Chapter 15

729 43 1
                                    

Nagising kami bigla nang makarinig kami ng mga sigawan. Agad kaming napabangon ni Light.

"They need our help." sabi ko sabay teleport palabas kasama si Light. Hindi kalayuan sa Xyriel ay may nakita kaming isang higante.

Noong nakaraang buwan dragon tapos ngayon isang higante? Bakit puro malalaki ang mga nakakalaban namin?

Nilabas ko ang mga pakpak ko. Nakita kong ganoon din ang ginawa ni Light. Sabay kaming lumipad papunta sa direksyon ng giant na kasalukuyang nilalabanan ng Royals at ng ibang Royal Guards. May ilan ding mga studyante na tumutulong.

"Buti naman dumating ka na? Himbing ng tulog mo ah." biglang sabi ni Red pagkalapag namin pero hindi ko siya pinansin. Wala namang mabuting idudulot kung papatulan ko siya.

"Red, mag-focus ka nalang." sabi ni Blue habang masamang nakatingin sa higante at hinihingal.

"Summon Killiard Sword."

Muntik na akong mapatakip ng mga tainga ko nang sumigaw ang higante. Umatake na ako dahil nagsimula na maglakad ang giant papunta sa Xyriel. Mukhang yun ang puntirya niya.

Sinubukan kong isaksak ito sa paa niya para masubukan kung tatablan ba pero kalahati lang ng blade ang bumaon. Lumipad uli ako at pinuntirya ang noo niya. Matatamaan ko na sana ito pero bigla siyang sumigaw at nasa tapat ako ng mukha niya kaya naman umatras muna ako. Umiling ako ng paulit-ulit dahil ang sakit sa tainga. Bahagya akong lumipad palayo nang subukan niya akong abutin gamit ang kanyang malalaking kamay. Mabilis naman akong kumilos at muli, sinubukang isaksak ang espada sa gitna ng kanyang noo. And that was the end of it.

Pakiramdam ko nagdugo yung loob ng tainga ko. Ang sakit.

Paharap itong bumagsak at may nadaganan siyang ilang mga imprastraktura. Lumapag na ako. Nakita si Orange na papalapit sa akin at mukhang nag-aalala.

"Black, grabe naman ata yang pawis mo? May lagnat ka ba?" sabi ni Orange matapos tuluyang makalapit. Hinawakan niya ako sa leeg para siguro malaman ang temperature ko pero nakarinig ako ng isang boses ng matandang lalaki sa aking isipan. It was a spell.

'Sleik.'

White

Napatakbo kami kay Black- and what I mean by kami is lahat kami except kay Red nang biglaan siyang bumagsak. Nagawa ni Orange na saluhin si Black bago siya bumagsak mismo sa lupa.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Orange. Natataranta ako.

"Hindi ko rin alam, White. Hinawakan ko ang leeg niya kasi pawis na pawis siya at feeling ko may lagnat siya then bigla siyang bumagsak." pagpapaliwanag niya. May lagnat? Papaano naman magkakaroon ng lagnat yung isang yon? Yung healing spell palang na itinuro niya sa akin noon, gagaling siya agad eh.

Aray. Ang sakit talaga ng tuhod ko. Bakit kasi may nakausli na sanga dito tapos hindi ko pa nakita?

"Tatakbo takbo tas lalampa lampa pala." rinig kong sabi ng isang batang lalaki sa likod ko. Nilingon ko siya at sumalubong sa akin ang mga mata niya na magkaiba ang kulay. Ang cute niya talaga. Parang ako hehe.

"Eh hihindi ko naman kasalanan kung nadapa ako eh!" sabi ko sa kanya. Umiiyak ako kasi masakit talaga siya. Nandito ako ngayon sa park sa Central Realm tas tumakbo ako sa gubat kasi naglalaro kami ng habulan nila Yellow pero hindi nila ako nasundan. Buti nalang nandito si Shadow.

Nakita ko namang umiling-iling siya at naglabas ng itim na panyo. Bakit ang hilig niya sa itim?

Nilagay niya yung panyo sa tuhod ko na mayroong konti na dugo. Hindi pa ako tinuturan ni Daddy ng healing spell kasi masyado pa akong bata sabi niya.

"Sugat lang yan. Dapat hindi mo inaaksaya ang luha mo sa mga bagay na hindi naman worth it. Sabihin mo to, heure." ang lalim naman ng sinabi niya. Anong connect ng sinabi niya sa sugat ko?

"Heure is a healing spell. Try it." utos niya na sinunod ko naman.

"Heure." sabi ko tapos biglang nawala yung sakit. Tinanggal naman ni Shadow yung panyo niya tapos wala na yung sagot.

"Ay ang galing!" sabi ko tas tumayo at tumalon-talon pa. Wala na nga yung sakit.

"I'm impressed." sabi niya at tumayo na. Ha? Hindi niya ba inaasahan na magagawa ko yon?

"Thank you! Sa sinabi mo nga pala, ano ibig sabihin noon para sayo?" tanong ko. Para magkaroon ako ng ideya kung ano ba talaga sinabi niya hehe.

"Hindi ko dapat inaaksayahan ng luha ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa akin." sabi niya tapos naglaho na siya. Ah. Yun pala yun.

Makabalik na nga kela Yellow!

Nakakatawa lang kasi bata palang kami, nagkagusto na ako kay Shadow. Hindi ko rin siyang tinatawag na Shadow noon kasi wala namang tumatawag sa kanya nun. Nagawa ko lang noong medyo tumatanda na ako.

Tsaka isa pa, hindi kami madalas magkita nung mga bata palang kami dahil puro siya training. Tapos siya pa ang naghahandle ng training ni Indigo. Yun nga lang hindi ko alam kung pano niya naensayo si Indigo dahil hindi naman sila parehas ng kapangyarihan. Siguro puro sparring lang ang ginawa nila.

Mas maaga nagtrain yung mga Royals sa demon realm kaysa sa amin. Sa grupo, pangalawa lang ako sa pinakamalakas. Halata naman na si Shadow ang unang-una sa listahan.

"Hoy!"

"Ay Shad- Problema mo, Dalandan?" tanong ko kay Orange.

"Will you stop calling me that? Para tuloy akong prutas."

"Orange is a fruit." sabi ko sabay ngisi sa kanya. A color too.

"Che. By the way, nawalan na nga ng malay si Black tas ngingiti-ngiti ka dyan. Ano nangyari?" tanong niya.

"May naalala lang. Si Shad?" tanong ko. Nilamon na pala ako ng flashback.

"Nandoon na siya sa bahay niyo at sa tingin ko tama yung hinala kong may lagnat nga siya." sabi niya. Eh? Lagnat talaga?

Nagteleport agad ako sa kwarto namin sa bahay. Nasa baba ata ang mga Royals.

Si Shadow ay payapang natutulog ngayon. Hinawakan ko ang leeg niya at mainit nga siya. Ang weird. Bihira lang sa mga katulad namin ang magkasakit. Paano naman siya magkaka-lagnat?

Humiga nalang ako at tumabi sa kanya. Mahawa na kung mahawa basta tatabi ako.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon