No. This is not happening.
Ngumiti siya sa akin sa kabila ng sakit na dulot ng pagkakatarak ng espada ni Killios sa gitna ng kanyang tiyan.
"Hmm, hindi ito ang ginusto kong mangyari pero pwede na rin." wika ni Killios bago hugutin ang espada kay Orange at biglang naglaho. Bago bumagsak sa lupa ay agad ko siyang sinalo at nagteleport sa lugar ng mga healers. Nakita kong nasa tabi ko na rin sila King Kier at Queen Angie maski na rin si White.
"Heal her. Quick!" matigas na utos ni King Kier. Hinawakan ni White ang kanang kamay ni Orange habang ang kaliwa naman ang hinawakan ni Queen Angie. Ako naman ay nakatayo lamang na nakatingin sakanya.
Agad naman siyang dinaluhan ng ibang healers. Ngunit nakakapagtaka na hindi pa rin nagsasara ang sugat ni Orange.
"Let me try-"
"No! Black, you know to yourself that the power of light consumes your energy greatly than the other elements. And you'll be needing that energy later." pagpigil ni Queen Angie sa aking balak.
"Black, just please, avenge my daughter." nagmamakaawang saad ni King Kier. Napayukom ako ng kamao. I can't do anything to save Orange. I can't do anything to save my friend.
Lumipad ako pataas and looked for a trace of Killios but I can't find him anywhere.
--
Third Person
"You coward. Show yourself!" halatang galit na sabi ni Black. Nagpalinga-linga siya sa magulong paligid.
Wala na silang ibang kalaban bukod kayla Queen Alexa na nahihirapan silang lapitan dahil sa lason na kanyang ipinapakawala at kontroladong limang chimera. Si King Hermes naman ay walang tigil na nagpapakawala ng mga bola ng itim na kapangyarihan na pagkaraan ng ilang segundo ay sumasabog habang pinoprotektahan siya ng kanyang dragon na si Raja. Ang dragon ni Orange na si Yen ay bigla na lamang naglaho. Marahil sa kondisyon ng prinsesa.
"Sorry." nahihirapang sabi ni Orange at nagawa pang ngumiti. Naiiyak namang umiling ng umiling ang kanyang kaibigan. Nakalapit na rin ang ibang Royals at hindi rin nilang maiwasang maiyak sa nakitang kalagayan ng kanilang kaibigan. Maliban lamang sa walang malay na si Red, ang nagpapagaling na si Violet at si Black na hanggang ngayon ay pilit na hinahanap si Killios.
"Don't say that. Orange, hindi kita papatawarin kapag... kapag pumikit yang mga mata mo! Tama, papatawarin lang kita kapag sinamahan mo akong magshopping at nilibre mo ako! Katulad ng dati Orange... katulad ng dati..." umiiyak na sabi ni White. Tumawa si Orange pero naputol din dahil siya ay napadura ng dugo.
"Mom, Dad, sorry... for what I've done." nakangiti pa ring wika ni Orange. Umiiyak na rin ang kanyang mga magulang.
"Shh, iha, napatawad ka na namin bago ka pa manghingi ng tawad. Tsaka Orange, kapag pinikit mo yang mata mo, hindi mo na makikita yung kapatid mo." kahit umiiyak ay nakangiting sabi ni Queen Angie. Mas lumawak naman ang ngiti ni Orange.
"I... have a... request."
"Anything dear, anything" sabi ng hari habang hinihimas himas ang ulo ng anak.
"If it's a girl... then name her Yoshino Iel... if it's a boy, Shawn Rage..." tumango naman agad ang mag-asawa sa kanya. Ang Iel ay sinunod niya sa Qiel habang ang Rage ay nakuha niya naman sa first name niyang Orange.
"But you know, it would be better kung masisilayan niya ang ate niya diba?" nakangiting saad ni Yellow sa kabila ng mga luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata.
"I... will die soon enough. I trust him. He can defeat that god." paglalahad ni Orange na parang pinaparating niya na totoong sa oras na mamatay ang kung sino mang nasa katawan ni Killios ay mawawala na rin siya. Wala silang ibang nagawa kung hindi ang umiyak para sa kalagayan ni Orange.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...