Chapter 36 | Pilot Episode PBS

174 3 0
                                    

"Sometimes, no matter how beautiful your dreams and fantasies are, you will always have to wake up"- Avatar

•_•_•

Dumating na yung araw na kinatatakutan ko. Wait, parang ang awkward naman nung "kinatatakutan". Basta, hindi ko lang ine-expect na mabilis na darating tong araw na to.

Habang nanunuod ako ng TV dahil sabado naman at walang pasok, out of my whim nilipat ko yun sa Channel 2 at nakita ko nga sa patalastas na mamaya na pala ang airing ng Pinoy Boyband Superstar.

Parang kailan lang, ako pa yung pumilit kay Ford para mag-audition sya. Sinamahan ko sya sa taping ng audition nya at ngayon nga, busy na sya kasi more on trainings and voice lessons na sya.

Not so recently, right after that birthday party ni Ford. Aaminin ko, medyo hindi na maganda yung nagiging flow ng relasyon namin. I mean, busy na kasi ko sa trabaho ko. Ngi si kuya nga na nagstay sa apartment ko for almost 2 weeks hindi ko masyadong nakausap gawa ng hindi magkatugmang schedule namin. Yung tipong paalis palang ako, sya pauwe pa lang and vice versa.

Kami ni Ford, maswerte na siguro ko kasi minsan nakaka-video call ko sya at nakakausap via Viber or Messenger. Hindi na kami ganung nagtetext or tumatawag sa phone call. In short, indefinite na yung communication namin. Yung tipong minsan magleleave na lang kami ng voice message sa isat isa.

Bihira na lang din mag-online si Ford kaya hindi ko na din alam yung mga kilos at mga ginagawa nya. Nakakalungkot lang. Alam kong its sound illegal pero bigla ko kasing naisip yung sinabi sakin ng manghuhula sa Quiapo one time.

Bantayan daw.

May manloloko daw sakin.

I just shook my head. Alam ko naman kasi na hindi yun magagawa ni Ford sakin. I have utter faith and trust in him. At alam ko na ganun din sya sakin, kaya why bother?

As Im doing my lesson plan for my discussions next week. Nagulat ako kasi biglang may kumatok sa pinto. Thinking it was Kuya Neil. Nasa manila pa din kasi sya at dito pa din nakadestino kaya dito pa din sya tumutuloy sa apartment ko. Every weekends lang talaga kami nagkakatagpo.

Binuksan ko yung pinto at nagulat ako kasi hindi si kuya, at mas lalong hindi si Ford yung bumungad sakin.

Si Tristan.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Wow. Yun agad ang bungad sakin? Wala man lang bang, "Uy! Ikaw pala" dyan?"

Nakatingin lang ako sa kanya na hindi ko malaman. To be fair, hindi naman kasi kami ganung ka-close ni Tristan and sa pagkakatanda ko, were just an acquaintance. I wonder kung ano magiging reaksyon ni Ford kapag nalaman nya to.

"Ano, sorry. Eh ikaw naman kasi ee. Bigla-bigla ka nalang pumupunta dito ng walang pasabi" sabi ko na lang at pinapasok na sya sa loob.

"Wag kang magalala. Wala naman akong intensyon na masama sa pagpunta ko dito. Dahil takot ko lang, nandyan si---" sabi nya pagkaupo nya sa sofa. And then sakto biglang pumasok si Ford.

"Ferdinand!" May excitement na sabi ko at napayakap ako sa kanya with matching kiss sa cheeks.

"Hahaha. Namiss mo ba ko?" Tanong nya habang nakayakap pa din sakin.

"Ano ba yan, kayo naman ee. Wala naman kayong pasabi. Edi sana nakapag-handa ako kahit papano" sabi ko na lang kasi hindi pa ko nakakaligo to be honest. At hindi pa din ako nakakapagluto ng hapunan.

"Ngayon yung airing ng Pinoy Boyband. Nuod tayo" sabi ni Tristan kaya binuksan ko naman yung TV. Mabuti na lang talaga malinaw ang reception ng channel 2 dito sa apartment ko, or dahil lang sa TVplus? Whatever.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon