Chapter 7 | Girls Talk

286 7 0
                                    

•_•_•

There was a big question mark in my head as I enter my room at nilagay yung flowers sa kama ko.

"Secret admirer who?"tanong ng naguguluhang sarile ko.

Binasa ko ulet yung note at kinikilala ko kung kaninong penmanship yun, pero hindi ee. Masyadong maganda to. Para ngang sulat ng babae ee. May hint na tuloy akong hindi galing kay Ford to.

Dali-dali kong tinawagan yung mga impakta kong kaibigan para humingi ng resbak. I mean, humingi ng advices mula sa kanila. Syempre parang ang tanga ko naman kung magbro-browse ako agad sa google with the key word "How to handle a relationship" diba? Masyado naman akong assuming. Sobrang umasa na ko kay Ford, wag naman pati kay secret admirer whosoever he is.

After 1 hour. Nagulat ako kasi kumakatok na sila sa pinto at pinuntahan nila ko dito sa apartment.

"OMG! Bakla ka ng taon, sinong lalaki ang nagkamali na ligawan ka!?"

Yan yung bungad sakin ni Chester. Yung bakla kong kaibigan. Syempre, walang preno yan sa choices of words nya. Prangka kung prangka yan pero mahal ko pa din yang kabayong naganyong tao na yan.

"Omaygad, ano? Okay ka lang ba Ces?" Tanong naman nitong si Angge.

Kung si Chester, prangka eto namang si Angge? Ayun, sobrang pabebe na ewan. I mean, look. Tama ba na yun ang tanong nya? Para naman akong inabuso or whatsoever. Nakakaloka, pero mahal na mahal ko yang mga yan. Wag lang kami sasapian ng mga kawalanghiyaan.

Pinakita ko sa kanila yung boquet ng flower from a random guy na itago na lang natin sa pangalang "secret admirer".

Medyo epic nga lang na inaamoy-amoy ni Chester yung bulaklak, hindi dahil mabango talaga, pero kungdi para syang K9 na aso na umaamoy kung may bomba.

"Ay mamang, gwapo nagbigay nito. Nakikita ko sa visions ko"

Seriously? Ganito ba talaga kalakas ang instinct ng mga bakla? Maypa visions-visions pang nalalaman? Like what the hell, for pete sake. Inamoy lang, alam na agad kung gwapo ba o hindi yung nagbigay? Ibang klase.

"Bakla, malamang gwapo yan. Secret admirer daw ee" sabat naman nitong si Angge.

"Kasi diba, kapag secret admirer, gwapo. Kapag stalker, ayun. Chaka"

Wow naman. Masyado naman akong pinagpala sa mga judgemental friends. Well, once an old saying says. "Birds with the same feather, makes a good feather duster." I mean, one judgemental plus two judgemental friends equals more chances of judgement like that. Ganun. Sige oo na, judgemental kami, pero hindi kami plastic.

"Hoy bakla, ang talino mo talaga" compliment nitong si Chester.

"Malamang, meron bang maglalagay ng from your secret stalker dyan? Ano? Di baka hinampas ko pa sa kanya tong bulaklak na to" biglang bawi nya na kina-make face naman nitong si Angge.

Nakakabaliw tong mga kaibigan ko na to. Swear.

"Hindi kaya galing kay Ford yan, girl? Ikaw aa? Eto na ata yun ee, mukhang eto na yung chance mo teh'. Mukhang inlove na din ata sayo yung bestfriend mo"

Napakaimposibleng sabi ni Angge. Tanggap ko pa na sa iba mangagaling yung flowers ee, pero kay Ford? Nah. Imagination mo ang limit.

"Oo nga mamang, malay mo nainlove na din sayo yung bestfriend mo na yun. Hello, malay mo naman after ilang years, narealize nya na ikaw pala talaga ang mahal nya. Diba? Hello, high school pa lang kayo na laging magkasama, imposible naman na hindi na maglevel up or madevelop yun no?"

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon