Chapter 47 | Feud

165 4 0
                                    

"Dont call me, in the middle of the night no more, dont expect me to be there. Dont think that, it would be the way it was before. Dont think that I care, Im not over you yet, and I dont wanna be your friend" - I Dont Wanna Be Your Friend (Do)

•_•_•

Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil inasikaso ko yung reklamo, at kaso sa baranggay dahil sa naganap na panloloob sa apartment ko. Nangako naman sila na aaksyunan nila agad yung nasabing krimen at under surveilance na yung apartment ko dahil mataas daw yung possibility na baka balikan ako ng mga magnanakaw.

Until now, traumatized pa din ako dahil sa nangyare. Parang konting kaluskos lang ang narinig ko nagpapanic na agad ako na baka may magnanakaw na naman or what.

That night. Tinawagan ko yung number ni Niel para maisoli ko na din yung phone ni Tristan

(On the parrallel side of the story)

"Hello? Niel?" Bati ko

"Ay ate Ces, nasayo pa pala yung phone ni Tristan" sagot nya.

"Ay oo, naiwan nyo kasi" sagot ko

"Huy si Ces! Si Ces tumawag!" Pag aannounce ni Niel kaya nagsimula to ng komosyon at lumapit sila para makiusyoso at lahat sila nakatingin kay Ford. Niloud speaker nila yung phone para kahit papano marinig nila yung boses nya.

"Ay oo nga ate ee. Kunin na lang namin, eh eto si Tristan" sabi ni Niel at inabot ata kay Tristan yung phone

"Ay Ces, ano. Oo nga, hindi ko nakuha phone ko. Ngayon ko lang din narealize na nakalimutan ko pala" sabi ni Tristan at nilagay ulit sa normal mode yung phone at pinatay yung loud speaker at lumayo ng konti.

"Hutaena! Pigilan nyo to! Huy!" Sabi ni Niel at nakahawak sila kay Ford na parang pinipigilan sa kung ano mang gagawin nito.

"Ano sabi? Ano sabi?" Senyas ni Ford at bumubuka lang ang bibig pero walang boses. Sumenyas naman si Tristan ng "wait lang" habang kinakausap pa si Ces

"Kamusta ka na? May kasama ka ba dyan?" Tanong sakin ni Tristan.

Medyo kabado naman sila sa sagot ni Ces. Parang nasa eviction night si Ford ng PBB at nakahawak pa sa balikat ni Niel at mahigpit ang pagkakahawak nito

"Aray naman!" reklamo ni Niel dahil nasasaktan sya sa higpit ng pagkakahawak ni Ford dahil sa kaba nya

"Actually, wala. Ako lang naman magisa dito sa apartment ko ee. Kaya ko na naman na. Saka under surveilance na din naman yung paligid ng mga baranggay tanod" sagot ko

"Okay. Ingat ka aa?" Sabi ni Tristan na halata naman sa boses nya na concern sya.

"Huy! Huy! Huy! Saan ka pupunta!?" Tanong nila Niel at Joao kay Ford dahil tumayo ito sa pagkakaupo sa reclining chair nya at aalis

"Pupuntahan ko si Ces. Sasamahan ko sya dun" sagot naman ni Ford kaya hinawakan sya ng mga boys sa magkabilang braso para pigilan. Nagpupumiglas naman si Ford at kulang na lang eh igapos sya ng mga kasama nito.

"Sige na. San ba tayo pwedeng magkita para masoli ko na tong phone mo?" Tanong ko

"Ah, punta na lang ako dyan ulet. Thank you. Magiingat ka. Sige na" paalam ni Tristan kaya in-end call ko na din.

"Ano sabi? Kamusta na si Ces?" Tanong ni Ford kay Tristan pagkatapos nung tawag ni Ces

"Shes safe. Nothing to worry, bro. Under surveilance ng mga tanod sa kanila yung apartment nya. Okay?" Sagot ni Tristan to lessen up the tense of Ford. Masyado kasi syang napaparanoid para kay Ces

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon