Chapter 12 | Expect the Unexpected

251 5 0
                                    

•_•_•

Almost 4am nung nagising ako. Kahit inaantok-antok pa ko. Bumangon pa din ako para iready ang sarile ko.

This is it, today is my final demo. Eto na yun. Wala ng atrasan to.

Niready ko na yung mga visual aids na kakailanganin ko, yung isusuot ko and most importantly yung sarile ko. Kailangan ko munang isantabi yung personal issues ko sa pagdedemo. So Ford, please. Wag ka muna pumasok sa isip ko.

7am yung start ng demo ko pero 6am palang nasa school na ko para magset-up ng mga kakailanganin ko.

Nireready ko na din yung mga magiging estudyante ko, and at the same time yung sarile ko. Bakit ganun, parang gusto kong mag back-out?

"Help me Lord, help me" I chanted, and prayed.

Pagdilat ko ng mata ko. Hindi ko alam kung medyo inaantok lang ba ko or what, pero parang nakita ko si Ford na dumaan.

Jusko. Ang aga-aga, minumulto na naman ako nung lalaki na yun. Alam ko kasi na imposible naman na puntahan nya ko dito, hes not a morning person to be honest. Saka alam kong busy sya kaya alam kong imposible na sya yun.

"Lord ano po, sign po ba to?" I stupidly asked. Bakit po ganun? Bakit po si Ford ang nakikita, at naalala ko?

"Goodluck po Mam Ces" bati sakin ng mga estudyante ko to boost me up. Pansin na din kasi nila na kinakabahan ako. At tensionado

Unexpectedly, nagulat ako kasi biglang pumasok yung guard at may dalang flowers.

"Mam, may nagpapabigay po" sabi nung guard. Nakatingin sakin yung cooperating teacher ko na parang kinikilig na ewan.

"Ang sweet naman, kanino galing?" Tanong ni Mam. Alvarado

"Ewan ko po, saka ko na lang po titignan" sabi ko sabay baba nung flowers sa isang side sa tabi ng bag ko.

"Katatapos lang ng February, maypa roses pa. May pahabol sa Valentines?" Asar naman ni Jane. Yung blockmate ko na magdedemo din pagkatapos ko. Hindi ko na sya napansin at parang aligagang-aligaga ako na hindi ko malaman.

Kay Ford kaya galing to, sya kaya yung nakita ko kanina? Alam kong parang ang imposible. And please dont tell me, galing na naman kaya kay Tony to? Mygod. Ano ba to? Bakit ba nakikisabay pa kayo sa demo ko?

"Relax, you can do it. Remember what I have taught you. Okay? Im here, Ill cheer you up"

Sabi ni Mam saka slight na yakap sakin. Napaka swerte ko sa cooperating teacher ko, to be honest. Napaka supportive, and at the same time sobrang light lang nyang kasama. I feel relieved though, kahit papano.

Pumasok na yung principal at yung prof ko from our school. Binigay na din yung rubrics, and ready to start na ko. Ready na din siguro ang mga panelist para sa mga criticisms dahil feeling ko, papalya ko.

"Goodmorning class!" Masiglang bati ko sa mga estudyante ko.

Go Ces, breath. Just keep it cool. Act normally.

"Good morning Mam!"

"Okay, before we start our lesson, kindly pick up the pieces of paper under your chairs" panimula ko at naglinis sandali yung mga bata sa pwesto nila.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon