Violet
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay natuloy na ang kasiyahan. Black is so good at using his power. Or maybe powers? As much as I can recall, dark and fire ang kapangyarihan niya.
Wala namang magawa dito. Makalabas na nga lang. Nakita kong nakatingin sa akin si Blue habang naglalakad ako palabas. Tumayo siya, siguro para sundan ako.
Habang naglalakad ako may biglang nagtakip ng bibig ko. Nagpanic ako dahil halata naman na hindi siya si Blue dahil ang baho ng hininga niya!
Shit. Sino to!?
"Princess Violet, ang bango mo pala talaga. Pwede bang akin ka nalang? Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo kay Black." this creepy guy said. What? Sino naman ang nagpapakalat ng istorya na ipinagpipilitan ko ang sarili ko kay Black?
Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas. Ano bang power niya!?
"Violet!" dinig kong sigaw ni Blue. Oo nga pala, sinundan niya pala ako. Nawala sa isip ko siguro dahil sa kaba.
Naramdaman ko nalang na wala ng humahawak sa akin. Nakarinig naman ako ng pagsabog.
Napalingon ako sa kaliwa ko at muntik mapanganga sa nakita kong butas sa pader na mukhang tinagusan ng katawan ng lalaking iyon. A shogan's strength is no joke, believe me.
"He deserves it." sabi ni Blue na nasa likod ko pala.
"Uh, baka napatay mo siya."
"Look at me, Fasre." sabi sakin ni Blue kaya lumingon ako sa kanya but wrong move? Ang lapit niya sa akin kaya nagdikit ang mga labi namin!
Nagulat din si Blue pero pumikit lang siya. Nanlaki pa ang mga mata ko saglit dahil hindi siya humiwalay pero napapikit na lang din ako.
Matapos ang tatlong segundo ay pinaghiwalay na rin namin ang mga labi namin.
"I-"
"Teka! Ako muna. I love you Violet. Kaso parang wala lang sa'yo. Para kang tinurukan ng isang tabo ng anesthesia. Yung mga sinasabi ko sayo na pabiro noon, totoo yon." napanganga akong muli pero maya-maya ay napatawa nalang. Kumunot naman ang noo niya. Napailing ako. Ilang panahon kaya ang nasayang dahil sa katangahan ko?
"What are you laughing at?"
"I love you too." now it is my turn to make his jaw drop.
--
Third Person
Isang hologram ang biglang lumitaw kaya naman naalerto ang lahat lalo na nang ipakita nito ang imahe ng isa sa mga prinsesa na si Violet.
Sa una, nakita nila ang isang lalaking yumakap kay Violet at nagtakip ng bibig nito. Susugod na dapat si King Rykie, ang ama ni Violet pero pinigilan siya ni Black at sinabi nitong ililigtas ni Blue si Violet. Doon lang nila napansin na wala pala si Blue sa kinauupuan nito.
Hindi rin nagtagal ay nakita na nga nila ang sunod na nangyari kung saan kumilos si Blue ng napakabilis at malakas na sinuntok ang lalaki na naging dahilan ng pagtilapon nito at pagkabutas ng pader.
"Spade, alam mo na ha? Babayaran mo yung sinira ng anak mo." sabi ni King Hades kay King Dale. Ang ama ni Blue.
"Sige. Hulugan ko ng isang barya araw-araw." tugon ni King Dale kay King Hades.
Maya-maya naman ay nakita nila ang isang hindi inaasahang senaryo. Hinalikan ni Blue si Violet pero imbis na itulak, ay pumikit pa si Violet.
Walang nakakaalam na hindi naman iyon ang nangyari dahil si Violet ang lumingon at hindi sinasadya iyon but, a kiss is a kiss.
"JaSre is real." umiiling na sabi ni Black.
"Walang forever!" sigaw ng iilang studyante
"Sa angel at demon na bitter!" ganti naman ng iba na naniniwala sa 'forever' kuno. Wala naman kasi talaga. Lifetime pwede pa.
"Daming alam! Pagtatadyakan ko kayo diyan eh." sabi ni Orange. Nalipat naman sa kanya ang atensyon ng lahat.
"Single ka lang." sabi ni Yellow. Ang mga magulang naman ni Orange ay walang ginawa kung hindi ang tumawa.
Nagpatuloy ang mga harutan at asaran na sana ay walang katapusan. Walang ibang magagawa si Black kung hindi ang sulitin ang mga natitirang araw bago ang digmaan.
BINABASA MO ANG
Different Realms: Xyriel Academy
FantasyLahat ng mga nilalang ay nakuha na rin ang kapayapaan na kanilang ninanais makalipas ng ilang libong taon na digmaan. Ngunit isang hari na maghahangad ng paghihiganti at kapangyarihan ang posibleng sisira sa kapayapaang ito. Magagawa kaya ng isang...