Special Chapter: Ford's POV 2

194 4 0
                                    

"Someones always saying goodbye, I believe it hurts when we cry. Dont we know, partings never so easy? And with all the achings inside, I believe some hearts wont survive, trying hard to pretend that were gonna be fine" - Someones Always Saying Goodbye (Toni Gonzaga)

FORD

"Kamusta na yan?" Tanong sakin ni mama at talagang tinusok pa ng daliri nya yung dibdib ko. She mean na kamusta na yung lagay ng puso ko.

"Eto ma, medyo okay-okay na. Kahit papano" sagot ko.

"Kahit papano. Hahaha. Nakakatawa ka talaga Ferdinand"

Alam kong medyo sarcastic yung tawa ni Mama nya na yun. Just like the old times, mothers knows best naman kasi talaga. Ganito lang yan ee, tatanungin ka ng nanay mo kung sino yung kumain ng chocolate sa ref, ide-deny mo syempre pero may bakas ka pa ng chocolate sa bibig mo. In short, alam na naman nya yung sagot, tinatanong pa nila.

Honestly, hindi ako ganung ka open kay mama, kahit na kay papa or even sa mga kapatid ko regarding on my personal issues, dillemas or problems. Usually, kay Ces lang ako nags-spit out ng mga hinanaing or agony ko pero ngayon, wala na. Kaya as much as possible, kung kaya kong sarilinin ang mga heartaches or problema ko. Sasarilinin ko na lang.

Pero just like a normal being, may hangganan din ang pagki-kimkim mo ng mga agonies mo kaya kailangan mo din tong ilabas.

"Masakit pa din sakin, Ma. Para kong pinapatay sa sakit. Tuwing iniisip ko sya para kong nanghihina na hindi ko malaman" sagot ko sa kanya as I cling on her shoulder. Para kong batang inagawan ng candy o hindi nabili ng laruan. Umiyak na naman ako. Alam kong ang awkward nun na umiyak ako sa nanay ko pero hindi ko na talaga mapigilan. Hindi naman siguro makakabawas sa machismo ko yun, diba?

Alam ni Mama yung break-up namin ni Ces. And to be fair, hindi naman sya nagalit or what. She understand the situation. Well in fact, nagkausap din sila ni mama personally at napagusapan nga nila yung reasons ng hiwalayan namin.

Kinwento nya din sakin yung pagiyak ni Ces sa harap ni Mama at ni Papa na may paghingi ng tawad sa kanila. I know its sounds awkward, kahit ako nagulat din ako. Pero ginawa yun ni Ces. She apologize for her shortcomings. Que nagkulang daw sya or what, at hindi nya natupad sakin yung promise namin sa isat isa na, kahit na anong mangyare. Walang iwanan at walang bibitaw.

Honestly, hindi naman ako galit kay Ces dahil nakipaghiwalay sya sakin. Naiintindihan ko din naman yung reasons nya. Unang-una, hindi naman yun lame o mababaw na dahilan lang. Alam ko din naman sa sarile ko na kapag pinagpilitan pa namin to, parehas lang kaming magsu-suffer at mahihirapan. One must back off in order to save the other.  Kung baga sa domino effect, kailangang may mawala na isa para hindi na matuloy pagtumba at pagkahulog ng iba.

"Ganun talaga Ferdinand. Parte talaga ng buhay natin na may magpapaalam sa atin. May mga mawawala at may mga dadating"

Yes, people do come and go. Pero hindi mo naman ako masisisi kung hanggang ngayon si Ces pa din ang sinisigaw ng puso ko diba? Oo, madaming ibang babae ang lumalapit, o nagpaparamdam sakin. Pero my heart is too stubborn at si Ces lang ang sinasabi nito. May mga qualities pa din, or even mga flaws ni Ces ang hinahanap ng puso ko. I love Ces authenticity. Yes, she even mentioned. Hindi sya yung ganung klase ng babae na pagtitinginan mo kapag dumaan sya, shes just a normal girl. Pero once you met her real personality, dun mo mare-realize na hindi mo kailangan ng panlabas na anyo para masabi mo na mahal mo ang isang tao. I love her imperfections, her madness, her vanity. Lahat.

"Pero malay mo naman diba, malay mo isa lang pala tong challenge sa relasyon nyo. Malay mo may second chance pa pala. May happy ending pa pala" sabi ni Mama to boost me up.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon