"I am a strong person, but every once in a while, I wish someone would hold my hand and tell me that everythings going to be okay" - Truth Slap
•_•_•
"Parang nakakapagtaka naman, bakit ka pupunta dito? Sorry aa, hindi naman sa pinapaalis na kita agad, basta. Ano kasi, ano. Bakit ba nandito ka?" Tanong ko kay Tristan.
Hindi ko alam kung paano ko sya tatanungin na hindi sya mao-offend. Wow, talagang nag-isip pa ko na hindi sya na-offend.
"Sige, aalis na ko" sabi ni Tristan kaya tumayo na sya sa pagkakaupo sa sofa.
"Wag!" Saway ko saka hinarang sya sa pinto. Wow. Ang gulo mong kausap Ces. Seriously. He just give me a "yung totoo" look. Maski sya masyadong naguluhan sakin.
"Ano, fine. Dederechahin na kita. Okay, ano. Pero tatanong ko lang, pinapunta ka ba dito ni Ford?" Yun lang naman ang gusto kong sabihin.
"Hahahaha. Grabe. Yun talaga? Yun talaga iniisip mo kung bakit ako pumunta dito?" Natatawang tanong nya. Ang shitty naman kasi ng reasons ko.
"Oo. Hindi ka naman kasi makikipag-kaibigan sakin kung wala kang definite na dahilan. Can you please be subjective here, bakit ka nakikipag-kaibigan sakin?" Tanong ko. As if I was an attorney at sya yung kriminal
"Hahahaha. Grabe. Mukha ba kong may masamang balak sayo? Tsk tsk" sabi nya na parang nango-ngonsensya.
"Look, okay. Alam ko na wala na kayo ni Ford. Pero it doesnt mean na pinapunta nya ko dito, nage-espiya ko or what. Im just here to be with you. I know youre hurting. You dont have to---" paliwanag nya ng agenda nya kaso kabastusan na sumabat ako sa kanya.
"Yes, aaminin ko. Nasasaktan pa din ako. Pero look, ano kasi ee. Sorry aa, I have trust issues na kasi. Saka knowing you, or hindi pa nga talaga tayo ganung magkakilala. Pero nasa circle of friends ka ni Ford. Thats why, aaminin ko na sayo. Hindi pa din ako nakakamove on. At alam ko hindi ako makakamove on kung may koneksyon pa ko sa mga taong malapit kay Ford" sabat ko sa kanya at nagkatinginan lang kami.
"Okay. Understood. Understood. Pero to tell you, trust me. You dont have to push me away. Im here to help" sagot nya. Help daw, in what way?
"Look. Doesnt mean nakakasama ko si Ford, eh ibig sabihin nun ay sinasabi ko sa kanya lahat ng mga nalalaman ko sayo. To be honest with you, nung nakita kitang umiiyak sa bus last summer, masasabi ko sa sarili ko na "This girl dont deserves to cry". As in, never. Ngayon, you dont have to hide it. Youre in pain. Youre bleeding inside, right?"
Nakatingin lang ako kay Tristan habang sinasabi nya to. As in, hindi pa din ako makapaniwala. Seryoso ba sya, o sadyang masyado lang talaga kong paranoid or what.
"Pero okay lang, naiintindihan ko naman ee. Naiintindihan kita kung wala kang tiwala sakin. Sige, enjoy the pizza" sabi nya sabay naglakad palabas.
"Tristan, sandali" tawag ko at hinarang sya sa may gate.
"Sorry. Okay. Im sorry. Look, ano. Can we just forget this? Spare it. Basta. Pwede bang kalimutan na lang natin tong usapan na to? Okay na. Tinatanggap ko na yung friendship mo" sagot ko na nakangiti at iniharap sa kanya yung kamay ko para makipag-shake hands.
"Okay. Yun naman pala ee" sagot nya at nawala na yung patampong tono ng boses nya.
"Look, Ces. Wag mo isipin na nakikipag-kaibigan ako sayo dahil kay Ford, at mas lalong hindi ako lumalapit sayo para ligawan ka, or agawin ka pa. Tropa-tropa lang. Ganun, kababayan? Diba?" Sabi nya habang naguusap kami sa may labas.

BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...