King Hades.

"Alam niya naman ang mangyayari kapag gumamit siya ng Dark Magic Circle hindi ba?!" hindi mapigilang mainis ni White kay Black.

Malakas na napasigaw ang dragon pagkakita sa itim na bilog na lumitaw sa kanyang paanan. Biglang umilaw ang buong katawan ng dragon pati na rin ang magic circle na nasa ilalim nito.

Pagkatapos ng ilang segundo, narinig nalamang nila ang pagsabog dahil nawala na ang screen na nagpapakita ng nangyayari. Ngunit kahit sa kanilang pwesto, kitang-kita pa rin ang pinsalang ginawa ng isang Dark Magic Circle.

--

White

Ang mga Dark Magic Circle ay hindi dapat ginagamit dahil maaaring maging kapalit nito ang buhay mo. And Shadow used it.

Hindi ko na napigilang umiyak. Naramdaman kong nawala na ang magic circle na pumipigil samin gumalaw at agad akong napaupo sa lupa.

Nakita ko ring napaluhod si Tito Hades at nagbabadyang umiyak. Wala ngayon dito si Tita Persephone dahil siya ang nag-aasikaso ng mga gawain sa palasyo pero paniguradong naramdaman niya ang pagsabog na dinulot ng atake ni Black. Si Daddy naman, hindi pa rin nakakabawi sa nangyari at tulala pa rin.

Kaninang umaga ay nakapag-usap na sila ni Wailey. Hindi sila nagkwento sa amin pero hindi naman namin sila tinanong ni Shadow.

"White, kalma lang. Si Black 'yon. Kahit ata paulanan ng apoy yung lalaking 'yon hindi pa rin tutumba." pagpapatahan sa akin ni Orange.

"Pe-pero ibang usapan na 'to. Dark Magic Circle 'yon." pagdadahilan ko. Hindi naman siya nakasagot.

"Find him! Search everywhere and find the prince!" sigaw ni Daddy nang makabawi na.

Agad namang kumilos ang lahat at nagpunta sa iba-ibang direksyon maski ang mga royalties. Ako nalang pala ang naiwan dito kasama sila Daddy at ilang mga Royal Guards.

"Maghahanap na din po ako." sabi ko at tumayo na.

Una akong naghanap sa pinaglabanan ng dalawa. Marami-rami rin silang naghahanap dito. Naghanap ako sa magubat na parte. Naglakad lang ako hanggang sa makarinig ako ng pag-ubo.

Sinundan ko ang pinanggalingan ng tunog hanggang sa makarating na ako sa gitna ng gubat pero wala pa rin.

"Shadow, nasaan ka na ba?" tanong ko gamit ang telepathy na sinusubukan na rin kung may malay ba siya ngayon.

"I... can feel your presence." para siyang nasasaktan sa boses niya.

"Shadow, do what I say, okay?" sabi ko sa kanya pero wala akong nakuhang response.

"Shadow? Shadow!" paulit ulit ko pa siyang tinawag pero wala pa rin talaga.

"AHHHH!!" tili ng isang babae di kalayuan sa pwesto ko. Agad ko siyang pinuntahan. Si Orange pala.

"Orange?" patanong kong tawag. Nanginginig naman niyang tinuro ang nasa harapan niya kaya tumingin ako roon.

Halos magsisi ako sa ginawa kong paglingon. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakita ko na uli siya o iiyak dahil sa kalagayan niya.

Si Shadow, duguan at walang malay. May nakatarak pang espada sa tiyan niya. Kung hindi lang dahil sa suot niyang damit na puno rin ng dugo ay baka hindi ko na siya nakilala.

"Shadow."

Naglandas muli ang luha sa mga mata ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya. Nakita ko namang gumalaw siya ng bahagya at inangat ang ulo niya. Biglang naglaho ang espada sa tiyan niya kaya agad akong tumakbo para mayakap siya. Wala akong pake kung malagyan ng dugo ang damit ko basta ligtas si Shad.

"Shad, please." sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin.

"Call the others, Orange. Please." pakiusap ko kay Orange.

"Sha-shad, huh?" paputol putol niyang sabi. Nagawa niya pang ngumisi. Ibang klase.

"Please, stay alive." pakiusap ko sa kanya at hindi nalang pinansin ang ngisi niya dahil nakita kong papikit-pikit na siya.

"I will." bulong niya.

"Shad!" hindi ko alam kung tutuparin niya ba ang sinabi dahil bigla na siyang bumagsak sa damuhan. Hindi ko na siya ginalaw pa at hinintay nalang ang iba.

"Let us handle him." sabi ni Indigo. Pinagtulungan naman nila Blue ang pagbuhat sa kanya.

He can't be dead. There's no way.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon