"Give me one more day, give me one more night. Give me one more chance, give me one more try. Give me one more dance. Give me one more chance with you, and tell me its not the end" - Give Me One More Chance (Derrick Monasterio)
FORD
"Tulala na naman ang kuya ko" pang-aasar ni Niel sakin
"Hindi mo pa kasi kinukuha yung naagaw sa kanyang Barbie doll. Bili mo na kaya ng bago" satsat naman ni Joao kaya nagtawanan yung mga boys sa quarters.
"Isoli mo na kasi Russell!" Sabat naman ni Tristan at dinamay ang nanahimik na Russell na natutulog.
"Mga kupal kayo. Wag nyo kong idamay dyan aa? Nanahimik ako dito" sagot naman nya. Gising pa pala
"Hahahahahaha" natatawa na lang yung ibang boys sa gilid. Mga bwisit talaga to.
"Alam mo bro, bilib ako sayo. To think, napagsasabay mo yung personal agendas mo, yung mga heartbreaks mo habang nagco-concentrate dito. Iba ka talaga. Idol" sabi naman ni Joao.
Yes. I have to admit. Hindi ganun kadali ang pagtra-trainings namin dito. Literally, patayan talaga. Minsan nga pumapasok na din sa isip ko na mag back-out na lang. Pero hindi ee, ito yung pangarap ko. Ginagawa ko to para kay Mama, at syempre sa papa ko. And syempre, para na din kay Ces.
May mga times na minsan intense na yung trainings especially kapag palapit na yung live shows. Minsan sobrang perfectionist na ng mga voice coaches namin. Kailangan perfect na yung harmony namin, yung choreography lahat. Hindi ko nga din alam kung paano ko napagsasabay yung personal agendas ko even though strict talaga yung management samin.
Siguro, malaki din ang pasasalamat ko sa mga kasama ko dahil sinusuportahan nila ko sa lahat ng bagay. Ganun naman kasi kami dito, para ngang hindi kami magkakalaban for the title. We became brothers, or a family perhaps. Kaya kahit na isat kalahating abnormal at malakas mantrip tong mga to. Mahal na mahal ko pa din sila, kahit papano *cringe* Bromance.
"Hindi ko din naman magagawa yun, kung hindi dahil sa inyo ee" sagot ko. Para namang nagbibiro ako at parang hindi makapaniwala yung mga abnormal sa sinabi ko.
"Ikaw pa. Bosxz Ferdinand" asar naman ni Niel. Ang jeje ni bunso.
"Showbiz mo!" Sagot naman ni Joao. Ayaw nilang maniwala, edi wag. Wag pilitin ang ayaw.
"Basta ikaw, ano pa't magkakaibigan tayo dito, diba?" Sabi ni Tristan. Sya lang naman yung masasabi kong bestfriend ko ee. Ilang beses ko na din kasi syang nakaka grupo sa mga live shows. Including this week.
"Bros for life, diba?" Tanong nya sa other boys
"OO!" Sagot naman ng lahat
"Ang iingay nyo!" Reklamo naman ni Russell na nagising sa pagkakahimbing
"KJ ka kasi" sagot naman ni Joao
"Mga bakla talaga kayo" sagot naman nito at tinakpan yung mata nya gamit yung sleeping mask nya at natulog ulit.
"Wag kayo maingay" senyas ni Niel at may gagawing kalokohan.
Lumabas na ko dahil alam kong riot na naman ang magiging ending nito. Mga sampung hakbang pa lang ata ang nagagawa ko nung naglabasan at nagtakbuhan na palabas sila Joao, Niel, Allen at hinahabol ni Russell. Mga isip bata talaga.
•_•_•
Tumambay muna ko sandali sa Starbucks sa may compound ng ABS. Wala lang, medyo inaantok-antok din kasi ko at gusto ko ding magrelax kahit papano. Habang nakaupo ako sa upuan malapit sa may pinto. Nagulat ako kasi sakto na biglang pasok naman ni Loisa Andalio. Yung housemate ng PBB kasama yung personal assistant nya ata.
BINABASA MO ANG
The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed)
FanfictionFord Valencia of BoybandPH Fan Fiction. This is a story of mere reality of loving unrequitedly despite of being Friendzoned by the one you love the most. A love story with a twist where you have to choose whether to love or to lose your profession...