Tatlong araw na ang nakakaraan simula nung huli akong bumisita sa Higher Realm. Tuwing natatapos din ang araw ko sa school ay didiretso ako sa pagtrain ko kayla Wailey at Zero. Paminsan-minsan naman sumasama rin si Light.
Lahat kami ay kasalukuyang naglalakad sa hallway for our next class. Nagpalabas ng new rule si Dad kani-kanina lang na ipinagbabawal na ang paggamit ng kapangyarihan dito sa loob ng academy unless lalaban ka sa arena. For safety purposes, I suppose. Hindi naman niya kasi sinabi sa akin ang tungkol dito. Wala rin naman akong nabalitaang may nangyari or something pero kahit ganoon naman ay wala akong tutol doon.
"Ugh, bakit kasi kailangan pa to? Hindi ba pwedeng magfocus nalang tayo sa pagte-training natin?" reklamo ni Blue.
"Sus. Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga mag-aral." sambit ni Violet. Halata naman kay Blue na sasabat dapat siya pero tinignan na siya ng masama ni Violet.
Malapit na kami sa room namin nang may narinig akong boses sa aking isip. Si Uncle.
"Pumunta ka sa office ng dalawang hari. Isama mo ang mga Royals."
"Shad? Bakit ka napahinto?"
"Office. All of us."
Naintindihan naman nila ang sinabi ko kaya imbes na pumasok sa room namin ay nagbago kami ng direksyon na nilalakaran.
"May ginawa ba tayong mali?"
"Huwag kang OA, Yels. Baka naman may sasabihin lang sa atin."
"Ewan ko lang, White."
Habang naglalakad ay nag-uusap sila. Paminsan-minsan naman ay sumasagot din ako tuwing nasasali ako sa usapan. Si Red naman ay tahimik lang which is nakakapanibago. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may pinaplano ba siya.
"Pst. Black, ikaw na magbukas." sabi sa akin ni Gold or more like utos niya sa akin. Nakarating na pala kami nang hindi ko namamalayan. Si Red kasi.
Sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang lahat ng mga magulang namin. Meeting?
"Mabuti at nakarating na kayo. Magsipasok na kayong lahat." malumanay na sabi ni tito Greg. Green's father.
Pumasok naman kaming lahat. Sinara naman ni Indigo ang pinto pagkapasok. Nang lahat kami ay nakapasok na ay nagsalita si Dad.
"Son, please put a sound barrier around us."
Pagtapos kong maglagay ng sound barrier ay agad akong tumango kay Dad, senyales na nagawa ko na ang utos niya.
I find the sound barrier pointless though. There are two traitors that resides within this room after all.
"Nandito kaming lahat upang personal na ipaalam at magpaalam sa inyo mga bata. Ipaalam na magkakaroon kayo ng misyon at magpaalam dahil alam naming medyo matatagalan kayo." panimula ng ama ni Light.
"Posibleng abutin kayo ng isa hanggang dalawang buwan sa misyon na ibibigay namin sa inyo." dugtong ni Dad. Ang tagal naman ata non masyado?
"Ano po ba ang misyon na iyon?" tanong ni Orange. Isa hanggang dalawa? Halos kaunting buwan nalang ang natitira bago ang digmaan. Tapos magsasayang pa kami ng dalawang buwan?
Para namang nabasa ni Dad ang nasa isip ko kahit nakablock. Siguro alam niyang yon ang magiging reaksyon ko.
"Importante ang misyon na ito, Black. Kaligtasan ng mga mamamayan ng Central Realm ang nakalaan dito. Kung gusto mong matapos ang misyon kaagad, bilisan niyo ang kilos."
"Tungkol naman sa kung ano ang misyon, tungkol ito sa isang bayan sa Central Realm na nagngangalang Aleyva-"
Pinutol ni Light ang sinasabi ni Dad.
"Teka lang po. Bayan? Bakit hindi po namin alam na may mga bayan pala sa Central Realm? Ang akala namin lahat ng mamamayan ng Central Realm ay sama-sama sa isang lugar na? Doon sa lugar kung saan kami nakatira ni Shadow." sabi niya
"Yun ay dahil kakaiba sila. Para silang hybrid ngunit hindi katulad ng hybrid na alam niyo. Sila ay pinanganak na talagang ganoon ang itsura. Kalahating anghel o demonyo at kalahating hayop. Mayroon ding kalahating tao doon at kalahating hayop. Lubhang kakaiba hindi ba?" paliwanag ni Dad. Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Tama siya. Kung ganon, sila ang tunay na matatawag na literal na hybrid.
"Ano naman ang problema doon?" tanong ni Red na sinagot naman ng kanyang ama na si tito Derson.
"Alam naman nating lahat na may mga nagkalat pa ring mababangis na halimaw o tinatawag din nating untamed beasts sa loob ng gubat. Nasa bandang kalagitnaan ang bayang Aleyva. Alam naman nating lahat na hindi naman sila basta-bastang umaatake hindi ba? Ngunit isang oras ang nakakaraan ay nakatanggap kami ng mensahe galing sa kanila na nagsasabing sunud-sunod ang mga halimaw na sumusugod sa bayan nila. Kayong lahat ang inaasahan namin para lutasin ang problema na ito."
Mukhang sobrang importante nga nito. Akalain mo, isang oras palang ang nakakaraan ng matanggap nila ang mensahe ay ipapadala na agad kami doon?
Teka, bakit kailangan na kami pa ang ipapadala roon?
"Bakit kailangang kami pa ang pumunta doon? Bakit hindi na lamang ang ilan sa mga guro namin since mas may experience sila sa mga ganitong bagay?" itatanong ko palang sana ngunit naunahan na ako ni Orange.
"Isipin niyo na lamang na training niyo ito. Yun nga lang, totohanan na." sagot ni Mom. Training na totohanan. Wow.
"What do you want us to do then?" tanong ko.
"Gusto naming gamutin niyo ang mga nasugatan doon at hanapin kung ano o sino ang may pakana ng bigla-biglang pagsugod ng mga halimaw na iyon. Bibigyan namin kayo ng isang oras para makapaghanda. At dahil tago masyado ang bayan nila, wala kayong choice kundi hanapin ang bayan nila na naglalakad lamang. Napapalibutan ng mga naglalakihang puno ang bayan kaya naman mahihirapan kayo makita ito mula sa itaas kung lumipad kayo. " sabi naman ni tito Kier. Orange's father.
"Come here. We'll surely miss you." sabi ni tito Iñigo kay Indigo at niyaya ito sa isang yakap. Ganoon din ang kanyang ina.
Lahat kami dito ay niyayakap na ang aming mga magulang. Lumapit sila Tito Zues at Light sa pwesto namin.
"Be sure to behave, okay? Baka sumakit ang ulo ni Black sayo at iwanan ka niyan." paalala niya sa kanyang anak.
"And oh, son. You can use this time para tuparin ang wish kong apo." Dad said while wriggling his eyebrows. Napatawa naman ang lahat dito maliban kay Light na namumula at sa akin na malamang ay namumula ang tainga.
Hindi pa kami kasal kaya bawal pa.
Nagsalita si Blue at inakbayan ako.
"Guess this will be our first mission together, huh?"
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...