Chapter 42 | Love vs Profession

195 3 0
                                    

"Believe on what you believe, and doubt on what you doubt. But dont ever commit a mistake by believing on what you doubt and doubting on what you believe"- Mam. Charito Laggui (My Professor in BulSU)

•_•_•

As I was busy doing my visual aid for my lessons. Nagulat ako kasi bigla akong kinausap nung head teacher namin which is very rare lang mangyare. Usually kasi busy sya, or hinahayaan nya lang kami to do our works. Nakakausap lang namin sya kapag may mga meetings, magpapasa ng reports or may mga school activities.

"Ay, mam. Bakit po?" Sabi ko sabay hubad ng earphones na nakasuot sa tenga ko

"Can we talk?" Sabi nya kaya sinundan ko sya sa office.

Medyo kinakabahan ako sa kung ano man ang agenda nya. May demerits kaya ako? Ginagawa ko naman ng tama ang trabaho ko aa? May nagreklamo ba saking bata? Okay naman ang pagtuturo ko aa? Napaparanoid ako kung bakit gusto kong makausap ng head teacher namin. Parang feeling ko may hindi magandang mangyayare.

"Take a seat" sabi nya at pinaupo nya ko sa sofa ng office.

"Bakit nyo po ba ko gustong kausapin?" Paglalakas ng loob kong tanong.

"Parang dapat ako nga ata nagtatanong sayo nyan, Ces" sagot nya. Medyo kumunot ang noo ko ng very light. Ano ba gusto nyang palabasin?

"Ugh. Hindi ko po kayo maintindihan, Mam. Pwede po ba derechahin nyo na lang ako? Honestly. Kinakabahan po talaga ko. May nagawa po ba kong mali? May nagreklamo po ba sa pagtuturo ko? Ayos naman po ang trabaho ko aa" paliwanag ko. Masyado naman akong guilty kaya tinatawanan nya lang ako.

To be fair, mabait naman yung head teacher namin. Approachable naman at light lang kasama. Pero syempre, bilang sya yung nakatataas, iba pa din yung pag-galang na dapat kong ipakita dahil bago pa lang ako dito, at siguro hindi ko pa nga sya ganung kakilala.

"Ms. Dominguez, relax. Wala ka dapat ipagalala. Maayos naman ang trabaho mo" sagot nya.

"Eh, Mam. Bakit nyo po ba ko pinatawag?" Tanong ko. Medyo nawala na yung kaba at tense ko.

"Gusto ko lang magkwento ka. Kwentuhan mo ko" sabi nya na parang bata.

"Yun lang po ba? Ano po ba ikwe-kwento ko?" Medyo curious na tanong ko. Honestly, pinagtri-tripan lang ata ako nito ee.

"Sige na nga, tutal ayaw mo namang magkwento, edi ako na magkwe-kwento. Dagdagan mo na lang aa?" Panimula nya. Medyo kinabahan ako.

"Boyfriend mo si Ferdinand diba? Estudyante ko yun dati nung Elementary. Hindi nga ako makapaniwala na papasok sa pagiging artista yun ee. Aba, nagulat na lang ako na napapanuod ko na sya sa TV. Grabe, naalala ko pa nung bata yun eh sobrang pasaway nun sa klase ko" pagkwe-kwento nya.

Seriously, si Ford talaga topic? Medyo bastos po Mam, aa? Nagmo-move on po ako. Konting respeto po. Charot

"Napakabait na bata nun. Wala akong masabi" dagdag nya kaya napatahimik lang ako.

"Ganun po ba, ano po. Hahahaha" napatawa na lang ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin at isasagot ko. Hindi naman ako makapaniwala na magkakilala pala sila Ford at si Mam. Balite. Sabagay, parehas kasi silang taga Valenzuela thats why.

"Kamusta na ba kayo? Grabe. Maswerte ka sa kanya. At alam ko, mas swerte sya sayo"

Wow. Swerte daw. Kung alam nya lang yung nangyare.

"With all due respect, Mam. Ayoko lang po muna kasing pagusapan yung bagay na yan" sagot ko na lang.

Napatingin lang sya sakin. Siguro tinitignan nya kung paano nangi-ngilid yung luha na nagbabadyang pumatak sa mga mata ko.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon