•_•_•
Kinagabihan na nung nakadating sila papa sa apartment ko. Medyo nagkaproblema kasi sila sa pagpunta dito at naligaw pa daw sila
"Eto na ba yung apartment na tinutuluyan mo Ces? Ang ganda aa" compliment ni papa habang tinitignan yung paligid.
"Medyo maliit po, pero pwede na din po. Dito na lang po kayo sa extrang kwarto magpahinga" sabi ko at nilagay yung mga gamit nila sa katabing kwarto ko.
"Ikaw Steven, sa lapag ka na lang matulog aa? Maglatag ka na lang ng banig dyan" sabi ko na lang. Seryoso ko at hindi ko gino-goodtime yung kapatid ko.
"Okay. Ano password ng wifi?" Sagot nya. At wifi talaga ang hinanap nya. Kinuha ko naman yung phone nya at phone ni kuya para iconnect sila sa wifi dito sa apartment.
"Ano, ready ka na ba bukas Ces?" Tanong sakin ni papa.
"Medyo kinakabahan, pero opo pa. Ready na" sagot ko at saka lumapit sa kanya para yumakap.
"Bakit ka naman kinakabahan?" Tanong ni papa at niyuyugyog-yugyog ako habang nakayakap ako sa kanya.
"Parang hindi pa ko ready na harapin ang totoong buhay after graduation pa" sagot ko na lang.
Pero most likely, hindi ko pa kaya lalo na't sira na ang friendship namin ni Ford.
Alam kong its sounds awkward or pathetic para malungkot ako. Pero bigla kasing pumasok sa isip ko, nagaassume kasi ko or parang nagiimagine ako na what if, sana nandun din si Ford sa graduation ko? Sobrang saya ko siguro.
Kaso mukha namang imposible yung mangyare. Mas lalo lang akong masasaktan kung aasa na naman ako
•_•_•
4pm yung start ng graduation namin. Pero mga past 12nn pa lang nagpre-prepare na kami. Masyado kasing maarte tong si bakla at naginsist na sya na mismo ang mag make-up sakin. Sakin, okay lang naman kahit light make up lang, o kahit nga lipstick at powder lang. Ewan ko ba dito sa gagang to. Palibhasa nasa bahay si kuya ee.
"Hello po tay, opo. Ako po nagbabantay sa anak nyo dito. Okay naman po tong anak nyo, harmless naman po" pagkwe-kwento ni Chester kaya tawang-tawa naman si papa sa kanya kasi ang benta ng mga banat nya.
"Saka opo, ako po bahala kapag lumandi tong anak nyo. Hahagupitin ko po ng sampal to at hahambalusin ko ng katotohanan" dagdag nya. May panglalaglag na ang gaga.
"Ay kuya!" tawag ko kay kuya Neil
"Bakit?" Lumapit naman ang pogi kong kuya sakin habang hawak yung phone nya
"Si Chester nga pala" pakilala ko sa kanya. Eto namang si gaga. Mas lalong nangitim, ay sorry. Namula pala. Nagblush pa ang malanding kabayo.
"Hi" bati naman sa kanya ni kuya saka binigyan ng kanyang signature na mala close-up smile habang nakikipag shake hands kay bakla
"Kapatid ko nga pala, si Steven" pakilala naman ni kuya sa bunso namin na pilyo gwapito
"Hi!" flirty na bati ni gaga.
"Sup!" Respond naman ni Steven at may pag saludo pa na may kindat kaya double dead na ang bakla.
"Hoy bakla. Masyado namang palong-palo tong mga kapatid mo" kilig na kilig na bumulong sakin si Chester. Lantod talaga
"Ayusin mo pagmamakeup mo" sabi ko na lang kaya pinagpatuloy nya yung pagaayos sakin at pags-style ng buhok ko.
Sya din yung nagsuot at nagayos kayla papa, at syempre may kilig na pagnanasa kayla Kuya at Steven habang inaayusan nya to.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...