"Leaving you is an exquisite form of self-destruction"- unknown
•_•_•
"Neil! Ces! Steven!"
Masiglang bati samin ni mama at niyakap kami ng mahigpit paglabas namin ng airport at hinihintay kami sa may labas.
"Maaaaa!" Naiiyak na sabi ko at mahigpit na nakayakap sa kanya. Ganun din sila Steven at Kuya Neil na halatang namiss namin ang piling ni Mama.
"Namiss namin kayo" sabi ni Steven na umiiyak pa habang nakayakap na parang bata na naglalambing.
"Namiss ko din naman kayo ee" sabi ni Mama at hinalikan kami sa ulo isa-isa.
"Namiss kita" sabi ni Papa na pinapanuod lang kami habang nagmo-moment sa labas ng airport.
"Tara nga dito" sabi ni Mama kaya lumapit si papa at nag-group hug kaming pamilya. Finally, after so many years. Complete family na naman kami.
Since medyo awkward na yung family moment namin sa labas. Napagpasyahan namin na saka na lang ipagpatuloy yung tear-jerking reunion namin pagdating sa bahay. Sa ngayon, pasakay na kami sa inarkilang pick-up ni Mama na tila tinutukso ko.
FORD RANGER
Talagang may nakalagay pa na malaking FORD sa pinaka-likod ng pick up. Kitang-kita ko yung sarcastic na ngiti nila Steven at Kuya Neil sakin habang nilalagay namin yung mga maleta sa likod.
"Isa. Wag nyo kong simulan aa" masungit na sabi ko habang iniirapan sila at padabog ng konti na nilalagay yung mga maleta.
Clueless naman si mama kung bakit ganun yung naging mood ko at nagpi-pigil lang din ng tawa si papa kaya mas lalong nagbigay yun ng pa-mystery effect kay Mama.
Kaya nung nakauwe na kami at nailagay na namin yung mga gamit sa respective kwarto namin. Habang nasa sala kami, dun namin pinagpatuloy ang pagkwe-kwento sa buhay-buhay namin sa Pilipinas.
"Ayun ma, Teacher. Busy sa work, madaming reports, paper works. Ganun" pagkwe-kwento ko. Feeling ko may sinabi na tong mga tokis kong kapatid kasi iba yung tingin sakin ni Mama at patay malisya lang yung tatlong lalaki sa gilid.
"May hindi ka pa ba sinasabi sakin?" Tanong nya.
"Ugh. Wala na po, yun lang naman ma'. Aside sa busy sa work, syempre hindi ko pa din naman po pinapabayaan yung sarile ko" sagot ko
"Ano Garette? Parehas na parehas kayo ng anak mo no? Mapaglihim din. Hahahaha" asar ni Papa.Nakatingin lang sakin ni mama na parang alam nya nga talaga na dapat pa kong sabihin.
"Ma naman, ano. Hindi na kailangang sabihin yun" sagot ko na lang. Ayoko munang masira ang family reunion namin dahil lang sa topic namin is si Ford.
"Si Ford ba yan? Yung dati nating kapitbahay sa Valenzuela? Hahahaha. Sabi na nga ba, tsk tsk. Parang dati lang nagaaway pa kayo lagi na parang mga asot pusa. Hanggang sa naging crush mo sya, tapos. Sino ang magaakala na magiging kayo pala?" Sabi ni Mama na parang ina-asar ako.
"Actually, wala na po kami Ma" sagot ko. I just telling the truth.
"Oh? Bakit, porket nanalo sya sa Pinoy Boyband chenes iniwan ka na nya?" Tanong ni Mama.
"Hindi naman sa ganun, ma. Ano po, basta. Sa ngayon po, siguro dapat muna kaming magfocus sa sarili namin. Hes a celebrity now, ako. Teacher. Hindi po ba parang ang awkward naman nun, hayaan na lang po natin sya. Dun naman po sya mas masaya ee" paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...