Chapter 8 | Awit ng Kaibigan

281 7 0
                                    

•_•_•

Kinabukasan ko na lang nahawakan yung phone ko. Pagka-gising ko kasi, cellphone ko kaagad yung unan kong hinahawakan. At dun na nagsink in sakin yung text ni Ford na hindi ko nabasa kagabe dahil kasama ko sila Chester.

May 5 missed calls din yun na halos nagpabilis sa tibok ng puso ko. May kaba kasi na hindi ko malaman, bakit kaya sya tumatawag sakin? Kailangan nya kaya ng tulong ko that time, tapos hindi ko pa nasagot? What the hell. Ang paranoid ko.

Binasa ko yung text nya. At halos mapanganga ko sa nabasa ko.

Ces, labas ka. Nasa tapat ako ng apartment mo

Wait. Lagot.

Hala sya, kung nasa labas si Ford kagabe, ibig sabihin, what the fck. Napaghintay ko sya sa wala. Im dead. Im so dead.

May isang text sya na around 11:30pm. Tulog na ko neto. Pero dito mas kinilabutan ako.

Naghintay ako, pero mukhang busy ka ata. Gusto sana kita makita kahit sandali lang, pero okay lang. Ingat ka palage aa? Sinarado ko nga pala yung gate. Next time, wag mong iiwan yan. Magisa ka lang dyan, kaya dapat isipin mo safety mo. Okay?

Gusto ko sanang isipin na na-rak lang yung phone ni Ford, or nantri-trip lang sya like that. Pero ang haba kasi ng text nya, nakakapanibago as in totally, ang sipag naman nyang mag type this day?

And yes, I guess 100% legit na si Ford yun kasi nung pauwe na ang mga gaga. Nagkatakutan pa kami kasi nakasarado yung gate, as in. Nakasarado na naka-kawit yung pinaka lock.

"Bakla. Sinarado mo ba to kanina? Ang alam ko naiwan naming bukas to ee" sabi ni Chester na parang tinatakot ako. Walangyang baklang to. Balak pang maginvite ng mga akyat bahay dito sa apartment ko.

"Gaga, nakita nyo ba kong lumabas nung dumating kayo?" tanong ko.

Nagkatinginan na yung dalawa. Yung parang takot na takot sila na ewan. Mga gagang to.

"Bakla, kung ako sayo pabendisyunan mo na tong apartment mo. Mukhang may kasama kang ibang elemento dito" suggest ni Chester.

"Baks, kung ano man yun. Eh thankful pa ko kasi iniingatan ako, ayan nga oh? Sinarado pa yung gate. Hindi kagaya mo na iniwan na parang nangaakit pa ng mga akyat bahay" ayan, nabara ko tuloy ng wala sa oras.

"Edi sorry na, oh sya, sige na. Aalis na kami" sabi nya at umalis na sila ni Angge.

Almost 10pm na yun at inaantok na din ako kaya hindi na ko natakot or what, hindi ko na din inisip kung may naglock nga nung gate. Baka naman akala lang ni bakla nakalimutan nyang isara, minsan kasi may pagka ulyanin din yun ee.

Pero nung nabasa ko yung text ni Ford ngayong umaga, as in. Wow. Biglang nagising ang diwa ko. Dali-dali akong nagayos at nagbihis para maaga kong makaalis.

Gusto ko kasing dumaan sa bahay nila Ford. Jusko, mahaba-habang explanation to. Mukhang kailangan ko ng isang matinding detailed power point presentation at gumawa ng essay sa manila paper, back and forth in Times New Roman, 12font at Normal spacing para magpaliwanag.

Pagdating ko sa kanila, naghintay muna ko sa gate para kumuha ng bwelo. I mean, tama ba na sumugod ako bigla sa bahay nila Ford? Nagdadalawang isip ako kung kakatok ako or what, pero huli na nung palabas na sana ko sa gate nila ng makita ko ni Tita.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon