Chapter 19 | Guilt

257 4 0
                                    

•_•_•

Awkward lang akong nakaupo sa isang sofa sa kwarto kung san nakaconfine si tita. Tinitignan ko lang si Ford habang nakaupo sa kabilang side habang nanunuod ng TV at pinapaikot yung phone nya sa kamay nya.

Parang biglang bumalik sakin yung nangyare nung araw na nag-away kami. What if hindi nangyare yung pagtatalo namin na yun? Okay lang kaya ang lahat?

Out of my whim, kinausap ko sandali yung tita ni Ford para hindi naman ako ganung ma awkwardan kahit papano at hindi mapanis yung laway ko dahil mukha lang ako tuod dun na nakaupo.

"Ano po ba yung nangyare?" Pagtatanong ko.

"Eh yun, ano. Sabi, nung una daw may dinadaing pa yung ate ko. Masakit daw yung tagiliran nya. Eh syempre, akala nya okay lang, tolerable pa naman. Eh kaso nung madaling araw na, nagsusuka na daw saka nilalagnat" panimula ng kwento nung Tita ni Ford

"Eh yan ngang si Ford, eh sakto wala nung sinugod namin si ate dito. May ginagawa daw sila para dun sa shino-shoot na episode daw para sa singing contest na sinalihan nya, bali ako lang saka yung papa nya ang nagsugod sa ate ko dito" dagdag nya kaya napatingin ako kay Ford kahit na inalis ko din agad kasi pansin ko na nagkasalubong ng .1 seconds yung mga mata namin. Ang awkward tuloy.

"Ay Ford, ano. Bakit hindi mo ibili ng merienda yung bisita natin?" Utos nung tita nya kaya mas lalo akong naawkwardan

Dali-dali namang tumayo si Ford saka kumuha ng pera sa may cabinet.

"Ay, hindi na po. Okay lang po" sagot ko na lang. Nakakahiya din kasi kay Ford, at hindi ko alam kung ano pumapasok sa isip nya.

Ewan ko ba pero parang nagsalita lang ako sa hangin at lumabas si Ford na parang hindi ako narinig. Grabe, galit ba sya sakin?

"At saka ayun nga, yung ate ko nga nung una ayaw pa magpasugod dito sa hospital" pagpapatuloy nya nung kwento.

Napatingin naman ako kay tita habang natutulog at nagpapahinga. Medyo nasasaktan akong makita na ganun yung kalagayan nya.

"Ngayon, yung papa nila Ford, ayun. Naghahanap ng pera para may maipambayad sa hospital saka para may pambayad sa mga gastusin. Eh wala ee, si Ford kasi nakaleave na sa trabaho kasi nga, ayun nga. Nasa pagaartista na ang pinagkakaabalahan nya."

Kung may magagawa lang sana ko. Ano ba yan, gusto kong tumulong para sa panggastos nila tita kaso short din ako ngayon at graduation ko na next week.

"Ah. Okay po" yun lang yung mga nasasagot ko. Ewan ko, para kasing biglang walang pumapasok sa isip ko. Basta nakikinig lang ako sa mga sinasabi ng tita ni Ford

"Eh ako nga may trabaho pa ko ngayon ee, magpapasweldo pa ko. Eh kaso wala naman kasama si ate, walang makakatulong sa pagaalaga si Ford kaya eto, tiis muna. Kailangan ako ng kapatid ko ee, saka binilin ko na naman muna sa asawa ko"

Habang nagkwe-kwento yung tita ni Ford. Nagulat kami kasi biglang nagsalita yung mama ni Ford. Gising na pala

"Sino yan?"

Pilit na tumitingin si Tita sa direksyon namin kahit na nahihirapan to at sumasakit ang tagiliran nya.

"Ate wag kang gumalaw, kaibigan to ni Ford" sagot nung tita ni Ford kaya lumapit na din ako para magmano at kamustahin si Tita

"Ay Ces, ikaw pala" bati ni Tita sakin. Kahit alam kong may masakit sa kanya, nagawa pa din nyang ngumiti ng nakita ko.

"Si Ford nandyan, asan ba?" yun agad ang bungad nya sakin. Kung alam nya lang sana.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon