Chapter 26

603 35 1
                                    

"Anong sports ang sasalihan niyo?" tanong ni Yellow. Nandito kami ngayon sa bahay namin ni Light. Sa totoo lang kanina pa kami nandito. Sadyang busy lang talaga sila sa paghaharutan, pagkwekwentuhan at pagliligawan.

Wala na daw munang pasok para makapaghanda ang lahat para sa Grand Competition tutal tuluy-tuloy ang event na 'yon at siguradong walang pahinga.

Syempre sa sports na gagawin namin, bawal gumamit ng kahit anong power maski abilities except sa volleyball. Ang nakakainis na part ay hindi ako pwedeng hindi sumali dahil required daw. At ang mas nakakainis, dalawang sport ang dapat salihan.

"Badminton tsaka table tennis." hindi ko alam na naglalaro ng ganoon si Red.

"Table tennis at lawn tennis." sabi naman ni Blue. Magkakalaban si Red at Blue sa table tennis kung ganon.

"Lawn tennis and swimming." hm, paniguradong maraming manonood sa laban ni Indigo sa swimming.

"Archery at volleyball." Violet knows to herself that she possesses an extraordinary accuracy kaya hindi na nakakapagtaka.

"Volleyball at archery." pagbabaliktad ni Green sa sinabi ni Violet.

"Volleyball and fencing." well, not gonna lie, magaling sa fencing si Gold.

"Volleyball at swimming yung akin." sabi ni Orange.

"Yung akin parehas lang ng kay Orange." okay, marami rin ang manonood ng swimming sa girls category.

"Volleyball and chess." sabi ni White na malayo ang tingin. Makakalaban ko siya sa chess.

Mukhang isang team nalang ang mga girls para sa volleyball. They'll be undefeated, that's for sure. Lalo na at allowed ang paggamit ng kapangyarihan.

Lahat naman sila napatingin sa akin at parang hinihintay ang sasabihin ko pero nagkunwari ako na nagbabasa at hindi nakikinig. May earphone ako though wala namang music na naka-play. Naka-connect ito sa isang tinatawag ng mga taga-human realm na cellphone. Lahat kami ay mayroon nito pero madalang namin gamitin. Ginagamit lang namin ito pag gusto naming maglibang sa pamamagitan ng mga laro na nakapaloob sa cellphone na ito. Minsan lang namin siya gamitin for communication.

"Shad, stop acting like you're not listening." sabi ni Light. Sinara ko muna ang libro at hinatak pababa ang earphone ko para matanggal ito tsaka sumagot.

"Chess and dagger throwing." sagot ko. Parang knife throwing lang pero dagger ang gamit.

"So magkalaban si Mr. Deciel at soon to be Mrs. Deciel sa chess? Exciting to." parang ewan na sabi ni Blue. Mrs. Deciel huh?

"Mrs. Deciel. Ang sarap namang pakinggan." nakangising sabi ni Yellow. These guys, really.

Bukas na ang first day ng Grand Competition which is duel. Ang akala ko ay hahaba ang katahimikan sa pagitan naming lahat pero maya-maya lang ay ako nanaman ang napansin nitong si Jade.

"Mukhang maraming iniisip ang loverboy ah." sabi niya habang nakangiti. I want to erase that smile. Oh no. Let me rephrase that. I want to erase his existence.

Nah, just kidding. Hindi kumpleto ang grupo kung wala siya.

"Marami ba si Light?" pag-telepathy ko sa kanya.

"What the- I can't believe it! Bumanat si Black!" tuwang-tuwa niyang sabi habang tumatalon-talon pa. Seriously? Mukha siyang tanga.

"Anong bumanat? Baliw ka ba? Hindi naman siya nagsalita." sabi ni Violet sabay irap.

"Tinelepathy kasi niya. But still, I can't believe it!" nakasimangot niyang sinagot si Violet pero nagsimula nanaman siyang tumalon-talon.

"Uy kwento!" sigaw ni Orange.

"Okay, okay. Kasi ang sabi ko 'Mukhang maraming iniisip si loverboy ah' tapos alam niyo ba yung sinagot niya? Bumanat siya! Ang sabi niya sa akin through telepathy 'Marami ba si Light?'" paliwanag niya. Pinagdiinan niya ang salitang 'telepathy' at sinamaan ng tingin si Violet.

"Yes naman!" medyo hyper lang, Yellow?

"Oxygen bes!" sabi naman ni Orange habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. Kung pwede ko lang ipaalam na kaya kong kontrolin ang hangin, binigyan ko na si Orange.

"Kailan na ba ang kasal?" nakangising tanong ni Green. That smirk. Umaandar namaman napakacreative nitong utak.

"Hindi ka yata berde ngayon?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Gold. You are so wrong, Gold.

"Hindi pa kasi tapos. Kailan na ba ang kasal para makapag-honeymoon na kayo at mabigyan niyo na kami ng mga inaanak?" kailangan bang ipagdiinan ang 'mga'?

Marriage? Siguro after ng school year or maybe pagkatapos na pagkatapos ng war laban sa mga fallen ay magpapakasal na kami.

As much as I want to marry her now, hindi pwede. My top priority for now is my family and Light's safety. My friends too.

Tumingin ako sa orasan at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang makita ko kung anong oras na. Six-thirty na ng gabi. Kanina pa kaming two ng hapon dito sa bahay. Napakabilis umandar ng oras.

Buti nalang pala nakabili na ako ng mga sangkap sa pagluluto. Tumayo na ako at hinanda ang mga sangkap na gagamitin ko.

Minutes later, nakasalang na ang magiging ulam at luto na ang kanin. Nakaramdam naman ako ng biglang paglakas ng hangin pero agad ding nawala. Mukhang hindi nila napansin yun.

Tumayo ako at naglakad papuntang garden para harapin siya pero huminto muna ako sa paglalakad saglit at sinabing pakibantayan ang niluluto ko.

Ramdam ko namang nakasunod sakin si Light. She used an invisibility spell and blocked her aura but I can still detect her so it is no use.

"Black, I missed you." sabi niya pagkarating ko sa garden at agad akong niyakap.

"I missed you too, Sylph." sabi ko tsaka bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako dahil alam kong nakikita ni Light ang mga nangyayari.

"Black, sorry talaga. Wala akong magawa kasi si Chaos ang nag-utos." I patted her head. Ayos lang na marinig ni Light ang lahat since napaliwanag ko naman na sa kanya.

"Don't worry. I'm not mad at you anymore. Let's change the topic. What brings you here?" tanong ko sakanya. Hindi naman siguro siya pumunta dito para lang humingi ng tawad?

"It's about Wailey. Medyo nahihirapan kami sa pagtuturo sa kanya lalo na't wala kaming alam tungkol sa kanya kaya napagdesisyunan na lamang namin na babalik na siya rito pero ikaw na ang magpapatuloy ng training niya. Good luck ha?" mahabang sabi niya na may mapang asar na ngiti sa labi tsaka siya naglaho. Parang kanina lang ay humihingi pa siya ng tawad pero ngayon ay nagagawa niya ng asarin ako. Kung hindi ko kaya siya pansinin?

"You can now show yourself, Light." sabi ko nang tuluyang mawala si Sylph sa paningin ko.

"Kainis. Alam pala niyang nandito ako tapos kung magpayakap parang wala lang." bulong niya sa sarili niya na narinig ko naman. Lumingon ako sa likod ko dahil nandoon siya.

"Jealous?" ang akala ko itatanggi niya pero bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako

"I'm generous and I can share everything I have but not you." niyakap ko naman siya pabalik at sumagot. Since siya na mismo ang nagsabi, I gathered all the courage I have to ask her a question.

"I'm yours. But will you let me have the honor of being your lover, milady?"

"Oh, I don't really know, my great knight."

"You wound me, milady." tuluyan na siyang natawa.

"Nakakainis ka. I love you." napangiti ako sa naging sagot niya. I'm happy. Very happy.

"I love you too."

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon