•_•_•
"May hindi ka ba sinasabi sakin?"
Seryoso yung mukha ni Ford habang tinatanong nya yun. Ang sama ng tingin nya sakin na parang may ginawa, or may nasabi kong mali. Patay tayo dito. Sana pala hindi ko na lang in-open up sa kanya yung topic na yun.
"Ano kasi, kahapon may nagpabigay sakin ng flowers. And iniinvite ako sa dinner, ngayong gabe. Hindi ko naman kilala kung sino. Basta nakalagay sa note, secret admirer daw" sagot ko.
"Ano? Nagpapaligaw ka na?"
Hindi ko alam kung bakit, pero bakit ganun yung reaksyon ni Ford nung sinabi ko yun? Nagseselos ba sya?
"Hindi no? Duh. Pero ano kasi ee, basta. Yun nga, may nagpabigay ng flowers. Yun lang, ngi hindi ko nga kilala ee" sagot ko na lang. And Im trying to divert the topic, baka kung san pa to mapunta ee.
"And iniinvite ka nya sa dinner, right? Pupunta ka?"
Hala sya, bakit kung magsalita naman sya para naman syang imbestigador?
"Pinagiisipan ko pa ee" sagot ko
"Ba't pagiisipan mo pa? Kung pwede ka namang hindi pumunta, ano ka ba? Kilala mo ba kung sino yun? Kung talagang lalaki sya, dapat sya mismo gumawa ng paraan para magkita kayo. Magpakita sya ng harap-harapan hindi yung iinvite ka lang ng dinner. Eh paano kung isa't kalahating manyak yun? Paano kung napahamak ka?"
Napatulala ako sa sinabi ni Ford. Mukha naman syang napaka protective na tatay ngayon. Wow, napaka indefinite talaga ni Ford kahit kailan.
"Wow naman, ang dami mo namang sinabi" sagot ko na lang.
"Syempre, bilang bestfriend mo. Iingatan kita, bestfriend mo ko ee" sagot nya sabay inom nung coke na iniinom nya.
Napatingin lang ako sa kanya na ewan, para kasing ang weird talaga. Nagseselos ba sya? Bakit naman biglang sobrang over protective ni Ford?
Yea, nandun na tayo. Bestfriend nya nga ako. Kahit na lagi nyang pinamumukha yun sakin. I mean, hindi ba sya aware na nasasaktan na ko? Ang hirap talaga ng ganitong set-up. Friendzoned sucks, really. Big time.
"Oo na, thank you bestfriend" sagot ko na medyo matamlay. Para kasing bigla akong nawala sa mood na makipagusap sa kanya. I mean, para kong nagtatampo sa kanya na ewan.
"Galit ka ba? Eh ang akin lang naman, syempre iniisip ko lang naman yung safety mo, diba? Marami ng napahamak sa mga ganyan" ayaw talagang magpatalo ni luko.
Para syang sirang plaka na nagsasalita habang ako naman, hindi nakikinig at iniinom yung Frappe na inorder ko.
"Tara nga dito, sorry na. Ayaw ko lang talagang mapahamak ka. Nagaalala lang kasi ko sayo"
Unexpectedly, nagulat ako kasi nilapitan ako ni Ford saka umakbay sakin saka niyakap ako. Parang biglang bumalik yung mood ko, okay na ulet ako. Nakangiti na ulet.
"Oo na, thank you. Hindi na ko sisipot sa dinner" sagot ko na lang.
Yun na din yung last topic bago nya ko ihatid pauwe sa apartment ko.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...