Chapter 6

1K 65 2
                                    

White

Isang buwan na mula noong sumugod sa amin ang isang Gagorno Dragon. Isang buwan na ring hindi pa nagigising si Shad. Pero sa totoo lang, mas pinagpapasalamat ko pa 'yon at itinuturing ng lahat na isang himala dahil hindi siya tuluyang namatay.

Nakahiga siya ngayon sa isang puting kama dito sa ospital. Isang linggo pagkatapos ng pag-atakeng iyon ay tsaka lang tuluyang binuksan ang Academy. At sa isang buwan na yon, hindi ako umaalis sa tabi niya. Natural na espesyal itong kwarto na pinagpapahingaan niya. Prinsipe kasi. May bathroom at isang couch malapit sa kama niya kaya wala namang problema. Mayroon ding folding bed kaya maayos naman akong nakakatulog.

"White." tawag sakin ni Daddy kaya lumingon ako sa kanya.

"Umamin ka sa akin. May gusto ka ba sa kanya?" napalunok naman ako sa biglaan niyang pagtanong. Seryoso ang pagkakatanong ni Daddy kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko kahit na palagi niya naman akong tinutukso kay Shad.

"Opo." sagot ko sabay lingon ko kay Shadow habang nakangiti.

"Baka nakakanakaw ka ng halik sa kanya ha." biglang sabi ni tito Hades na posibleng nagteleport papasok dito dahil hindi naman bumukas ang pinto.

"Tito Hades naman eh." sabi ko sabay nguso. Namumula yata ako. Totoo naman kasi. Pero sa cheeks lang.

"Nah. Dad nalang." napatingin naman ako sa kanya.

"And Mom." biglang sulpot naman ni tita Persephone. May lahi bang kabute sila Black? Bigla-biglang sumusulpot mga magulang niya eh. Si Black naman minsan din magugulat ka nalang dahil nasa harapan mo na.

"Bakit naman po?" hindi pa naman kami kasal.

"Sasabihin na ba natin sa kanya?" alanganing tanong ni Daddy kela Dad. Di pa ako sanay sa Dad. Balik natin sa tito Hades.

"Wala namang mawawala. Malalaman naman din niya eh." sagot ni tito Hades.

"Ang usapan kasi, kung sino ang unang magiging unang anak namin, sila ang magpapakasal sa takdang panahon at ang unang anak namin ay kayo." paliwanag ni Daddy. Ang convenient naman. Fate, maybe?

"Wala ring magagawa kung tatanggi ka. Kailangang kayo at kayo pa rin sa huli." biglang sabi ni tito. Wala naman akong planong tumanggi.

--

Black (the day he lost conciousness)

Sobrang ganda rito. Mayroong isang magubat na bundok at sa tuktok, may palasyo. Maraming mga puno at magagandang bulaklak sa paligid. Patay na ba ako? Where am I?

"Sa aming mundo. Nasa mundo ka ng mga guardians, gods, at goddesses. In short, nasa Higher Realm ka." sabi ng isang malalim na boses. Shadow?

"The one and only." pagkasabi niya ng mga salitang yon ay lumitaw siya sa harapan ko. Paano ko ba siya idedescribe? Hmm, medyo may katandaan, itim ang buhok at mata. May cloak din siyang itim.

"Ano palang ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya. Ang huli ko lang naaalala ay ginamit ko ang isa sa mga Dark Magic Circle. Alam ko namang posibleng buhay ko ang kapalit pero wala akong pakielam. Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari kung hindi ko yon ginamit.

"Nandito ka dahil gumamit ka ng Dark Magic Circle at ikaw palang ang kauna-unahang gumamit nito nang hindi namamatay. Napagdesisyunan naming ituro sayo ang lahat ng alam namin. Alam kasi naming ikaw ang magiging daan para matalo ang mga Fallen Angels." paliwanag niya.

That's a good thing, right? That means I'm not dead at napunta lang ako dito sa Higher Realm to train.

"Bakit mo nga pala ako tinulungan? Hinayaan mo pa akong gamitin ang ilan sa mga kapangyarihan mo."

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon