Chapter 13 | Team Tony vs Team Ford

276 8 0
                                    

•_•_•

Tapos na yung demo ko, pero yung agony ko kayla Ford at kay Tony, hanggang ngayon hindi pa din.

Until now, hindi pa din ako makapaniwala na may tampuhan kami ni Ford ngayon. March na March naman kasi, kung gaano kainit ang panahon, bakit ba ganun din kainit ang ulo ko at nagkasagutan kami?

One week na since nung nangyare yun right after my final demo. I was crying the whole night after we have that argument. Eto na kasi yun, parang feeling ko may lamat na yung friendship namin ni Ford. Mukhang friendship over na nga ata kami.

Since bakasyon na din, halos nagkulong lang ako sa apartment ko at dinadamdam yung nangyare. Parang wala na kong guts magpakita sa kanya, or what. Nagdeactivate din ako ng Facebook account ko at naka Airplane mode lang ang phone ko ng almost one week. I dunno how I managed to survive this life without my phone and social media.

Puro higa, kain, basa ng books at tulog lang ang ginagawa ko throughout the day. I just want to distract myself from what happened. So far, masasabi ko namang effective ang hindi ko paglabas, at pagexpose sa mga social medias ko for a week. Parang that week na nagkulong lang ako sa apartment ko, parang biglang nagpuff sakin na hindi kami nagaway ni Ford, walang Tony, bakasyon na. Nakaraos na ko, gra-graduate na ko sa April at kung papalarin, makapagtrabaho na this coming school year.

If Im going to follow my plans, magtra-trabaho muna ko sa isang private high school along Taft para kumuha ng experience and at the same time, makapagready to take my board exams, if I passed. Then proceed to plan B. Either to teach in a public high school, or apply for a job sa Singapore and teach there. Kapag nakapagipon-ipon, then pasusunurin ko na yung dad ko at yung dalawa kong kapatid and dun na kami titira for good.

During that week na halos naging primitive lang ako sa apartment ko. Instead na iniisip ko si Ford, or si Tony. Mas nagfocus ako sa mga goals ko, and my future plans kaya masasabi ko na I feel productive pa din. Wow, productive my ass.

Out of nowhere, nagulat ako kasi dinalaw ako ng mga impakta kong kaibigan. Syempre, panibagong riot na naman to. Panibagong nakakastress, at nakakalokang usapan na naman ang magaganap.

"Hoy bakla, ano na? Its been one week na hindi ka pa lumalabas ng apartment mo, eh baka isang araw na lang magulat na lang kami nagsuicide ka na. Nakakaloka ka, akala ko blinock mo na ko sa Facebook. Nagdeactivate ka pala, hindi ka din namin macontact? Ano ba problema?" bungad sakin ni Chester pagpasok sa apartment ko.

Napaka awkward, pero bigla akong napahagulgol ng iyak. Dali-dali naman nila kong niyakap at pinatahan para bigyan ng comfort.

"Ano ba kasi nangyare, nakakaloka na yang bestfriend mo na yan aa? Namumuro na sakin yan. Sinasabi ko talaga, naku. Matitikman nya galit at hagupit ko" mataray na sabi ni Chester.

"Bakla, grabe ka naman. Baka naman kasi may rason yung tao" sagot naman ni Angge. Wait, sino ba talaga kinakampihan nito?

"Hoy Anggeng! Ano na naman yang pinuputak mo dyan?" nakapamewang na sagot din ni Chester.

"Ayan nga oh, pinaiyak tong bruhang to. Eto namang si tanga, ayun. Iniiyakan pa yung mga ganung lalaki. Ewan ko ba sa inyong mga impakta kayo ee. Once na pinaiyak na kayo ng lalaki, tama na. Enough na. Tigil na"

Wait. San nakuha nitong bakla na to ang magsalita ng ganito? Coming from him aa?

"Hoy bakla. Wag mo kong niloloko aa! Nung pinerahan at iniwan ka ng Cedric mo hindi ka namin ginanyan!" banat ni Angge. Pinaalala nya pa yung first heartbreak ni bakla two years na nakakaraan.

"At least I learned my lesson na" may pa Kris Aquino naman na sagot ni bakla. Bwisit na to.

"Mga teh. Hindi naman kasi yan yung issue diba?" pagdra-drama ko dahil nalalayo na kami sa pinaka topic.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon