CES
"Mygod, Ford-ie. Tignan mo oh?" May enthusiastic na sabi ko habang tinuturo yung advertisement poster sa may mall.
"Oh?"
Almost a grunt, yun lang yung naging response nya.
"Eto oh, Pinoy Boyband Superstar Audition. Pwede ka dito"
Syempre, supportive ako. Alam ko kasi na magaling talagang kumanta tong bestfriend ko, at hindi naman sa pagmamayabang eh gwapo naman sya. Kaya alam ko, pasok sya dito.
"Hindi naman ako makakapasok dyan ee"
Hindi interesadong sagot nya at nakafocus lang sa phone nya habang naglalaro ng Mobile Legends.
"Asus, bakit? Magaling ka naman kumanta aa? Nakaka 100 ka nga sa Videoke ee. Tsaka anong hindi ka makakapasok dyan? Gwapo ka naman aa? Compare mo naman yung mukha mo kay kuya oh?"
Sagot ko sa kanya at sa peripheral vision ko ay nakita ko yung reaction nung lalaking katabi ni Ford. Siguro nakita nya din kaya hinawakan nya yung braso ko at nilock yung phone nya sabay hatak sakin palayo.
Nung nakaliko na kami at nakapasok sa may department store, dun na sya tumawa ng malakas. As in, humagalpak sya ng tawa kaya napatawa na din ako.
"Napaka judgemental mo talaga. Hahahaha"
Asus, parang sya hindi.
"Magbestfriend nga talaga tayo. HAHAHAHA" dagdag nya at may pag-appear pa.
"Oo na, mag bestfriend nga tayo" sagot ko.
"Wag mo ng ipamukha sakin. Nasasaktan ako" sabi ng inner self ko.
"Ano, mag au-audition ka ba? Dali na, susuportahan naman kita ee" sabi ko sabay tapik pa sa balikat nya.
"Pagiisipan ko" sagot nya.
•_•_•_•
Right after that afternoon, hindi ko na sya tinigilan sa pangungulit ko sa kanya.
Nagtetext ako sa kanya in a daily basis. 3x a day, at hindi lang yun. Tinatag ko sya sa mga link ng audition announcements sa Facebook.
Ang supportive mo naman Ces.
Luckily, yun lang ang nakuha kong reply mula sa kanya. Minsan hindi ko alam kung sadyang busy lang ba talaga sya, natutulog, kumakain, naliligo, hindi nya hawak phone nya, walang signal, lowbat, nakidnap sya, naiwan nya phone nya, o iba pang morbid na idea na papasok sa isip mo kung bakit hindi sya nagrereply.
Alam mo yung tipong, kailangan mo pa ata syang bayaran ng isang libo per letter para lang magreply sya. Ganun sya katipid sa text, sayang ang postpaid plan nya. Ayaw man lang nyang gamitin. Tsss.
Kaya nung nagreply sya, YES! Tinamaan ng magaling. Magpapamisa na ba ko? Bago yun, yun ata yung pinakamahabang text nya sakin. I should be proud of myself. Achievement to. Nasanay kasi ko na puro "Haha" "Okay" at puro mga emoji ang reply nya. Yung tipong manga-ngapa ka pa sa kung anong mood nya kapag nagrereply sya. 5 words lang yun, masaya na ko. What more kung nagnobela sya, eh baka magnovena na ko at mamanata every year.
Lumipas ang mga araw na hindi na sya nagpapakita sakin. Since sanay naman ako na lagi akong seenzoned sa text. Hindi na din naman ako nanibago sa ugali ni Ford. High school pa lang kami ganun na yun.
Naglalakad ako papunta sa bahay ng tututoran ko. Yes, sumi-sideline din kasi ko bilang tutor para pandagdag allowance din. Habang tumatawag ako sa bahay ay nagulat ako kasi out of nowhere, biglang nasa likod ko lang si Ford.
![](https://img.wattpad.com/cover/102024226-288-k657873.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...