Chapter 17

684 49 1
                                    

Hinawakan ko ang ulo ko dahil sobrang sakit nito. Pinagmasdan ko ang paligid at nakitang nasa isang pamilyar na kwarto ako. Kwarto ko sa Deciel. Pumunta nga pala ako dito kahapon.

Pinilit kong bumangon dahil kailangan kong makausap sila Dad. Mukhang nasa dining hall sila at alam kong naroroon din ang iba. Mukhang ginamit ng mga taga-Angel Realm na Royals ang spell na makakapagpapasok sa kanila sa Demon Realm.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Light pero hindi ko siya pinansin. Nakakapanibago.

"I'll be gone for a week." paalam ko kayla Mom.

"Sige lang pero saan ka naman pupunta?" tanong ni Dad. Ama ko siya. Hindi siya manhid at siguradong alam niyang mayroong nangyari kaya pinayagan niya na agad ako.

"Doesn't matter." sabi ko. Edi kapag sinabi kong sa Human Realm ako pupunta, masusundan nila ako?

"May pasok ka, hindi ba?" tanong ni Mom. Nagsalita naman si Dad, "Hayaan mo na siya, Persephone. Bakit hindi mo isama yung iba?"

"Ay sige! Ang sakit na ng ulo ko sa mga tinuturo ng mga teacher natin eh. Alam naman na natin yun." sabi ni Green. Alam naman na pala, bakit pa sasakit yung ulo?

"I'd like to take a vacation alone. Kung gusto nila, magbakasyon sila na sila-sila lang ang magkasama." naglakad na ako papaalis matapos magsalita.

"Anong nangyayari sa kanya?" rinig kong tanong ni Blue bago pa ako tuluyang makalayo.

May matutuluyan naman ako sa Human Realm. Sa bahay nila tito Hermes. I know that is too risky but I have a another choice. Wailey's.

Nasa kasukalan ng gubat pa yung portal kaya malayo pa ang kailangan kong liparin. Pagkaraan ng hindi lalagpas sa sampung minuto ay nakarating na ako.

But looks like stupidity managed to strike me. I forgot that I have the ability to teleport. Nakapunta na pala ako dito sa portal noong bata pa lamang ako. Ipinakita at ipinaliwanag ni Dad kung ano ang nasa kabilang bahagi ng portal that time.

'Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating tanga, ano?' pang-aasar ni Frix. Air Dragon ko.

'Shut up.'

Papasok na sana ako sa portal pero biglang nagsisulputan ang mga goblins kung saan-saan.

Green goblins. Nasa higit limampu sila. May matibay na barrier na nakapalibot sa portal na hindi mapapasok ng mga halimaw. Hindi ko na lamang sila pinansin at pumasok na sa portal.

Nandito ako sa isang gubat. Ulit.

Naririto kasi yung kadugtong ng portal. Dalawang beses naman na ako nakapunta dito. Yung una, yung time na dinala ako rito ni Dad. Yung pangalawa, I was bored.

Nang makalabas na ako, nakadama kaagad ako ng presensya ng dalawang Fallen. Naglakad ako papunta sa kanila.

Napansin kong pinagtitinginan ako ng ibang tao. Hindi ko alam kung bakit dahil halos pareho lang din naman ng paraan ng pananamit sa realm namin at sa human realm.

Pagkalapit ko sa kanila, tsaka ko lang napagtanto na si Wailey ang isa. Great timing.

"Wailey." pagtawag ko dito. Nakita ko siyang lumingon sa pwesto ko at gulat na gulat ang mukha. Gulat na may halong pagtataka naman ang binaling sa akin nung kasama niya.

Who wouldn't be? Parang kakasabi niya lang sa amin noong nakaraan na gusto kaming patayin ni King Hermes pero pupunta pa ako sa teritoryo niya.

"What-What are you doing here Prince?" saglit niyang napataas ang boses niya pero kumalma rin agad.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon