Chapter 2 | Audition

400 8 0
                                    

•_•_•

Pauwe na kami ni Ford mula sa bahay nila Geco. At least, nagawa ko din kahit papano yung trabaho ko. Buti na lang talaga nandyan si Ford.

"Fordie. Salamat nga pala aa?" Sabi ko habang sabay kaming naglalakad.

"Sus, wala yun." Sabi nya na may pag-akbay sakin.

"May surprise ako sayo"

Medyo nagulat naman ako sa sinabi nya. Omaygad, anong "surprise" naman kaya yun? Papakasalan na nya kaya ako?

Charot.

"WTF. Anong surprise na naman yan?" Tanong ko.

"Basta, sabihin ko na lang sayo mamaya. Punta muna tayo sa SM"

Sumakay kami ng jeep pasakay sa SM na may hindi din kalayuan. Ano naman kaya ang sasabihin nya at talagang sa mall nya pa sasabihin sakin? Bigla tuloy akong nag imagine na may mga theater artist na kunwari eechos na ganyan, may iaabot mga ganun. Tas biglang luluhod tong si Ford sa harapan ko kaso hindi naman ganun.

Nandun kami sa may poster nung audition para sa Pinoy Boyband.

"Omaygad, ano? Magau-audition ka na?" Tuwang tuwang tanong ko.

"Actually, nag audition na ko" sagot nya sabay labas ng isang envelope sa bagpack nya.

"I passed the first step ng audition, and next week. Magau-audition na ko para i-shoot sa TV. Makikita ko na sila Vice at Sandara"

Out of my whim, bigla naman akong napayakap sa kanya. Nakakaproud naman tong bestfriend ko.

"Luko ka talaga, hindi mo man lang sinabi. Edi sana sinuportahan kita. Nandun ako, nagche-cheer sayo"

Natutuwa lang talaga ko, kaya nasuntok-suntok ko yung balikat nya.

"Wag na, baka ma jinx mo pa ko ee. May balat ka pa naman sa pwet" pagbibiro nya. Abnormal talaga tong si luko.

"Dahil dyan, treat kita. Ano gusto mo?"

Wala ee, bagong sweldo. Saka ganun naman kami lagi ni Ford, nililibre namin ang isat-isa.

Nasa may Jco Donuts kami dahil nagcra-crave talaga ko sa Alcapone at Oreology. At yung free wifi lang sa store yung pakay ko.

"Selfie tayo" aya ko kay Ford. Kahit parang ang awkward kasi very rare lang namin yun ginagawa kapag magkasama kami. At syempre, nandun na din ang napakaruming konotasyon ng mga tao pag nagpicture ka sa mga mamahaling kainan and such.

Game na game namang nagpapicture si luko. Parang fine-feel na nya yung pagiging celebrity.

"Post ko to sa Facebook." Sabi ko at saka unlock ng phone ko.

"Huy, teka lang. Wag mo sasabihin na nakapasa ko sa Audition aa? Bawal ee." Sabi nya at pinaliwanag na yun daw yung bilin nung management.

"Okay, madali naman akong kausap"

Sagot ko kaya nagisip ako ng pwedeng i-caption. Tsk, pati caption pinapahirapan ako.

Baka kasi lagyan ng malisya ee.

May picture na ko sa Idol ko.

Very common. Pero at least, pwede na. May laban na.

"Im proud of you, grabe. Magdra-drama pa ba ko? Pero nakaka proud ka talaga Fordie"  Medyo cliche na sabi ko. Sobrang saya ko lang talaga para sa bestfriend ko.

Who knows diba, sino ba magaakala na magau-audition sya? Akala ko talaga wala talaga sa plano nya yun.

Nagkataon kasi na Day-off nya kaya nag-audition daw sya. Exactly a week before nung in-urge ko sya. Wow, ang lakas pala talaga ng convincing power ko.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon