•_•_•
Its been one month since naging officially kami ni Ford. One month na puno ng sweetness na may halong tampuhan, selos at slight na hindi pagkakaunawaan. Perhaps, normal lang naman sa relationship yung mga ganun. Pero syempre, masaya kami ni Ford na nagcelebrate ng monthsary namin.
Yes. I know its sounds awkward to celebrate such celebrations or kung ano mang tawag dun. But we spend the day by watching a movie, have a dinner in an eat-all you can buffet para practical ang laban. Naging hobby kasi namin ni Ford ang kumain at mag-foodtrip. Love is getting fat together ika nga.
Pero hindi naman pagiging fat. Dahil just like the normal dudes. Ayaw ni Ford na pabayaan yung katawan nya kaya inaalagaan nya to sa paggy-gym. Yes, nagi-gym din naman si Ford kaso hindi ganung ka-active or karegular. Kapag may time lang sya kasi busy din sya sa trabaho and such obligations. Pero ngayon na nakaleave na sya. Nagpapalaki na sya ng muscles nya dahil magandang image daw yun kasi you know, magiging future hearthrob a.k.a boyband singer ang boyfriend ko.
Pero kahit naman ano body build nya, sya pa din ang pinaka hot at pinak macho sa mata ko. Ewan ko ba, masyado kasi syang figure conscious na ngayon. Yung tipong mahihiya ka pang mag-ayang mag stress eating sa kanya kasi alam mong may mine-maintain syang body figure.
Pero dahil kung mahal mo sya, susuportahan mo sya. Ayun, pati ako nagwo-work out na din. Hindi naman ako magwe-weight lifter pero nagwo-work out na din ako, siguro para mabawas-bawasan din yung insecurities ko sa katawan. Kaya parehas na kami ni Ford na nagi-gym. Partners na kami sa lahat ng bagay.
•_•_•
Kahit na graduated na ko sa college at magtra-trabaho na this coming school year, at in a relationship na with Ford. Hindi ko pa din binibitiwan ang pagtu-tutor. Siguro dahil nagustuhan nila Mr. Manansala yung serbisyo ko kaya ako pa din yung kinukuha nila bilang personal tutor ni Geco.
Just like the usual routine. Pumupunta ko personally sa bahay nila Geco saka ko sya tinututoran. Sadly, laging wala dun yung parents nya dahil busy sa works and such. Yung yaya nya lang ang naiiwan sa kanya, may older brother sya pero nagkukulong lang sa kwarto at naglalaro lang ng Wii.
Medyo nakakahiya nga kasi hinahanap nya lagi si Ford kapag pumupunta ko sa bahay nila. Naghahanap din kasi ng kalaro yung bata at given na na hindi ko kayang i-satisfy yung hiling nya na yun kasi mga panglalaking laro ang gusto ni Geco. Hindi naman ako naglalaro ng basketball na kagaya ng nilaro nila last time ni Ford.
Trabaho kasi yung pinunta ko dun at alam kong binabayaran ako ng magulang ni Geco para mag-aral sya pero luckily, pinayagan naman ako ng parents nya na isama si Ford kahit minsan lang para at least makapagsocialize si Geco at makapaglaro din. Kung baga, si Ford ang naging extrinsic motivation ko sa kanya pagnakakatapos kami sa mga lessons nya.
"Kuya Ford. Kuya Ford. Come! Lets play na"
At papasan sya kay Ford saka sila maglalaro ng basketball sa may bakuran nila. Nakakatuwa nga silang tignan kasi para silang mag-ama na ewan. Basta, parang navi-visualize ko na yung magiging buhay namin ni Ford. 5-10 years from now.
"Teacher Ces! Teacher Ces! Lets play!"
Masiglang sabi nung bata at hinila ko papunta sa bakuran para makipaglaro sa kanila ni Ford.
"I dont know how to play Basketball, Geco" sabi ko.
"Kuya Ford will teach you" sagot naman nung bata at kinindatan lang ako ni luko. Parang nase-sense ko tuloy na may sinabi, or kung ano mang pasabog tong si Ford.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanficFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...