Chapter 50 | Reconciliation

193 6 4
                                    

"We were built to fall apart, and fall back together" - Out Of The Woods (Taylor Swift)

•_•_•

"Mahal na mahal kita Ces. Wag mo kong layuan. Wag mo kong iwan" sabi ni Ford. And his words is my weakness at naiyak ako nung sinabi nya yun. Parang rumurupok na ko. Parang hindi ko na kayang magpretend.

"Derechahin mo na ko Ces. Mahal mo pa ba ko?" Tanong nya

"OO! OO FORD!" Sagot ko na medyo pasigaw.

"Masaya ka na ba?" Tanong ko na umiiyak din. Nakatahimik lang sya at saka nya ko niyakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal din kita Ces. Mahal na mahal" sabi nya at paulit-ulit na hinahalikan yung ulonan ko at naririnig ko din yung pag hikbi nya.

Nakita ko din yung mukha nila Tristan, Niel at nung isang lalaki sa gilid.

"No more pull ups, please" pakiusap ni Ford.

"Yes, Ford. No more. I love you" sagot ko at saka yumakap sa kanya.

"YEHEY!" Tuwang-tuwa yung mga boys sa gilid at nagpapalakpakan.

"Thank you sa inyo mga bro, thank you nagkabalikan kami ng Ces kungdi dahil sa tulong nyo" pasalamat ni Ford kayla Tristan.

"Wag ka na iiyak bro aa, ang panget mo pag nalulukot mukha mo ee" asar ni other guy. I dont know him. Ngayon ko lang sya nakita at parang nakakatakot yung itsura nya.

No offense intended. Pero medyo badboy look kasi yung datingan nya para sakin. Para kasi syang yung napapanuod ko sa mga movie na mga gangster or kinda badass guy. Ganun, medyo napa-cringe lang ako sa lip ring nya. Medyo natatakot lang ako. Wow, ang judgemental mo talaga Ces.

"Ay Ces, si Joao nga pala" pakilala sakin ni Ford dun sa other guy.

"Jo-wow? Parang edi-jowow?" Tanong ko. Medyo tricky kasi yung name nya. Ang unique lang to be honest.

Sumama yung tingin nya sakin. Napatago ako sa likod ni Ford.

"Joao. Spells like this. J-O-A-O" sabi nya at spell ng pangalan nya. Bakit ganun, may accent din sya. May breeding ika nga ni Chester. Foreigner ba to?

"Fresh from Macau" sabi nya at may pagkindat pa sakin. May lahi nga.

"Ako nga pala si Niel" epal naman ni bunso. Ang cute din nito ee. Sarap gawing keychain.

"Kilala na kita bunsoy. Ano, inaaway ka ba nyan? Sabihin mo kapag inaaway ka aa?" Sabi ko na parang baby brother at may pag-dila ng pangaasar naman tong si Niel kay Ford.

"Tama na yan. Mamaya na lang. May klase ka pa Ces. Nakakastorbo na kami" sabi ni Tristan. Oo nga pala. Labag to sa ethics namin.

Medyo nauna yung mga boys sa harap at nasa likod lang kami ni Ford. Hawak ko yung pisngi nya na nakatikim ng sampal ko kanina.

"Sorry aa?" Dispensa ko. The battered girlfriend pa ata magiging label ko ngayon.

"Okay lang yun, galing mo kaya. Para kang si Maricel Soriano. Eula Valdez at Jean Garcia na pinagisa at pinagsabay-sabay" pang-aasar nya sakin. Oh great.

"Siguro nag-enroll ka sa workshop ng Star Magic nung wala ako no?"

Masasabi ko na okay na nga kami ni Ford. Eto na ee. Bumabalik na yung mga trashtalks namin ee.

Welcome back, Ferdinand. I miss you. I love you. No more pull ups *clings*

•_•_•

Pagkatapos ng klase ko. At mabuti na lang din na hindi ako napagalitan dahil na din sa ginawa nila Ford. Dumerecho na din ako sa bahay dahil medyo nabobother pa ko dahil baka mamaya may magnanakaw na naman or what.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon