•_•_•
Buzz. Buzz. Buzz
A familiar heartbeat pattern vibration of my phone wakes me up. Nagkusot pa ko ng mata para tignan muna yung oras sa alarm clock sa tabi ng kama ko.
5:30am pa lang. Bakit kaya tumatawag si Ford? Sasagutin ko na sana kaso bigla namang nag end call. So I redial the said number.
"Ba, goodmorning to my beautiful princess. Naistorbo ba kita?" Bungad sakin ni Ford. Syempre papabebe pa ba ko?
"Hindi. Nukaba? Okay lang. Goodmorning Ford. Napatawag ka ng ganito kaaga? Namiss mo ko?" Sagot ko sa kanya.
"Oo. Hahaha. Kaya baka gusto mo kong labasin at papasukin" out of whim. Pagkasabi nya nun. Bigla akong napatakbo sa pinto. At pagkasilip ko sa may bintana. Nakita ko agad na may lalaking nakatayo sa may gate.
"OMG!" Dali-dali kong binuksan yung pinto saka patakbong lumabas para buksan yung gate.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate. Mahigpit na yakap agad ang sinalubong ko kay Ford.
"I miss you! I miss you talaga!" Tuwang tuwang sabi ko as I buried my face on his chest.
Halatang kagagaling nya lang ata sa taping or what kasi may dala pa syang isang malaking bagpack at plastic bag ng sapatos.
"Syempre, mas namiss kita" sagot nya. Hindi nya ko mayakap kasi may mga dala syang gamit kaya minabuti ko muna na pumasok na kami sa loob.
"Ano gusto mong almusal?" Tanong ko habang papunta sa kusina para magprepare ng makakain namin.
"No need, nagtake out na ko" sagot nya at nilabas yung isang paper bag ng Jollibee na may pancake at burgers.
"Wow, prepared aa" tuwang-tuwang sabi ko at saka lumapit sa kanya para ihanda yung mga dala nya sa lamesa.
"Wala na yung drinks ee. Hassle kasi kung iuuwe ko pa" paliwanag nya kasi alam ko, may kasamang hot choco or coffee to. Eto kasi yung usually na breakfast na kinakain ko kapag sa labas ako nagaalmusal.
"Okay lang. Pwede naman akong magtimpla na lang" sagot ko kaya nagpakulo ako ng tubig saka nagtimpla ng kape para may mainom kami ni Ford.
"Mukhang galing ka pa sa taping aa, nakatulog ka na ba?" Tanong ko kasi parang haggard yung itsura ni Ford.
"Oo, pero nakaidlip-idlip naman ako kahit papano sa dressing room." sagot nya.
"Ang busy mo na talaga. Baka mamaya makakalimot ka na lang aa. Ang famous na ng boyfriend ko. Pang artista na talaga ang schedule. Char" pagbibiro ko na kinatawa nya naman.
"Ikaw talaga. Para kang sira" sabi nya saka nya kinurot yung pisngi ko na parang bata.
Pagkatapos naming mag-almusal. Inayos ko muna yung isang kwarto sa apartment ko para kahit papano makatulog si Ford. Alam ko kasi na kailangan nya pa ding magpahinga.
Nung natutulog na si Ford. Binuksan ko yung aircon saka ko sya iniwanan para hindi ko sya mastorbo.
Naglinis-linis ako sa apartment ko. Nagayos ng mga gagamitin ko. Naglaba ng uniform na susuotin ko para sa pasukan next week. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko sa sofa nung nagpahinga ako. Naalimpungatan na lang ako nung naramdaman ko si Ford na lumabas na sa kwarto.
"Ay Ford, kumain ka na ba?" Tanong ko na parang nabuhay bigla ang katawang lupa ko nung nakita ko sya. Mind sharp real quick.
"Hindi pa naman ako gutom. Ikaw? Gusto mo bang kumain?"
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanficFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...