Chapter 38 | Break-Up

254 3 0
                                    

"Sometimes, its the one we love the most, who will literally destroys us"- (NV) President Snow (Mockingjay part 1)

•_•_•

Medyo hirap akong makabangon kinaumagahan. Almost 4am na ata ako nakatulog dahil sa sama ng loob ko pero nagising ako ng mga 7am. Tatlong oras na tulog. Pwede na din, may laban na.

Tumayo ako para magayos ng sarili ko. Kunwari walang Ford na nage-exist sa mundo ko. I tried to divert my attention as much as possible. Kinuha ko yung lesson plan ko saka ko binasa para i-review or i-revised kung kinakailangan. Im drinking my cup of coffee at nung mauubos ko na, sakto naman na may kumatok sa pinto.

Pinagbuksan ko yun at hindi ko ine-expect na si Ford yung bubungad sakin.

I tried to keep my cool. Kunwari hindi ko alam yung nangyare. Kunwari okay pa lahat. Kunwari

"Hi, ba. Good morning" bati nya

May pagtataka sya sa hindi ko pag-response sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya na sa loob-loob ko, gusto kong sabihin sa kanya na

"Ano ginagawa mo dito? Diba wala namang tayo?" or most likely "Diba wala kang girlfriend? Ano ginagawa mo dito?" ang gusto kong isagot sa kanya.

"Ha? Wala. Hindi ko lang ine-expect na pupunta ka" sagot ko na lang saka bumalik sa pwesto ko.

Kung normal conversation yun. Usually hahalik pa ko or yayakap pa sa kanya, but this time. Hindi, wala. Dead air. Tahimik lang akong umupo sa sofa at pinagpatuloy ang pagbabasa ng lesson plan ko.

"May problema ba?" Tanong nya.

Isnt it ironic? Yung mismong source ng problema ko ay sya pa mismong nagtanong kung may problema ba? Wow. Just wow.

"Ha? Wala, baka ikaw ang may problema" sagot ko na lang. Mukhang gets naman nya ko.

"Look, alam ko na busy ko this past few days. Alam mo naman yun diba? Sinabi ko na naman sayo diba?" Sabi ni Ford na nakatingin sakin. Iba yung tingin nya sakin ngayon, parang alam nya talaga na iba na yung treatment ko sa kanya.

"Im sorry, okay. Im sorry. Gusto ko naman talagang makita ka lagi ee. Kaso--" dagdag nya kaya medyo naglakas ako ng loob na sumabat sa kanya.

"Kaso, ano? Pinagbabawalan kayo ng management? Okay. Okay lang naman sakin ee. Sino ba naman ako diba?"

Napatahimik lang si Ford dahil sa ibang aura ko. Iba din yung tono ng pananalita ko at may padabog na tinabi yung binabasa ko.

"Ces?" Parang hindi sya makapaniwala na ako yung kausap nya, akala nya ata ibang Ces yung nasa harap nya o sinasapian ako ng kung ano mang elemento.

"May problema ba?" Medyo iritable na yung tono nya.

"Wala. Itanong mo nga din yan sa sarile mo, Ford. May problema nga ba?" Sagot ko sa kanya.

Masyado namang pahamak yung luha ko. Napaiyak ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung paano ko tatapusin tong usapan na to.

"Pwede ba, derechahin mo nga ako. Bakit ba ganyan ka magsalita?" Medyo tumataas na din yung toni ng boses nya.

"Ikaw! Ikaw yung problema ko Ford" sagot ko na humahagulgol na ko.

"Diba, diba wala ka namang girlfriend? Tinanong ka nila, sinagot mo wala kang girlfriend. Okay lang. Okay lang talaga. Promise"

Nung sinabi ko yun, parang biglang nanghina si Ford saka lumapit sakin at niyakap ako.

"Ma-ma-may lalaking pumunta dito. Kinausap nya ko. Pinanuod nya sakin yung video mo. Ano, okay lang naman ee. Naiintindihan ko naman na kailangan mo kong i-deny. Hindi naman ako galit Ford ee. Naiintindihan kita"

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon