Chapter 10

929 57 1
                                    

"As I was saying, magkakaroon tayo ng Battle of the Royals sa school. Lahat ng studyante maging ang mga outsider ay imbitado kaya galingan niyo, okay?" sabi ni Miss Dexteria. She teaches music. Something that seems irrelevant for us to learn pero wala atang nilalang na nabubuhay ang ayaw sa musika.

"Dalawang kanta ang kakantahin niyo. Bago magsimula bukas, sasabihin niyo sa akin kung anu-ano ang kakantahin niyo tapos pag may nakapareha kayo ng kanta, magbibigay ako ng oras para maayos niyo yung parts niyo." pagpapatuloy ni Miss Dexteria. Limang taon lamang ang tanda niya sa amin. Nineteen years old na ang lahat ng royals bukod kay Red na twenty na. Kakabirthday niya palang noong nakaraang apat na buwan.

Hindi ba dapat ngayon palang mag-decide na kung sinu-sino yung magkakasamang kumanta?

"That's all. Good favor. Bukas na agad kayo magpeperform kaya naman excused na kayo sa mga remaining classes niyo. And one last thing, Prince Black, pinapapunta ka ni Sylph sa Music Room." sabi ni Miss bago umalis.

Ang tawag sa section namin ay Royal Section. Halata naman kung bakit yun ang tawag. Nandito rin dapat si Res. Kaptid na babae ni Red. Ayaw niya raw dahil may mga kaibigan daw siya na wala sa Royal Section.

"Prince." biglang lapit ni Gold sa akin. Hindi ako masyadong close sa kanya kahit pa na taga-Demon Realm lang din siya. Hindi ko rin naman kasi siya madalas nakakausap.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo na tsaka naglakad. Napatingin naman silang lahat sa likod ko pero may sinabi si Gold na nagpatigil sa akin.

"Snob. Hindi ka ba tinuruan ng nanay mong huwag tumalikod habang may kumakausap sayo?" ayaw na ayaw kong nadadamay ang mga magulang ko sa ganitong usapan. Hindi ko mapigilang harapin siyang muli at sagutin.

"How 'bout you? Hindi mo ba alam na sa oras tumalikod na sayo yung kinakausap mo, ibig sabihin hindi siya interesado makipag-usap sayo?"

"Girl, ang lakas ng loob mong pagsalitaan si Black ng ganyan pero wala ka rin naman pala." ani ng nakangising si Violet.

"Uhm, Black, kalma. And Gold, anyare sayo? Bakit ganyan ka magsalita?" tanong ni Blue kay Gold at pagpapakalma sa akin.

Nananahimik ang aking ina sa palasyo tapos magagawa niyang idamay sa mga salita niyang wala namang saysay? Hindi ako papayag.

"Bakit ako mananahimik?" this girl is getting on my nerves, really. Hindi ko alam kung bakit ganito siya makipag-usap sa akin. Sinusubukan niya ba ako?

"Kapag manghahamon ka lang naman, manghamon ka lang. Walang damayan ng magulang." sagot ni Light.

"Kasama ka ba sa usapan? Hindi porket ikaw ang tinitingala sa Angel Realm ay magpapa-apekto ako. Nilalandi mo na nga si Black, pati ba naman si Red? Sinong susunod? Si Indigo? Si Blue?!" sigaw sa kanya ni Gold na sinundan ng isang sampal. Anong problema ng babaeng ito? Ang alam ko ay hindi naman siya ganyan.

I walked towards her. "Oh no, you're doomed." Light said while smiling innocently as if she wasn't slapped.

Habang papalapit ako kay Gold ay may nararamdaman akong kakaiba mula sa kanya ngunit hindi ko matukoy kung ano.

"Magic Circle: Nightmare" a simple magic cricle , really. Makikita niya ang mga bagay na kinatatakutan niya.

"What... No! Stop! Don't come near me!" paulit-ulit niyang sabi habang nakatakip ang kamay sa magkabilang tainga at mariing nakapikit. Bigla rin nawala ang kakaibang bagay na nararamdaman ko mula sa kanya. What was that?

'Hey, saan ka na?' oo nga pala, naghihintay siya sa Music Room.

'Just a minute.'

Different Realms: Xyriel AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon