Chapter 10 | Set Up

278 5 0
                                    

•_•_•

"Bakla, ano na naman ba ang problema at nagpatawag ka ng pagpupulong?"

Tanong ng baklang si Chester. Pagkatapos kasi ng pasok ko, nagkita-kita ulet kami ng mga gaga. Kinwento ko kasi sa kanila sa group chat namin yung usapan namin ni Ford, at yun ngang kay secret admirer whosoever he is.

"Ano ka ba, diba nga yung sa pagtutol ni Ford kay secret admirer" sagot naman ni Angge.

"Nakakaloka, nako aa? Mabuti na lang hindi kami nagkikita ng Ford na yan, baka masampal ko yan ng kaliwa't kanan" pamalditang sagot ni Chester.

"May point naman sya ee" sagot ko nalang. Trying to defend Ford.

"So ganun, nung sinabi ko na wag ka na makipagkita dyan sa secret admirer mo na yan, dahil baka mamaya rapist or what, sabi mo ang nega ko. Tas ngayon si Ford nagsabi, okay lang? Omaygad, nakakatampo"

Maypa pout lips pang nalalaman tong si Angge habang sinasabi yun. Pabebe talaga, kainis.

"Syempre, ano. Bestfriend ko yun ee" sagot ko na lang. Wait, parang ang wrong move.

"So ano kami dito bakla?" Pambabarang tanong ni Chester.

"Ultimate bestfriends ko" sagot ko na lang. Kailangan kong bumawe

"Kulang, dagdagan mo ng magagandang bestfriends mo" habol naman nitong si Angge.

"Pero eto, jusko girl. Nakakaloka ka na kasi ee. Ba't ba kasi hindi mo pa itanong sa bestfriend mo na yan kung ano na ba real score nyo, mygod" may pagirap na sabi ni Chester at kunwari donyang nagpapaypay.

"Eh nakakaloka naman kasi talaga ee. Tignan mo aa, ngayon magau-authority, authority sya? Sobrang possessive nya, tas girl, hello? Wala naman kayong label, o relasyon man lang, diba? Pinapahirapan ka lang nya ee" dagdag nya.

"Kaya nga, teh. Baka naman kasi gusto mong kausapin ng masin-sinan yung bestfriend mo. Tanungin mo sya, "ano ba tayo?" Ganun. Hindi yung nangangapa ka sa friendship nyo. Aasa ka lang dyan ee, ending? Ikaw lang tong masasaktan" sagot naman ni Angge. Finally, may sense na din yung mga sinasabi nya.

"Eh, paano? Nakakahiya kaya, sabihin nya pa ang assuming ko"

Diba parang ang tanga ko naman kung itatanong ko yun kay Ford kung yun lang ang basis ko. Yung mga sweetness nya lately, eh baka barahin pa ko nun ee. Malay mo, nature nya lang pala yun, this days?

"Alam ko na, wait lang aa?" Sabi ni Chester at lumabas sandali. Hindi ko alam kung san sya pumunta kaya naiwan kami ni Angge habang kinakain yung inorder naming Carbonara.

"Oh eto, amina. Pahingi ng number ni Ford" sabi ni Chester pagbalik nya at may dala syang kabibili lang na SIM.

"Ano gagawin mo?" Tanong ko

"Edi ise-set up natin sya" sagot naman ni bakla.

"Huy, ano ka ba? Wag mo ngang pagtripan si Ford" saway ko sa gagawin nya.

"Duh, pagtri-tripan ka dyan? Oh diba wala ka namang lakas ng loob para itanong sa kanya yung gusto mong itanong, pwes. Tayo mismo ang gagawa ng paraan para malaman natin kung ano ba talaga ang nilalaman ng puso ni Ford" sagot nya.

Tinext ni Chester yung number ni Ford dun sa bagong SIM na binili nya. Syempre, random yun. Hindi ko lang alam kung magrereply sya, kasi knowing Ford, hindi sya nagrereply sa mga unregistered numbers.

Hi

Yun yung first text namin. Para kaming mga tangang naghihintay sa reply ni Ford. Nagkwentuhan muna kami about random topics habang naghihintay ng reply nya. Alam kong parang ang stupid ng idea na to, pero sinakyan ko pa din kasama tong mga gaga kong kaibigan.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon