Chapter 46 | Ford to the Rescue

189 4 1
                                    

"Im only one call away, Ill be there to save the day. Superman got nothing on me. Im only one call away" - One Call Away (Charlie Puth)

•_•_•

Mga 30 minutes lang ata ng may kumatok na sa pinto ng apartment ko. Agad ko naman yung nilabas dahil naririnig ko naman yung boses ni Niel na tumatawag.

"OMG. Buti nakarating ka na" bungad ko sa kanya.

"Ano nangyare kay Tristan?" Tanong nya at nagmamadaling pumasok kaya sinamahan ko naman sya sa kwarto ko kung nasan si Tristan.

"Ano ba nangyare?" Tanong nya ulet nung nakita nya to na nakahiga sa kama ko at walang malay.

"Nanakawan kasi ko kanina ee. Ano, basta. Masyadong mabilis yung mga pangyayare" hindi ko alam kung paano sisimulan yung kwento.

"Ano ginagawa nya dito sa apartment mo? Nakakapagtaka naman" tanong nya ulet na parang imbestigador. Iba din pala tong batang to.

"Basta, nandito sya kasi--" magpapaliwanag sana ko kaso parang biglang huminto yung oras nung narinig ko boses ni Ford.

"Ces, Ces, Ces?" May pagpa-panic din nyang sabi habang papunta sa kwarto ko

Sakto nung paglingon ko, nasa may pinto na sya at nagkatinginan kami. Para bang nag-slow mo yung oras nung nakita ko sya. Aaminin ko, nasabik akong makita sya.

"Ces" bigkas nya ng pangalan ko saka nya ko niyakap ng mahigpit. Shock was an understatement sa biglang pagyakap nya sakin. Parang walang buhay yung mga kamay ko at hindi ko magawang yumakap sa kanya but I just buried my face on his chest.

"Im glad youre safe" sabi nya at hinalikan yung ulo ko.

"Piwiwiwiwiw" pang-asar ni Niel sa gilid. Deadma lang kami ni Ford.

Parang namiss ko yung yakap nya na yun na hindi ko na yata kayang humihawalay sa kanya.

"Ano, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Medyo aligagang tanong nya at para syang nanay na tinitignan kung may sugat ba ko or wala.

"Im okay" sagot ko

Pero mas okay kasi nandito ka na. Gusto ko sanang idagdag yan kaso bigla kong naalala. Wala na nga pala kaming relasyon. And I dunno what urges me para magpayakap pa sa kanya kanina at nagkaron ako ng guts na makita sya ulet. Siguro sobrang traumatized ko lang talaga.

"Nag-alala ko sayo"

Hindi ko alam pero sa loob-loob ko, bakit sobrang caring at protective pa din sakin ni Ford kahit na ganun yung nangyare sa relasyon namin, siguro nga. Wala nga ata talagang nagbago. Mahal pa nga din namin ang isat-isa.

"Urg-urgh-urghhh!" Narinig naming daing ni Tristan. Gising na pala sya at nakahawak sa batok nya.

"Tristan, mabuti gising ka na" sabi ko at iniwan si Ford saka lumapit kay Tristan. Mabuti na din yun to escape the awkward atmosphere with him.

"Hoy. Please dont tell me, wala naman siguro sa inyong humalik sakin nung natutulog ako diba?" Tanong nya. Mukhang okay na ang kuya natin. Bumalik na ang kahanginan ee.

"Halikan ka dyan, wag ka nga. Sagabal ka ee. May maghahalikan na nga dapat kanina ee" sagot naman ni Niel. At alam ko, kami yung tinutukoy nya. Tinuturo ba naman si Ford gamit yung labi nya so given na.

Supposedly, ang expect ko medyo magkakagulatan pa sila ng konti ni Ford or what. Pero nagkatinginan lang sila na parang wala lang. Yung expectations mo na sasabihin ni Ford na "ano ginagawa mo sa apartment ni Ces?" or such. Sa loob-loob ko. Hindi kaya may alam si Ford na nandito si Tristan? Pero sinabi naman na ni Tristan na personal agenda nya na pumunta dito. Whatever. Im just making things complicated.

The Bestfriend's Playlist (Book 1 Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon