•_•_•
"Ate, ingat ka. Tanga ka pa naman" yan yung paalam sakin ni Steven nung pasakay na ko ng bus. Bwisit talagang batang to. Nakatikim tuloy ng sampal sakin.
"Sunod na lang kami sa Graduation mo, Ces. Ingat ka" sabi ni kuya Neil at binigay na sakin yung mga gamit ko para maisakay ko na sa bus.
"Magiingat ka anak" sabi ni papa saka yumakap sakin.
"Jusko naman. Magdra-dramahan pa ba tayo dito? Magkikita-kita pa naman tayo next week" biro ko pero aminado naman ako na naiiyak din naman ako kahit papano. Panibagong sepanx na naman to.
"Sige na, baka maiwan ka pa ng bus. Naiwan ka na nga nya, pati ba naman sa bus maiiwan ka pa din" may hugot na sabi ni papa. Wow, ano nakain ni papa at nasabi nya yun? O naimpluwensyahan lang talaga ni Steven.
Sumakay na ko sa bus papuntang Manila. Talagang hinintay nila papa na umalis yung bus na sinasakyan ko at kumakaway pa sila sakin nung palabas na kami ng terminal.
Okay. Back to manila na ko. Back to the normal life again. Haharapin ko na yung mga kinatatakutan, or kung ano mang challenge or twists pagbalik ko.
I was preconditioning my mind sa mga posibleng mangyare sa pagkikita namin ni Ford. Its mixed between, magaapologize kaya kami sa isa't isa? Or tuluyan na talagang may lamat yung friendship namin dahil dun sa nangyare.
Until now, hindi ko alam kung paano ko magaapologize kay Ford kung bakit ko ba nasabi yung bagay na yun. Eto na naman ako, pinangungunahan na naman ng takot at kaba. Pero masisisi mo ba ko?
Nung nakadating na yung bus na sinasakyan ko sa Manila. Bumaba muna ko sa mall para magpahangin sandali at para kumain na din. Nakakapagod, at nakakagutom din kasi yung traffic at haba ng biyahe.
Medyo awkward nga lang kasi yung kinakainan kong fast food eh ang konotasyon na ng mga tao ay "kainan para sa mga nagmo-move on" dahil sa latest hugot commercial nila. Parang kulang na lang magpatugtog sila ng Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko para damang-dama ko ang pagiisa.
Nagpasundo na din ako sa mga impakta kong kaibigan sa mall para naman may katulong akong magbitbit ng mga gamit ko.
Mga 45mins ata akong naghintay sa may sky garden ng SM North saka ko nakita ng mga gaga.
"Omaygad. Welcome back te!" Bungad sakin ni Angge na may beso pa sakin.
"Jusko. Para naman akong nangibang bansa" pambabara ko and give her a cringe look.
"Si Kuya, wala?" Tanong naman ng baklang si Chester.
"Wala, pero next week. Pupunta sila dito para sa graduation ko" sagot ko na kinakilig naman ng dalawang gaga.
"OMG. Anong size ng paa nya? Bibilhan ko na ng sapatos, real quick" sabi nya na naglabas na ng wallet. Malantod talaga
"Ay girl, may girlfriend na kuya ko" pagsasabi ko ng katotohanan.
"For real?" Tanong nya. From masaya to malungkot na aura real quick.
"Oo. Sorry, marami pa naman dyan ee" sagot ko na lang na may pagtapik pa sa balikat nya. As if Im giving comfort, with hidden judgement. My inner bitchesa self is summoning me.
"Etong impaktang to ee! Kunwari ka pang kino-comfort mo ko. Plastic mo talaga" sagot nya din sakin. Ayan na, nagkalabasan na ng tinatagong baho.
"Alam mo yan bakla. Hahaha" sabi ko at nagtatawanan na lang kami.
Dumerecho na din kami sa apartment ko para makapagpahinga at makapag relax na din ako ng maayos. Nung papasok na ko ng gate, nagulat ako sa sinabi ni Ka Gustin.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...