Chapter 23 | Legal

255 5 0
                                    

"Make your relationship PRIVATE, but not a SECRET" - Truth Slap

•_•_•

"Hahahaha. Sabi na nga ba ee, hindi mo naman kasi ko maloloko Ces" natatawang sabi ni papa at pinaupo pa si Ford sa tabi nya sa sofa at saka inakbayan na parang tropa-tropa lang. Halata naman na nagulat at nabigla din si Ford sa reaksyon ni papa.

"Ikaw yung kapitbahay namin sa Valenzuela dati diba?" Tanong ni papa kay Ford. Okay, props lang ako dito.

"Opo. Ako nga po. Kamusta po kayo?"

Natatawa na lang ako sa respond ni Ford. Parang sure win na si luko. Wala na, uwian na. Ginalingan nya masyado.

"Hahahaha. Sabi ko na nga ba. Sinasabi ko na nga ba. Yan talagang anak ko na yan, masyado kung makapag deny" sabi ni papa at nakaturo sakin. Yung para syang sila Chester na manlalaglag, ganung-ganun ang peg ni papa.

"Akala ko ba busy Ces? Eh ba't kasama mo pa ngayon?" Natatawang tanong ni papa.

"Hahaha. Opo, busy po talaga ko. Eh syempre po, Ill make time para po sa anak nyo" sagot naman ni Ford. Nagpapa goodshot pa kay papa ee.

"Ano, girlfriend mo na ba ang anak ko?" Tanong ni papa. Namula naman ako sa hiya.

"Ayan nga po dapat yung sasabihin namin ee" sagot ni Ford sabay tumayo at lumapit sakin na hinawakan pa ang kamay ko, na naka cross fingers talaga.

"Alam ko pong masyado pang maaga para sabihin, pero sana po wag po kayong magugulat. Kami na po ni Ces. Nagtapat po ako sa kanya kagabe"

Malakas na loob na sinabi ni Ford yun kay papa. Hindi ko alam yung feeling. Halo-halo yung kaba, saya at excitement sa kung ano yung magiging reaksyon ni papa.

"Mabuti. Mabuti yan. Sabi ko nga kay Ces. Sya naman ang may desisyon pagdating sa ganyan. Ako ay matanda na at wala na ko sa posisyon para pagbawalan pa ang anak ko. Akoy taga suporta na lang sa kanya"

Sabi ni papa at may pagakbay at tapik pa sa balikat ni Ford.

"Pero mabuti na din naman po na sabihin ko sa inyo ng harap-harapan kesa sa itago po namin diba? Seryoso po ako sa anak nyo, sir" seryosong sagot ni Ford. Naiiyak naman ako sa tuwa. Tumutulo ang luha ko sa mga nangyayare.

"His a good man, Ces. Hes a very good man" sabi ni papa sakin kaya napalapit ako sa kanya at napayakap.

"I love you papa. Wag po kayong mag-alala. Kayo pa din yung boyfriend ko" sagot ko habang naglalambing sa kanya.

Sakto naman na nagising na din si Steven at naabutan nya kami na magkayakap ni papa at habang nandito si Ford.

"Que aga-aga naman nyan" out of nowhere nagsalita ang magaling naming bunso.

"Ay, Ford. Si Steven nga pala, bunsong kapatid ko" pakilala ko kay Ford at nakipag-kamay naman dito na parang kumakandidato.

"Ikaw yung kapitbahay namin sa Valenzuela dati diba? Hahaha" tanong ni Steven.

"Oo. Ako nga, natatandaan ko ang liit mo pa noon ee" sagot naman ni Ford na parang nakikipagusap sa mga tropa nya sa kanto.

"Grabe ka naman sa maliit" angal naman nitong si Steven. Medyo hindi ko sila pinapansin habang naguusap sila ni Ford kasi its a boys talk at ang awkward naman kung sasabat pa ko. Hinayaan ko munang magpalagayan ng loob tong si Ford kay Steven tapos next kay kuya Neil naman.

Eh kaso ang magaling kong kapatid. Bwini-bwisit ako.

"Alam mo ba, yang si ate. Dati ka pa nyan crush. Dati pa patay na patay sayo yan" pagkwe-kwento ni Steven.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon