Epilouge

318 10 9
                                    

"You are my heart, my soul, my inspiration. Just like the old love songs goes. You are one of the few things worth remembering. And since its all true, how can anyone be more to me, than you" - You (Carpenters)

•_•_•

Gaano mo nga ba masasabi na maganda ang ang isang storya?

Kapag ito ay may magandang katapusan?

Kapag ito ay may masayang pagwawakas?

Kapag ba nabigyan ng linaw at kasagutan ang mga problema?

Masasabi pang "panget" ang isang storya kung hindi naging maganda ang pagwawakas nito?

Paano kung ganun nga, hindi nga nagkatuluyan ang dalawang nagmamahalan?

Masakit.

Pero hindi ba, ganun naman ang realidad ng buhay?

A famous movie line says "Pain demands to be felt"

Parte ng ating buhay ang masaktan.

Parte ng buhay natin na tayo ay nasusugatan.

Pero masisisi mo ba ang isang taong sumuko?

Masisisi mo ba ang isang taong nasaktan? Ang isang taong bumitaw?

Siguro dapat din nating tanggapin na may mga bagay talaga na kahit ipilit natin, ay hindi talaga pwede.

Isang bagay na kahit ipaglaban mo pa, bandang huli ay magiging talunan ka pa din.

Kagaya ng storya nila Ces at Ford na nagpakilig, nagpaiyak at nagturo sa atin na kahit anong tibay at tatag ng isang relasyon, ay kailangan pa ding may bumitaw at magsakripisyo.

Isang katotohanan na nangyayare sa totoong buhay.

Hindi ba, bakit kaya hindi tayo magising sa katotohanan? Na hindi lahat ng masasayang relasyon ay nagtatapos din sa masayang pagwawakas.

Katulad ng isang kanta, katulad ng tono at mga musika.

May simula at may hangganan din ito at syempre, mayroong katapusan.

Pero ang musika ay kahit anong tagal mang lumipas ng panahon, kahit sa ilang beses na paginog ng mundo ay hindi pa din ito namamatay. Isang musika na mananatili sa ating mga puso at isip.

Pero hindi ba, maaring i-revive o muling isabuhay ang mga nasabing musika? Kahit na gaano na ito katagal, o kaluma.

Hindi kaya, posible ding sa paglipas ng panahon, muling magkabalikan ang mga pusong nasugatan, at gumawa ng isang bagong musika at panibagong storya?

Play "If we fell Inlove" by Yeng Constantino while reading this part.

"Ladies and Gentleman! BoybandPH" announce ni Boy Abunda sa mga guest nya sa kanyang late night talk show.

Tuwang-tuwa at naghihiyawan naman ang mga tao sa audience nung pinakita at lumabas na ang limang mga bisita.

Kumakaway, ngumingiti at tila gamay na gamay na ng mga lalaki kung paano sila titingin at magpro-project sa camera at ang tamang pagsagot sa host ng nasabing talk show.

"Now, lets go on your love life" pangiintriga ni Boy Abunda at nagstimulus ito para magsigawan at kiligin ang mga fans.

"Russell. Ano ang gusto mo sa isang babae?" Panimula ni Boy at tinanong si Russell na nasa gilid.

"Ano po, ugh. Yung cool lang kasama. Ganun" prenteng sagot ni Russell.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon