Chapter 52

368 30 1
                                    

Kung noon, tuwing naglalakad kami sa hallway ay may nagsisigawan, ngayon naman ay halos mabingi kami sa katahimikan.

Lahat ng nakakasalubong namin ay tinitignan ko sa mata. Nakikita ko ang ilan sa mga nararamdaman nila. Ang iba ay pag-aalala. Halos lahat naman sila ay takot.

"All students to the cafeteria." utos ko. Mabilis lang naman din kakalat ang sinabi ko. Panigurado sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto ay kompleto na ang lahat ng studyante.

"Black, bakit?" takang tanong ni Blue. Nagkibit-balikat lamang ako bilang sagot.

Hindi pwedeng mapangunahan sila ng takot. Sinabi palang sa kanila na magkakaroon ng digmaan ay ganyan na ang reaksyon nila, papaano kapag araw na ng mismong digmaan?

Pagkarating namin sa cafeteria ay pumwesto ako sa gitna habang sila Light ay umupo. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago magsalita.

"I'm not expecting this kind of reaction from the all of you. Thought that you're better than that." the truth is in-expect ko naman na talaga na magugulat sila at matatakot. Ayos lang matakot pero ang sobra-sobra ay hindi maganda.

"Hindi ko naisip na mga duwag kayo." kung kinakailangan silang asarin para lang matanggap ang katotohanan, bakit hindi?

"Hindi to laro! Maraming lalaban... marami ring mamamatay! Mamamatay lang ako!" sigaw ng isang lalaking angel na napatayo pa. Sinang-ayunan naman siya ng iba.

"You're so negative. Kung ngayon palang iniisip mo na mamamatay ka, bakit hindi nalang kaya ako ang pumatay sayo?" suhestiyon ko. Nakita kong maraming nagulat sa sinabi ko. Iniisip ba talaga nilang magagawa ko yon?

"Anong silbi ng mangyayaring training kung hindi kayo lalaban? Hahayaan niyong si Hermes ang mamuno? Naisip niyo na ba kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling magtagumpay siya? Kung hindi ba tayo lalaban, hahayaan niya tayong mamuhay ng normal? Mga walang utak lang ang mag-iisip ng ganoon. Kapag siya ang namuno, magagawa niya lahat ng gusto niya. He can kill us anytime he wants kung sakaling hindi natin sundin ang kung ano man ang gusto niya sa oras na mamuno siya. Mas ayos na ang mamatay na lumalaban." totoo naman ang sinabi ko. Isang halimbawa ay kung sakaling utusan niya akong pumatay ng iba na hindi susunod sa utos niya na talagang tatanggihan ko talaga. There's a chance na patayin niya na lamang ako kung wala rin naman akong silbi.

Tumayo si Blue at nagsalita,

"Tumayo ang lahat ng lalaban para sa kani-kanilang kaharian. Ang matitirang nakaupo ay matuturing na isang duwag at papatayin agad ni Black para mas mapaaga ang kamatayan niyo dahil panigurado rin namang mamatay kayo sa araw ng digmaan kung hindi kayo sasama sa training." galing ah. Ginamit talaga ako?

"Tama si Prince Black. Mas mabuti na ang mamatay na lumalaban kaysa naman hindi pa nga nagsisimula, suko na agad." nakangiting sabi ng isang babaeng demon.

"Gandang speech ah." wika ni Sylph bago tumayo. Nandito pa rin pala ang guardian na ito. Ngunit inaasahan ko naman na mawawala siya sa araw ng digmaan. Bawal makielam ang mga taga-Higher Realms sa mangyayari.

"Para sa mga kaharian?" patanong kong sabi. Lahat ng mga studyante ay nakatayo na ngayon at kita na ang determinasyon sakanilang mga mata.

"PARA SA MGA KAHARIAN!" sabay-sabay nilang sabi. Ang iba nga sa kanila ay tinaas pa ang kamay at kinuyom ang kamao. Nagtawanan naman ang lahat pagkatapos.

"Yan. Ganyan ang mga studyante ng Xyriel. Maiingay. Masyado kayong tahimik kanina." sabi ko sabay tawa.

"Am I dreaming? Pakisapak nga ako."

"Pati pagtawa ang gwapo!"

"Huwag mo akong hampasin!"

Mas lalo pa tuloy umingay. Lumapit na ako sa table ng Royals. Nakita ko namang nakangiti lang silang lahat sakin. Syempre maliban kay Red. Ano pa bang bago?

"Punta tayo sa office nila Dad. I can feel that they are still there. I'm going to try and suggest something." sabi ko sa kanila tsaka naglakad papalayo. Agad namang humabol sa akin ang mga Royals lalo na si Light. Inakbayan pa niya ako na naging dahilan para bahagya akong mahatak dahil mas maliit siya sa akin.

"Magiging isa kang magaling na hari, Shadow. Sure ako diyan." sabi niya sabay halik sa aking pisngi.

"I know. Let me go at ako ang aakbay sayo. Liit mo kasi." biro ko sa kanya.

"Hindi ako maliit. Matangkad ka lang. Klaro?" sabi niya sa akin.

"Crystal."

Matapos ang medyo mahabang lakaran ay nakarating na kami sa office nila Dad. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang buksan ang pinto. At tama nga ang hinala ko na nandito pa rin ang lahat ng mga magulang namin.

"Oh? Anong meron at napasugod kayong lahat dito?" natatawang tanong ni tita Angie. Ang kwento sa akin ni Dad, siya at si tita Violie daw ang may dahilan kung bakit puro kulay ang first names namin. Lahat naman daw kasi sila ay adik sa mga kulay kaya kaming mga anak ang napagdiskitahan.

"May isa-suggest daw po si Black." sagot ni Orange. Nalipat naman ang atensyon ng lahat sa akin. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Maraming nabigla sa binalita niyo kanina kaya naman naisip ko na bakit hindi muna sila magkaroon ng break bago simulan ang training? Three days lang naman." sabi ko sa kanila. Nakita ko namang napaisip ang mga magulang namin. Naunang nagsalita si tito Zues.

"Sila lang? Hindi ka sasama, Black?" tanong niya.

"Sasama. Ako ang nagpaalam tapos ako pa ang hindi makakasama? " napaismid kong sabi.

"Haha. Oo nga naman Zues. Hindi naman pwedeng puro training nalang ang alam ni Black." natatawang sabi ni Dad.

"Eh saan naman kayo pupunta niyan?" tanong ni tita Eris. Indigo's Mom.

"I don't know. May maisa-suggest po ba kayong lugar?" kibit-balikat kong sagot at tanong.

"Ah alam ko na! Doon nalang kayo sa beach dito lang din sa Central Realm!" parang bata si Mom na nagtaas pa ng kamay. Natatawa nalang sa kanya yung mga kasama namin dito sa loob.

"Oo tama. Kung saan kami madalas noong nanliligaw palang sa amin itong mga ama ninyo." natatawang sabi naman ni tita Resana.

"Matagal-tagal na rin ano?" parang nagbabalik tanaw na sabi ni tito Greg.

"You can come with us if you want. Tutal three days din yon. Kailangan po namin ng mga matatandang magsu-supervise sa amin." sabi ko. Lahat naman sila ay sinamaan ako ng tingin.

"Matatanda ka riyan!"

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon