Chapter 19

643 51 1
                                    

"Gising na, nandito na tayo." gising sa akin ni Wailey. Kinuha ko yung backpack ko.

"Pakibuhat si Hailey. Tulog pa siya eh." sabi niya ulit. Kinarga ko si Hailey na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Magaan lang naman siya kaya hindi ako nahirapan.

"Mayroong hotel malapit doon sa beach. Kami rin ang nagmamay-ari non. Doon muna tayo tutuloy." sabi ni tito Warren. Ang yaman talaga.

"Hm, nandito na po tayo?" tanong ni Hailey na humikab pa.

"Yes po, baba ka na. Baka nabibigatan na sayo si kuya Black." sabi ni Wailey sa kanya kaya nagpababa siya.

Sabay kami naglalakad ni Wailey. Isang backpack at isang sling bag ang dala niya.

'Ang cute nila tignan oh!'

'Oo nga. Yung lalaki matangkad tas yung babae maliit.'

'Sexy nung babae oh.'

'Pre wag yan. Baka mapaalis tayo bigla.'

'Sino yung guy?'

'Ewan ko pero type ko siya. Ang cool din ng mata niya oh! Parang totoo.'

Hindi naman masyadong maliit si Wailey ah? Hanggang balikat ko siya. Napasimangot tuloy si Wailey.

Naramdaman ko na mas lumapit pa sa akin si Wailey. Siguro ay naiilang siya dahil sa mga bulungan ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya para kahit papaano ay mabawasan ang pagkailang niya.

Nakita kong napatingin si Wailey sa kamay namin. Nacurious ako sa kung ano ang nasa isip niya kaya binasa ko ito.

'Hindi na nakakapagtakang nahulog sayo si White.' huh?

"Bilisan natin." sabi ko. Nauuna na kasi sila tito Warren.

Sumalubong sa amin ang mga staffs nila pagkapasok palang namin. Binati nila kami at syempre bumati rin kami pabalik.

Sa pinakataas na floor which is fifth floor ang magiging room namin. For VIPs lang daw. Mas malalaki kasi ang mga room doon kaysa sa normal na rooms.

"So, saan niyo gusto? Sa resort o sa beach?" tanong ni tito Warren habang nagaayos ng mga gamit na tinutulungan namin.

"Resort po."

"Beach po."

Sabay na nagsalita ang magkapatid. Hailey and Wailey. Nagkatinginan ang dalawa tsaka nagsamaan ng tingin. Although, alam ko naman na pabiro lang ang sama ng tingin ni Wailey.

"Sa resort tayo ate please?" sabi ni Hailey sabay nguso.

"Mas matanda ako sayo so that means, ako dapat ang masusunod." pagsagot sa kanya ni Wailey. Nagtawanan naman sila tito at tita.

"Si Black na nga lang ang magdesisyon. Tutal bakasyon niya naman talaga to." sabi ni tita Harley na hanggang ngayon ay natatawa pa rin.

"I recommend both. Pwede naman po yun, hindi ba?" baka mag-away pa yung dalawa.

"Sige, sa resort muna tayo then sa beach naman, okay girls?" sabi ni tito Warren sa dalawa. Ang cute nilang dalawa. Hindi ko alam na may ganitong side si Wailey. Noong unang beses na nagkita kami, napakaseryoso niya.

"Magbihis na kayo. Sa resort muna tayo and oh, Black, lahat ng lalaki doon dapat may suot na shirt or sando okay? Ikaw naman Wailey, short shorts at sando lang. Bawal two piece. Baka masabunutan ka ng mama mo." natatawang sabi ni tito Warren.

"Pa naman! Hindi naman ako nagsusuot ng mga ganon. Tsaka hindi naman po ako sasabunutan ni mama. Love ako niyan eh." sabi ni Wailey sabay yakap kay tita Harley na tumawa lang.

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon