Chapter 29 | Hello, Tony

201 6 1
                                    

•_•_•

Magkakasama kami ng mga bakla kong kaibigan habang kumakain sa Mang Inasal. Bigla kasi naming naisipang mag unli-rice dahil nags-stress eating ang malanding kabayong si Chester dahil broken hearted sa ombre nya.

At since nung naging kami ni Ford. Bihira ko na lang nakasama ang mga impaktang kaibigan ko kaya kailangan ng isang matinding bawi. Kaya inabot ata kami ng 5 oras sa Mang Inasal para pagkwentuhan, pagusapan, maglaitan yung mga bagay na nangyare namin this past few months. Andaming natambak na kwento. Halatang namiss namin ang isat-isa.

"Ay girl, kamusta na nga pala si Tony. Nagpaparamdam pa ba? Alam ba ni Ford yung tungkol dun?"

Biglang open-up ng topic na yun ni Angge. Well, to be honest. Tony is almost in the oblivion now. Hindi na din kasi sya nagpaparamdam. Siguro dahil napagod na din sya or what. Saka in the other hand, I have Ford now. I know its illegal to think of him knowing that Im committed in a relationship.

Anyway, alam naman ni Ford na "Tony" yung pangalan ni secret admirer. Pero hindi na nagtanong masyado si Ford sa other details nya. Basta, as long as hindi namin sya napaguusapan or what. Wala. Binabaon ko na kasi sya sa limot to be honest. Im thankful pa din naman to meet him, pero people do come and go, Albeit.

"Hoy bakla. Alam mo ba, may nadiscover ako recently dyan sa Tony na yan" sabat ni Chester.

"Anez?" Gay lingo na ibig sabihin ay "ano" ni Angge.

"Sya pala yung lalaki sa Mcdo commercial? Yung nangiwan? Yung sa Tuloy pa din? Basta yun" sagot ni Chester

"Ay weh?" Hindi kami makapaniwala ni Angge.

"Panuodin natin. Ayaw nyo maniwala ee. Hindi nga din ako makapaniwala nung una ee. Pero bigla kong naalala, sya nga talaga yun"

Nilabas ni Chester yung phone nya saka in-open yung youtube app. Buti na lang may pocket wifi ang bakla.

Tinype ang keyword "Mcdo commercial Tuloy pa rin"

Lumabas na yung mga results. Plinay namin yung pinaka official na video from McdoPH.

"Diba!? Ayaw nyong maniwala ee!" Sabi ni Chester pagka pause nya nung video na si Tony na yung pinakita na nakikipaghiwalay na sya sa girl.

I dont know whats gone in me pero bigla akong napatahimik na ewan.

"Hoy girl. Commercial lang yan. Baka naman iniisip mo na ganun din sya sa real life. Wag ka ngang nega. Hindi mo pa naman ganun kakilala yung tao ee" sabi ni Chester dahil pansin nya yung pagwala ko ng imik.

"Alam ko naman yun girl. Pero ibig sabihin, commercial model pala sya? Wow" sagot ko na lang.

"So ano pinanghihinayangan mo? Ganoin?" Tanong naman ni Angge. Parang tanga lang.

"Kuntento na ko kay Ford. Duh. Pinanghihinayangan ka dyan? Saka mukha namang marami pa syang makikilala at maliligawang iba dyan. At least, alam ko na masaya sya kahit na hindi ko sya, basta. Hindi ko naman sya binusted diba?" Sagot ko. To be fair, medyo nakaka guilty din kasi na hindi din ako nakapagpaliwanag sa kanya or what. Baka mamaya isipin nya pinapaasa or pinaasa ko sya and such. Mabuti din kasi na clear kami both sides. Anyway, hindi naman din kami nagkikita at nagkakausap na. So I guess were both happy now.

Nung nakauwe na ko galing sa gala namin ng mga gala. Saktong pagbukas ko ng pinto ng apartment ko, tumawag si Ford sakin over the phone.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon