Chapter 34 | Ford's Birthday part 2

200 3 1
                                    

•_•_•

Nagka-ayaang magkantahan yung mga boys. Nandyang nagpapataasan sila ng score. Bumibirit na kunwari si Regine Velasquez mga ganun. At in all fairness, ang galing ni Jimsen sa facial expressions. Magaling sila kumanta lahat. Wala akong masabi.

Si Angelo saka si Jindric, pwede silang maging next Erik Santos or Christian Bautista something like that. Si Jimsen saka syempre si Ford. Ewan ko, basta alam ko na may mas igaganda pa silang career in the future. Boyband, I think.

"Ces, ikaw naman. Sabi ni Ford maganda din daw boses mo ee" request nitong si Jimsen.

"Ay hindi, nagjo-joke time lang si Ford" sagot ko na lang. Ayoko lang talagang kumanta. Nahihiya ako sa kanila, seriosly. Para kay Ford lang talaga ang golden voice ko. Charot.

"Kami na lang ang kakanta, para sayo" sabi ni Angelo at kinuha yung song-book para maghanap ng kanta.

"Haranahin natin girlfriend mo aa?" Paalam ni Angelo kay Ford nung nakahanap na sya ng kakantahin at in-enter na yung number sa videoke machine.

Play "Because Of You" by 98^ while reading this part

It's all... It's all... It's all...
You're my sunshine after the rain
You're the cure against my fear and my pain
'Cause I'm losing my mind
When you're not around
It's all... It's all...
It's all because of you

Medyo old-school yung song na napili nila. Eto kasi yung kanta na naririnig ko lang lagi kapag sunday sa isang radio station. But honestly, walang halong echos. Walang halong pilit. Hindi biased kasi kasama nila si Ford.

Ang galing nilang lahat. Ang galing ng pagkaka-blending ng boses nila. Boyband na boyband na nga talaga sila. Sila na ba yung nanalo? O sadyang ginalingan lang talaga nila? Feel na feel mo yung song kasi parang sila yung original singers nung nasabing kanta.

You're my sunshine
Oh yeah...

Si Ford yung kumanta nung part na yun na nakaturo sakin at may pamatay pang kindat.

Parang biglang tumigil tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Titili ba ko, or what? Basta hindi ko maipaliwanag yung kilig ko.

Baby I really know by now
Since we met that day
You showed me the way
I felt it then you gave me love
I can't describe
How much I feel for you

Si Angelo yung kumanta nung part na to at saka lumapit sakin. Nilapit nya sakin yung kamay nya na parang sinasabi na Can I have this dance something like that. Hinawakan ko yung kamay nya na parang inalalayan nya kong makatayo.

I said baby I should have known by now
Should have been right there
Whenever you needed love
And if only you were here
I'd tell you, yes I'd tell you
Oh yeah...

Si Jimsen naman yung kumanta nung second part at lumapit din sakin saka ko parang sini-weet dance. Napahawak na lang ako sa balikat nya habang gumagalaw yung mga paa namin

You're my sunshine after the rain
You're the cure against my fear and my pain
'Cause I'm losing my mind
When you're not around
It's all... It's all...
It's all because of you

Sabay-sabay silang lahat sa chorus. Nasa gitna lang ako habang kumakanta sila. Nakakakilig to be honest. Iba yung feeling na kantahan ka ng apat na gwapong nilalang sa harapan mo.

Dun sa part na its all because of you, talagang nakapoint pa yung mga daliri nila sakin. Kaya napangiti na lang ako at napapatakip na ng mukha sa sobrang kilig. Kailangan kong pigilan ang sarile ko. Dear inner self. Behave please

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon