Chapter 51

363 27 2
                                    

Isang araw lamang ang naging pahinga namin at agad kaming pumasok muli sa Xyriel. Pinagpapatuloy ko pa rin naman ang pagte-training kay Wailey pero sa halip na buong araw ay sa loob na lamang ng tatlong oras. Ganoon din kay Zero dahil sabay ko silang tine-train.

"Totoo ngang nagbalik na ang mga Royals!"

"Sabi sa atin ng mga magulang nila baka abutin sila ng dalawang buwan pero nandito na sila."

"Sila pa ba? Magaling na sila individually kaya siguradong kapag pinagsama-sama sila, walang makakatalo sa kanila."

Nagulat din sobra sila Dad dahil matapos ang tatlong araw sa misyon ay nakabalik na agad kami. Sigurado akong magkakaroon ng announcement sa arena mamaya.

Nasabi na kasi namin kayla Dad ang tungkol sa fallen angel na iyon. Though alam na nila na Dad at tito Zues ang tungkol sa magaganap na digmaan, ginawa nila itong dahilan o mas tamang sabihin na ebidensya na gustong makipagdigma ng mga fallen.

Nagulat ang iba. Ang tanging napansin ko lang na balisa sa oras na yon ay si Red. Masyadong magaling umarte ang isa sa mga prinsesa.

"Shad, nandito na tayo sa harap ng room." sabi sa akin ni Light. Siguro napansin niyang hindi ako nagbibigay-atensyon sa paligid ko.

Tumango ako sa kanya at pumasok na sa room. Sumunod na rin naman ang iba pang Royals.

Masyado silang tahimik. Nakakapanibago dahil sa oras na ito ay dapat dinig ko na ang pagbabangayan nila Blue at Violet.

Mukhang masyado silang apektado sa kanilang nalaman. Papaano pa kaya kapag nalaman nilang may traydor sa amin?

"Oh? Ang tahimik niyo naman ata masyado?" bungad sa amin ni Ms. Dexteria na nahuli ng ilang minuto. Sa ganitong sitwasyon, dapat aasarin na siya ni Blue dahil late siya na sasabayan ng tawanan ng mga babae pero wala.

Kumunot ang noo ng aming guro saglit ng mapansing seryoso kaming lahat pero isinawalang bahala na lamang niya ito at nagsimula na sa pagtuturo.

Makalipas ang halos isang oras na nakakabinging katahimikan ay tapos na ang klase namin kay Ms. Dexteria. Sunod naman kay Mr. Regio at kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang arena dahil doon uli ang susunod naming klase.

"Hindi ako sanay."

"Oo nga. Masyadong tahimik ang Royals ngayon."

Kung ang mga kasama ko nga ay ganito na ang reaksyon ng malaman ang tungkol sa digmaan, sila pa kaya?

Maliban nalang siguro sa amin ni Light. Aware na kami sa digmaan na mangyayari dahil sa babala noon sa amin ni Wailey. Syempre, si Red din at yung isa rin niyang kasama.

Pagkapasok sa arena ay nakakita kami ng ilang mga studyante. Nandito rin ang klase ni Zero. Ano to? Nagtawag nanaman si Sir Regio ng audience?

"Duel uli tayo. Si Red laban kay Black. Tsaka yung mga manonood sa inyo, part talaga ng klase nila yan. Parang gagawa sila ng report about sa pakikipaglaban. Eh sakto naman na magkakaduel ngayon kaya hahayaan ko nalang sila manood." paliwanag niya kung bakit maraming nilalang ngayon dito sa arena. Lumapit sa akin si Light at saglit hinalikan ako sa aking pisngi.

"Doon lang kami sa pwesto nila Zero. Yellow's excited to pinch his cheeks again." sabi nito sabay tawa ng mahina. Medyo matambok kasi ang pisngi ni Zero kahit na sabihin pa nating tama lamang ang katawan nito para sa edad niya.

Sabay-sabay pumunta ang ibang Royals sa pwesto nila Zero. Tuwang-tuwa naman silang nilapitan ng mga bata habang si Zero ay kay Light lang lumapit. Kami naman ni Red ay pumwesto na sa gitna ng arena.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon