White
It's been days simula nung umalis si Shadow at sumama kela King Hermes. Mabilis lumipas ang mga araw na wala siya sa tabi namin, sa tabi ko. The war will be held the day after tomorrow.
Sa naging desisyon ni Shad ay iba-iba ang naging reaksyon. May mga nalungkot, may mga nawalan ng pag-asa, may mga naawa dahil sa nalaman nila ang totoong katauhan ni Shad at hindi rin mawawala ang mga nagalit.
I'm not mad at him. I can't be mad at him. I'm longing for him.
And Orange... nami-miss ko na rin siya. All of us can't think of a reason kung bakit niya iyon ginawa. At ayaw ko rin mag-isip ng dahilan.
Sila tito Hades at ang asawa nitong si tita Persephone ay nagkulong sa kanilang palasyo. May kanya-kanyang rumor na hanggang ngayon daw ay umiiyak pa sila, nagte-training sila para kunin pabalik si Shadow at marami pang iba.
Noong umalis si King Hermes kasama sila Orange ay ikinansela na agad nila Daddy ang pagstay namin sa Kellow. Kaming mga Royals ay naghiwa-hiwalay na muna at nagsibalikan sa kanya-kanyang palasyo at doon pinag-ensayo. Ang mga magulang namin mismo ang nagtrain sa amin. Sinabihan kami na huwag na muna isipin masyado ang nangyari at magfocus na lamang pero syempre hindi yon ganoon kadali. Aminin man ng mga magulang namin o hindi, alam namin na hindi rin nila nagustuhan ang nangyari lalo na at malaking kawalan din si Shadow.
Wala sa bilang o kakayahan ng kalaban. Hangga't nasa sa kanila si Shadow, ang karamihan sa amin ay mababalutan talaga ng sobrang takot at kaba.
Pero sasanib nga ba talaga siya sa kanila? Makakaya niya bang labanan ang mga kaibigan niya? Ang mga magulang niya?
Ako kaya? Magagawa niya ba akong saktan?
Noong nakaraang araw lang din ay pumuslit pa ako sa human realm para kunin ang pamilya nila Wailey. Itinago ko naman ang aura ko para makasigurong walang makaramdam sa akin kaya safe naman ako. Sinubukan ko pakiramdaman si Shad pero tagong-tago din ang aura niya. Expert masyado.
Sila Wailey ay nasa bahay na muna namin ni Shad sa Central Realm kasama si Zero. Hindi naman ako pumapalya sa madalas na pagdalaw ko sa kanila.
Agaran naman akong nagpaliwanag sa lahat na mababait na fallens sila Wailey at tutulong pa sila sa amin sa oras ng digmaan.
Si Wailey nalang din mismo ang nagte-train kay Zero kahit hindi na mahalaga pa dahil as if naman papayag ako na isabak sa digmaan ang anak namin ni Shad.
Anak namin... ang sarap pakinggan. Hindi man by blood, by heart naman. Para na nga raw kaming isang pamilya kapag magkakasama kaming tatlo sabi ng ilan sa mga studyante.
Natigil ko ang pag-iimagine ko sa aming tatlo nila Shad at Zero na magkasama sa isang simpleng araw nang may kumatok sa kwarto ko.
"Princess White, pinapatawag ka po ni King Zues." one of our guards in the castle said. Naramdaman ko din naman na agad siyang umalis. Nakakapagtaka na pinatawag ako ni ama. Hindi pa naman oras para mag-ensayo ako.
Walang reklamo akong tumayo at lumabas ng kwarto ko upang puntahan si Daddy na siguradong nakaupo ngayon sa kanyang trono.
Naabutan ko naman siya roon na nakaupo at mukhang malalim ang iniisip. Ngunit ang kanyang iniisip ay parang naglaho bigla nang makita ako.
Hindi na niya ako pinalapit pa dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Niyakap niya ako saglit bago ako harapin. Marami akong emosyon na nakikita sa mata niya. Isa na ron ang takot.
"Natatakot ako sa kung ano mang pwede mangyari. Papaano kung magawa kang saktan ni Black-" agad kong pinutol ang sasabihin ng aking ama.
"Hindi niya yon magagawa. At kung planuhin niya man, pasuntok pa lang siya, baka nasabunutan ko na siya lalo na't pinag-alala niya ako." natatawa kong sambit. Sa sinabi ko ay natawa na rin siya at nabawasan ang takot sa kanyang mga mata.
"Isang araw bago ang digmaan ay bibigyan namin kayo ng panahon para mamasyal, magsama-sama o kung ano pa man ang naisin niyong gawin." hmm, so bukas?
"At ngayong araw ay hahayaan muna kitang magpahinga. Pansin ko nitong mga nakaraang araw na pursigido ka magtraining at malamang ay nakakaramdam na ng sakit ang iyong katawan." napangiti ako sa kanyang sinabi tsaka siya niyakap. Hindi ko man naramdaman ang pagmamahal ng isang ina, sobra-sobrang pagmamahal naman ang natanggap ko mula sa kanya.
"Dalawin ko nalang muna po si Zero." paalam ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at cue ko na yon para magteleport papunta sa portal na magpapapunta sa akin sa Central Realm. Oh well, hindi naman ito ganoon kahirap hanapin. Lalo na at nasa mismong harapan lamang ito ng palasyo. May nagbabantay lang dito na dalawang guwardiya pero wala ng iba pa.
Pumasok na ako sa portal at lumabas ako sa portal na nasa Central Plaza. Nagteleport akong muli papunta naman sa bahay namin. Doon ko nakita si Hailey at Zero na nilalaro sila Raven at Hiro. Si Raven ang asong niregalo raw ni Shad kay Hailey. Nabigla pa ako noong una ko itong nakita dahil gawa ito sa tubig ngunit para pa rin siyang tunay na aso. Maayos pa rin siyang nahahawakan.
"Mom!/Ate White!" salubong sa akin ng dalawang bata na pareho akong niyakap. Hindi ko naman sila maiwasang panggigilan lalo na si Hailey.
Pare-pareho kaming pumasok at naabutan sila Wailey sa living room. Ngunit kulang sila. Si tita Harley ay wala. May naaamoy ako na nagmumula sa kusina kaya alam ko na kung nasaan siya.
"Nandito ka pala White, saluhan mo na kami ha?" yaya sa akin ni tito Warren. Tumango naman ako at ngumiti.
--
Nagdaan na ang ilang oras matapos kaming kumain, maglaro at magkwentuhan nang biglang marinig ko ang boses ni Yellow sa aking isip.
'Pumunta ka sa Academy, may pagbabago raw sa plano.' agad akong nagpaalam sa pamilya nila Wailey at nagteleport sa harapan ng Xyriel.
Pagdating ko roon ay agad na hinanap ng mata ko ang iba pang Royals. Muli ay nagteleport ako papunta sa pwesto nila. Si Daddy lang ang nasa harapan at mukhang siya nalang din ang magpapaliwanag ng kung ano man iyon.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. A trusted source said that ang Xyriel Academy ang unang-una nilang pupuntiryahin kaya imbes na maghahati-hati ang mga estudyante sa palasyo, lahat ng lalaban ay dito na lamang sa Academy. Hayaan niyo na ang inyong mga magulang na sanay na ring makipaglaban ang prumotekta sa mga kaharian." bahagya siyang lumingon sa pwesto namin, more like sa pwesto ko nang sinabi niya ang mga salitang 'trusted source'. Napakunot ang noo ko dahil don.
"Hangga't maaari ay huwag kayong pumatay ng mga fallen at sa halip ay subukan niyo silang kausapin para kumampi sila sa atin. Sa ganoong paraan ay mababawasan ang casualties na madudulot." tama si Daddy. At isa pa, baka ang mga fallen na kakampi sa amin ay mapilit ang iba pa nilang kasama.
"One last thing but the most important one, once you saw Prince Black, don't hesitate and just run if you still want to live." para namang lumalabas na kahit sinong makita ni Shad ay papatayin niya. Na sigurado naman akong hindi niya gagawin.
Pakiramdam ko sinabi lang yon ni Daddy para mabawasan ang mga magtatangkang labanan si Shad. Kung gagawin man nila iyon ay hindi naman mapipigilan ni Shadow na lumaban pabalik para protektahan ang sarili.
"Ipanalo niyo ang digmaan para sa mga kaharian at inyong mga pamilya na naghihintay sa inyong mga tahanan." huling sabi sa amin ng aking ama.
"Para sa lahat!" biglang sigaw ng isang lalaking estudyante, na sinundan naming lahat.
"PARA SA LAHAT!"
Si Shadow ay kaya kong labanan kung gusto ko. But I highly doubt kung malalabanan ko si Orange.
Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat, si Yellow.
"We can do this." sabi niya at tumingin pa sa ibang Royals. Indigo, Blue, Green, Gold, and Violet.
"We don't know kung anong pumasok sa isip ni Black but we will try our best para kausapin siya na bumalik sa atin White." saad ni Blue. Ngumiti ako at tumango.
We're really doing this.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasíaLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...