Chapter 25

609 38 1
                                    

"And done! Princess White won!" sabi ni Sir Regio. For today's class, nagduel sila Light at Violet.

"Okay, you may now take a break." sabi ni Sir Regio kaya tumayo na kami at nagsimula na silang lumabas. I walked towards Light and checked her wound at her cheek.

"Ayos ka lang?" tanong ko. Hinihingal pa kasi siya.

"Of course. Malayo naman 'to sa bituka." ayos nga lang siya. Nagawa pa niyang tumawa.

"Heure."

"Good news. Si Indigo nililigawan na si Yellow." sabi niya habang naglalakad kami.

"I know." Indigo told me what he wanted to do before following Yellow.

"Ha? Paano mo nalaman?" tanong niya sabay lingon sakin. Diretso lang kasi yung tingin namin. Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot.

"Ang sarap mong kausap." sabi niya sabay irap.

"Ehem ehem baka naman kasi nakakalimutan niyong nandito rin kami." sabi ni Blue pero hindi namin siya pinansin.

"Ah ganon? Wala talagang pansinan?" at may kung anu-ano pa siyang sinabi na hindi ko na pinakinggan. Daming alam.

"Speak another word and I swear, I'm gonna rip that tongue of yours." sabi ni Indigo kaya napatahimik sa Blue. Nagtawanan naman ang mga babae.

"Wala ka pala kay Igo eh." mapang-asar na sabi ni Yellow kay Blue.

"Porket nililigawan ka ni Indigo."

"Inggit ka? Edi ligawan mo si Violet." suhestiyon ni Orange. Bigla namang inakbayan ni Blue si Violet.

"Kapag ito niligawan ko, sasagutin agad ako niyan 'cause she can't resist my charms." sabi ni Blue. Tinulak naman ni Violet ang mukha ni Blue palayo sa kanya.

"Wala akong pake diyan sa charms mong invisible."

"Awts!" sabay sabay na sabi nila Orange, Yellow at Green kaya nagkatinginan sila tsaka nagtawanan.

"Aray ha." nakabusangot na sabi ni Blue na nakahawak pa sa kanyang dibdib na tila ba parang nasaktan talaga siya.

Pagkaupo namin sa pwesto namin na nasa gitna mismo ng cafeteria, nagsimula nanamang magbulungan ang mga studyante. Yung iba ay hindi naman nahiya para sabihin ang kanilang mga gustong sabihin.

"Ano order niyo? Ako na ang mago-order." tanong ni Blue. Aba, mabait na nilalang.

"Usual." sabay-sabay na sagot nilang lahat. Hindi ako nagsalita dahil alam naman na ng lahat kung ano lagi ang kinakain ko dito sa cafeteria.

"One pizza slice. One slice of strawberry cake. And for drinks, lahat tayo mango juice except kay Black na tubig lang. Tama?" sabi ni Blue.

"Yep/Yes." sabay-sabay na sagot nilang muli.

"Ako may Igo. Si Black may White. Si Blue for sure manliligaw yan kay Violet torpe lang. Paano kayo? Red, Orange, Green, Gold?" tanong ni Yellow

"May boyfriend na ako." sabay na sagot nila Green at Gold. So totoo nga yung mga tsismis.

'WHAT!?'

'Sayang naman.'

'Pre taken na.'

"Really? Bakit ngayon niyo lang sinabi?" tanong ni Orange.

"Hindi kayo nagtatanong." sagot ni Gold.

"Taga-saang kingdom?" sabi ni Blue na binalingan ng tingin ang mga tao sa likod niya.

"Pwede niyo na po yang ilapag." sabi niya muna sa mga nagdala ng mga pagkain namin.

"Yung akin taga-Frido Kingdom lang. He can turn into a bear. Makikilala niyo rin yun. Kaso kung saan-saan nagpupupunta. Wait lang." sabi ni Green na pumikit. Maybe talking with her boyfriend through telepathy.

"Taga-Slidensio Kingdom. He's half centaur pero mas lamang ang angel features niya. Kung saan-saan siya napupunta dahil sa mga misyon na kinukuha niya because y'know, kabayo." natatawang sabi naman ni Gold na tinutusok-tusok ang cake. Tiningnan naman naming lahat si Gold at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

"Hindi ko siya matatawag. May on-going mission siya." sabi niya sabay subo ng cake.

"He can't go. Nahihiya raw siya." napapatawa nalang na sabi ni Green.

"Sayang." sabay-sabay nilang sabi.

Nagkwentuhan lang sila hanggang sa matapos na kami. Aalis na sana kami papunta sa next subject which is sa klase uli ni Miss Dexteria nang biglang tumunog ang speaker sa may cafeteria.

"Attention all students. This is King Hades of the Demon Realm. Please proceed to the arena now."

"Attention all students. This is King Hades of the Demon Realm. Please proceed to the arena now."

Sabi sa speaker na umulit pa ng tatlong beses. Nagtinginan naman silang lahat sa akin na parang nagtatanong kung may alam ba ako sa mangyayari na sinagot ko naman sa pamamagitan ng pag-iling.

"Ano kayang meron?" tanong ni Blue.

"Sa tingin mo ba alam namin?" masungit na tanong ni Violet. Natahimik naman si Blue sa gilid pero mukhang hindi niya talaga kayang manahimik.

Umingay din dahil sa mga studyanteng nakakasabay naming maglakad. Matapos ang hindi hihigit sa sampung minuto na paglalakad ay nakarating na kami sa arena. Umayos kaming lahat at nagsi-upo.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. This announcement is important so makinig kayong mabuti. Magkakaroon tayo ng event na tinatawag na Grand Competition. Sa una at pangalawang araw, magkakaroon ng duel ang mga studyante. Sa pangatlo at pang-apat naman, puro sports ang paglalabanan. Makikita niyo sa announcement board kung anu-ano ang sports na pwede niyong salihan. At sa pang-lima naman, mamimili kayo ng representative niyo para sa section niyo. Isang babae at isang lalaki. Bakit? Dahil isang pageant ang magaganap sa ikalimang araw. Sa talent portion, nasa sainyo kung dalawa kayo or magso-solo nalang. But it will be better kung partner nalang. Right Black?" napalingon ako kay Dad nang narinig ko ang pangalan ko. Nakikinig naman ako. Hindi lang ako nakatingin.

As if naman na ako ang pipiliin nilang representative. With my attitude and all, malabong ako ang piliin. It could be Blue since he is the most friendly among us.

"You may go back to your respective rooms. You have three days to prepare. Ang mga adviser niyo ang tutulong sa pagdecide ng representative. Have a good day, students." ang mga huling sinabi niya bago maglaho. Nagteleport na siguro siya sa kaharian.

Halos lahat naman ng mga studyante ay excited na nagteleport pabalik sa mga kani-kaniyang rooms. Bumalik na rin kami katulad ng ibang mga studyante. Nandito na pala si Ms. Dexteria. Umupo na kami sa mga upuan namin.

"May napili na ba kayong representatives?" yan agad ang tinanong ni Ms. Dexteria.

"Mas okay po siguro kung si Black at White nalang. They have it. The looks, the brains and also the talents. Sure win po tayo pag sila ang nilaban natin." pagrerekomenda ni Orange. Agad namang tumutol si Light habang ako, nagtaka. Mas okay kung si Blue.

"Si Orange nalang o kaya si Yellow o kaya si Green o kaya-." sabi niya. Nagsalita naman si Yellow.

"Sasabihin mo pa ata lahat ng pangalan ng mga babaeng nandito. Taas ang kamay ng may gusto na maging representative silang dalawa." sabi ni Yellow sabay taas ng kanang kamay. Halos lahat sila nagtaas. Ang hindi lang nagtaas ay si Red, ako at si Light.

"Majority. Kayo na ang representative." nakangising sabi ni Yellow. Pinagkakaisahan ata kami ng mga kaibigan namin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon